Chapter 33 - The Last Shot

76.1K 1.4K 221
  • Dedicated kay To All TVFN Readers. :) Thank you sa suporta niyo. Mwahh!!
                                    

Paunawa: Basahin mabuti. Damdamin ang moment.

Chapter 33 - The Last Shot

Jackie's POV

Limang minuto na din ata akong nakatitig sa cellphone ko pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung tatawagan ko ba siya o hindi. Alam  ko namang malaki ang galit niya sa akin dahil nagsinungaling ako sa kanya pero sapat na ba yun para hindi siya magpakita sa akin ng anim na buwan?!! Fvcking six months!! Pinagbubuntis ko pa naman ang anak namin. Sana man lang kausapin niya ko diba?! Kahit address man lang niya!

Hiwalayan na ba talaga ang peg?! Hay. Kaya niya akong tiisin ng ganun? Ang hirap sa kanya pag galit siya bigla bigla na lang nawawala! Naiinis na ko. Porke't alam niyang mahal na mahal ko siya akala niya hindi ko na magagawang mainis sa kanya. Amp. Nakaka-stress, baka lumaking pangit anak namin at wag naman sana.

Hindi dapat muna yun ang iniintindi ko. Dapat ang iniintindi ko si Sander. Nagkasunud-sunod na yung complications niya kaya naman sinugod ulit siya dito sa hospital. Kami ni mama yung nagbabantay sa kanya since yung kaisa-isa niyang anak at asawa ko ay naglaho na naman. Kawawa naman si Sander, wala na siyang kamag-anak bukod kay Stanley. Lately laging hinahanap ni Sander yung anak niya wala naman akong magawa kundi umiyak na lang.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magka-usap sila. Ang sabi ng doctor anytime pwede ng kuhanin si Sander, hindi na kakayanin ng katawan niya ang isa pang heart attack. Halos isang linggo na siya dito sa hospital dahil for monitoring siya. Napaka bait sakin ni Sander, tinuring ko siyang isang mabuting kaibigan at ama. Sana naman humaba pa yung buhay niya, kahit alagaan ko pa siya habambuhay gagawin ko.Si Sander lang yung taong kailanman hindi hinusgahan kung sino at ano ako. Siya yung taong hindi inisip na may masama akong intensyon sa kayamanan niya.

Naiiyak na lang ako pag naaalala ko lahat ng kabutihan niya. Please, Lord habaan niyo pa yung buhay niya. Mahal ko siya. Mahal ko siya bilang anak at mabuting kaibigan. Taeng hormones na'to! Umiiyak na naman ako. Sa tuwing iiyak ako sa tabi niya ngumingiti lang siya ng matamlay at papahirin yung mga luha ko kahit hirap siyang kumilos. Kahit na nahihirapan siya hindi pa rin niya ako hinahayaan na malungkot, nariyan pa rin siya para pahirin yung mga luha ko. Sana matauhan na si Stanley, kahit para lang sa ama niya bumalik siya. Tatanggapin ko yun.

Nagbuntong hininga ako at ibinalik na yung mask sa bibig ko at pumasok na sa loob ng ICU. Masakit makita na yung dating masiglang si Sander nakagupo na lamang ngayon sa kama. Sinusubukan pa din niyang magpatawa kahit hirap siyang magsalita at madalas nakadepende na lang siya sa oxygen tank. Nakita ko na may pinirmahan siyang mga papeles at umalis na din yung lalaking naka gown at mask din. Naupo ako sa stool at hinalikan siya sa noo.

"Ano ba yan opisina pa din? Okay bang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya habang hinihimas yung buhok niya.

"S-salamat" ngumiti siya ng matamlay.

"San naman? Ako nga ang dapat na magpasalamat sayo eh. Lagi kang nasa tabi ko, kaya ngayon hindi kita iiwan kasi alam kong kailangan mo ko. Anobe! Ang drama! Haha.

"Si S-Stan?" paiyak na naman ako. Tatawagan ko na talaga si Stan. Ibababa ko na yung pride ko!

"Uhmm tatawagan ko mamaya. Wag kang mag-alala okay? Magpalakas ka please? Ilang months na lang magiging lolo ka na oh? Haha. Ano ba gusto mong itawag sayo ng apo mo? I'm sure ayaw mong magpatawag lolo. Haha." garalgal na ang boses ko hanggang sa mapaiyak na ako. Katulad ng ginagawa niya noon pinunasan niya yung mga luha ko.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon