Chapter 24

63.4K 1.1K 122
                                    

Chapter 24

"Saan kaya pupunta si Brooke?" tanong ko sa sarili ko habang sinusundan ng tanaw si Brooke habang naglalakad ito. Inabot na ako ng gabi sa kakalakad dito sa baybayin at pakikipag-laro ng volleyball sa foreigners. Haha. Taray!

Dahil alam kong lumalandi si Patricia ngayon ay napag desisyunan ko na pumunta na lang sa isang bar para uminom at magpalipas ng oras. Nagpunta lang ako sa iang bar kung saan kakaunti lang ang mga tao. Mausok at maingay sa loob ng bar halos magulat ako ng makita ko si Brooke na nakaupo sa isang stool at uminnom. Totoo?!! Ngunit mas ikinagulat ko ang makita si Stanley de Vera sa lugar na ito. Kung may isang tao man na kahuli-hulian na maaari kong makatagpo sa lugar na ito iyon ay ang aking asawa.

Napaupo ako sa isang table habang pinagmamasdan silang masayang nag-uusap. Bakit ba lagi mo na lang akong sinasaktan Stan?!! Putangina naman eh!! Napainom na lang ako dun sa alak nung isang foriegner. 

Shems!! NO Jackie?!! Hindi ka magseselos kay Brooke!! Argh. Naiinis lang ako dahil alam kong yung tipo ni Brooke ang type ni Stan. Mabait, mahinhin at babaeng babae unlike me na kabaligataran ng lahat.

Napatayo na lang din ako kagaya ng ibang customers ng mapansin na nagsimulang mag-ingay sa counter.

"The 13 Hell Shots." bulong ko sa sarili ko. Gusto ko na sanang pigilan si Brooke kasi naman halatang hindi na niya kaya. Ghad! Hindi naman siya umiinom eh! Gusto ko na siyang lapitan kaso si Stanley andoon. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Galit siya sakin. Tatalikod na sana ko para umalis na lang ng makarinig ako ng mga hiyaw at nagulat na lang ako ng makita ko si Yvo na sinuntok si Stanley. Tatakbuhin ko na sana siya ngunit ayokong makisama sa eksena. What to do?!! At gagong Yvo na'to para suntukin ang asawa ko! Kami kaya magsuntukan!

Natahimik lang yung crowd ng makaalis na sina Yvo. Kaloka! Over protective na bodyguard! Napa-kagat na lang ako sa labi ko. Pupuntahan ko kaya si Stan?! Bumalik na siya sa loob ng counter habang sapo ang pisngi nito at pinapahid ang dugo sa pumutok nitong labi. Hala! Sayang naman kissable lips niya. Argh! Yun pa talaga naisip ko?!! Kinuha ko dun sa waiter yung pile ng yelo at kinuha yung panyo para ilagay yung yelo. Bahala! Concern citizen lang ho! Lumapit ako sa tapat niya at inabot yung panyo ko.

"Yelo para sa pasa mo." halatang nagulat siya pagkakita sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" hindi ako nagsalita bagkus pumasok ako sa loob ng counter at hinawakan yung mukha niya para ilapat yung cold compress sa mukha niya. Halos mapangiwi siya dahil sa sakit.

"May business trip ek ek kami dito. Ikaw?" sabi ko habang patuloy pa din yung paglapat ko ng yelo sa pingi niya.

"Nagpapalamig lang." he said in a cold voice. Hindi ko makita sa mga mata niya kung nagagalit ba siya o ano.

"Mabuti naman at okay ka. Nag-aalala kami sayo ni San--Papa." sabi ko sa kanya. Ang totoo gusto ko siyang yakapin ngayon mag-sorry at the same time sigawan siya at bugbugin para lang sabihin na hindi ko siya pinagtaksilan. Alam kong ganito akong tao pero sanay din akong magmahal at masaktan. Gusto kong ipagsigawan sa kanya na mahal na mahal ko na siya! Na sa lahat ng mamahalin pa ay yung lalaking kasing abnormal niya at judgmental. Na naiinis ako sa kanya na bakit siya pa yung minahal ko?!!

"Sorry. May gusto lang kasi akong pag-isipan." hindi ko talaga malaman kung kalmado ba siya makipag-usap o cold?

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya at tumango lamang siya.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon