Chapter 28

59.9K 981 68
                                    

Chapter 28

Jackie's POV

Nanlaki ang mga mata ko ng inilayo na ni Sander yung mukha niya sa akin, light lang yung halik na yun but for Pete's Sake hinalikan ako ng father-in-law ko!! Ilang saglit akong naging tuod at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong reaction ngunit bumalik ulit ako sa realidad ng makarinig ako ng malakas na kalabog.

Napahawak na lamang ako sa bibig ko at napapasigaw ng halos mapahiga na si papa sa sahig habang patuloy pa din si Stanley sa pagsuntok sa kanyang ama, hindi man lang lumalaban si papa. Ghad!! Hindi pa din ako makaalis sa kinatatayuan ko, gusto ko silang pigilan ngunit ayaw makisama ng mga paa ko.

"How can you do this to me huh?! Sarili mong anak tinatarantado mo?!!! Bakit ha?!! Bakit?!!" nag-ngangalaiting tanong ni Stanley sa ama niya ngunit hindi man lang sumagot si papa kaya naman sinuntok niya ulit ito nanaging sanhi upang pumutok ang labi ni papa. Dapat pinipigilan ko sila eh.

"Oh God." yun na lamang yung lumabas sa bibig ko kasabay niyon ang tuloy tuloy na pag agos ng mga luha sa mga mata ko. Hawak-hawak ni Stanley sa kuwelyo ang kanyang ama.

"Napaka sama mong ama!! Kakantiin mo pa yung asawa ko?!! Kailan mo pa siya ginaganyan ha?!! Balak mo ba siyang pag samantalahan ha?!! Ang sama mo!" hinawakan ko sa balikat si Stanley.

"Stanley, tama na please." pagkasabi ko noon ay bahagyang kumalma si Stanley at marahas na binitawan si Papa. Inakbayan ako ni Stanley at ako ay napaiyak na ng husto. Hindi kasi ko makapaniwala, yung taong pinagkatiwalaan at itinuring kong ama ay mangangahas na gawin iyon sa akin. Ghad! To think na asawa ko pa ang anak niya. He's a selfish man. Napakapit ako ng mahigpit kay Stan, baka kung ano na naman ang isipin niya sa akin. Hindi ko na kakayanin pag may masasakit na naman siyang sinabi tungkol sa akin.

"Simula sa araw na'to kalilimutan ko ng mag-ama tayo. Sa lahat ng babae, bakit si Jackie pa? Alam mo kung gaano ko siya kamahal. Ikaw pa nga ang nagsabi na protektahan ko siya at mahalin di ba? Bakit hindi ka magsalita diyan ha?!! Ano?!" napaiyak na lang ako. Nang dahil sakin nagkakagulo ang mag-ama. Pero bakit mo ginawa yun Papa?

Tumayo si Papa at pinahid ang dugo sa kanyang mga labi. Malungkot na malungkot ang kanyang mga mata, hindi niya ako matignan ng diretso. Sinubukan niyang lumapit ngunit niyakap akong mabuti ni Stanley at dumistansya pa ng ilang metro. Hindi ko na kaya 'tong nangyayari. Nahihilo ako. Pilit ko pa din nilalabanan yung sari-saring emosyon. Gusto kong malaman yung dahilan ni Papa. Naka-drugs ba siya o ano. Hay. Hindi ko kasi akalain na gagawin ni Papa yun. Never kong naisip yun.

"I'm so sorry son. Hindi ko naman akalain na mahuhulog ako ng ganito kay Jackie. I told you she's too lovable and hard to resist." nanlaki yung mga mata ko sa mga narinig ko. Napasinghap na lang ako. Hindi ko inaasahan yun mula kay Papa, ibig sabihin iba ang tingin niya sa akin?!! Oh God!

"GAGOKA!!!TANGINAMOOOO!" gigil na gigil na sabi ni Stanley, susugurin niya sana ulit si Papa pero niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Nung mga panahon na iniwan mo siya. Ako lagi yung kasama niya. Ako yung nakakita kung gaano siya nasasaktan. Hindi ko naman sinasadya anak. Hindi ko sinasadyang mag-iba yung tingin ko kay Jackie." napailing na lang ako.

"I trust you Pa. Tinuring kitang ama." nasabi ko na lang.

"Wag mo akong tatawaging anak. Jackie, let's go." hinila ako ni Stanley sa braso at dinala sa kwarto namin. Agad niya akong binitawan at napatili na lamang ako ng suntukin niya yung pader. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at mas ikinagulat ko yung pag-shake ng balikat niya. Umiiyak si Stanley. Tinapik ko na lamang siya sa balikat at niyakap ng mahigpit.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon