Chapter 8

77.9K 1.2K 80
                                    

Chapter 8

Umaga na ng makauwi ang mudrabels ni Jackie. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na damit sa kanilang sala. Sigurado siyang naghunos na naman ang anak niya ang nakapagtataka lang ay may brief siyang napulot. Tekaaaaa! Brief?!! Jacques!!!

***

"AHHHHHHHHHHHHHH!" may nag-aaway na naman ba sa kapitbahay namin? Nakapikit kong tanong sa sarili ko. Yumakap pa ko kay Stanley dahil inaantok pa ko. Putangna inumaga na kaya kami! Sakit ng katawan ko lalo na yung gitna. Shit! Di ko alam na ganun pala kasakit at kasarap ang makipag chuchu! Naalimpungatan naman kami ni Stan ng maramdaman na may humahampas sa amin ng unan at may nasalo akong damit.

"MUDRABELS?!!!" sigaw ko sabay hatak nung kumot paangat sa dibdib ko ganun din si Stanley. Patay!

"Ma! Lumabas ka muna mamaya na tayo mag-usap!" sigaw ko habang kinukuha ko yung damit ko na isinabog niya sa kama ko.

"At sino 'tong lalaking 'to?! Bakit mo isinuko ang Bataan Jackieeeeeee!" kinuha ni mama yung vase na naka-display sa bed side table ko kaya agad ko siyang inawat. 

"Maaaa! Wag yang vase! Naku po! Remember bigay yan ni Bianca sakin?!" inagaw ko sa kanya yung vase. Tumalikod si mama para umarte lang kaya naman agad kong sinenyasan si Stan na magbihis na. Hayaaan na! Nakita na naman niya lahat ng 'to kaya magkaharap kaming nagbihis. Tinulungan pa nga niya kong isara yung zipper sa likod ng dress ko.

"Humarap ka na Ma." sabi ko sa kanya. Humarap naman siya na umiiyak. Nagkatinginan na lang kami ni Stanley. Umiling na lang ako. Nadala lang naman kami ng init ng katawan kagabi eh! Tangna! Di ko akalain ganun kasarap yun.

"Putangna Jackie! Bakit mo isinuko ang Bataan! At ikaw lalaki! Pananagutan mo ba 'tong anak ko?!! ngayon ko lang ata nakita na ganito kagalit si mudrabels kaya kahit papano natakot ako. Pano ko kaya sasabihin sa kanya na deal lang ang lahat? No regrets naman kasi ginusto ko at.... masarap na masakit. Kagabi ko lang napatunayan talaga na pagkatapos ng hirap ay sarap. Hahahaha!

"Sorry Ma'am pero malinaw samin ng anak niyo na sa casual sex lang 'to. Diba Jackie?" medyo nasaktan ako dun sa casual sex ah pero aaminin ko parehas naman kaming nag-enjoy. Kahit masakit sa pride nangyari na eh. Alangan naman pakasalan ako neto? Kitams na may lovelife yung tao. Katanga ko naman kasi! Iisipin ko na lang siguro na liberated naman na ang mga tao ngayon. Sina Bianca hindi naman na ata virgin eh? Ahhh! Hindi ko pala sure.

"ANOOOOO?! HOY LALAKI! MATAPOS MONG TIKMAN ANG MAGANDANG KATAWAN NG ANAK KO BIGLANG CASUAL SEX LANG?!! EH PUNYETANG MGA KABATAAN NGA NAMAN OO!" inawat ko na si mama dahil magwawala na siya panigurado! Nakita ko na isinuot na ni Stanley yung jacket na at mukang aalis na. Mukang sanay sa mga ganitong sitwasyon ang mokong na'to. Nakakapunyeta man pero alam ko isa ako sa mga babaeng naikama niya at alam kong mas bababa pa ang tingin sa akin ng mga tao. Langya!

"HOY SAN KA PUPUNTA?! BUMALIK KA DITOOOO! PANAGUTAN MO SI JACKIEEE!" tili ni mama. Agad ko siyang binitawan.

"Ma ako na lang kakausap sa kanya no?" iniwanan ko na siya at hinabol si Stanley na naglalakad na sa may eskinita. Buti na lang nahabol ko siya agad.

"Hoy saglit! Hintayin mo ko!" pinigilan ko siya sa braso.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon