Chapter 10

73.4K 1.4K 128
                                    

DEDICATED 'TO SA FRIENDS KO DITO SA WATTPAD. :) Kinikilig ako sainyo. Buti na lang andyan kayo kaya di ko maiwan Wattpad pa din readers ko. Hi @Girlinlove @modernongmariaclara @aishiteruhachi at sa iba pang WP Beauties. :)

Chapter 10

"Natural ba yang kulay ng mga mata mo?" pagkatitig pa ni Sander sa mga ko. Kanina pa kami nagkekwentuhan at nagtatawanan sa mga wala namang kwentang bagay. Di ako makapaniwala na yung isang katulad niyang business tycoon ay bagets pang kumilos at manalita. Unbelievable! Daig pa siya nung anak niyang si Stanley.

"Oo naman! May lahi kasi kong foreigner. Hahaha! Eh ikaw natural din yung sayo?" ako na ang walang galang. Kasi naman parang kasing edad ko lang kumilos 'tong si Mr. Sander at nagkakasundo naman talaga kami. Mapapadali trabaho ko dito hindi katulad ng sa anak niya na madami pang kondisyon. Tsk. Hindi ko tuloy alam kung nalugi ba ko o hindi kasi naman ibinigay ko sa kanya yung sarili ko. Sobrang cheap ko naman kung dahil sa deal kaya ko yun ginawa diba? Ano nga bang tawag dun? Lust?

"Oo naman. Nakakaaliw ka alam mo ba yon? Itatakwil na siguro ko ng tuluyan ng anak ko kung magiging madrasta ka man niya. Hahaha." agad kong naibuga yung iniinom kong wine hindi ko kasi inasahan yung sinabi niya. Grabe naman 'to! Kung itatakwil siya ni Stan malamang ako naman mapatay nun. Napaka judgemental pa namang tao nun.

"Teka lang." agad naman siyang dumukwang sa akin at inilapat sa gilid ng labi ko yung table napkin at pinahid yung natapong wine.

"Dad?!!" nanlaki yung mga mata ko nung marinig ko yung pamilyar na boses na iyon. Nanigas ako sa pagkaka-upo kasi yung kaninang lalaking iniiyakan ko nasa gilid ko at nakaharap sa taong kausap ko. Napikit ko na lang ng mariin yung mga mata ko. Agad na nginitian ni Sander yung anak niya ako naman napatungo na lang kasi hindi ko alam yung gagawin ko. Sana lamunin na ng mga Engkatada sa lupa ang beauty ko! Now na!

"What are you doing here Son?!" magiliw na tanong ni Sander kay Stanley. Nakita kong tumingin sa gawi ko si Stan kaya naman sa kabilang direksyon ako tumingin. Gulay! Paquiao!

"Malamang kumakain ako. Sino kasama mo?" mukang galit yung tono ni Stan. Over protective naman neto sa tatay niya! Matanda naman na at saka pwede pang lumablayp. Ay teka nga?! Bakit ko pa pinoproblema yun?! Hinawakan na ko sa balikat ni Sander at itinayo. No choice! Hinawi ko yung hair ko at ngumiti kay Stanley. Alam ko mukang natatae lang yung itsura ko.

"H-hi." mahina kong bati sa kanya. Halatang nagulat siya sa pagkakakita sa akin pero hindi ko maintidihan ng makita yung galit sa mga mata niya at ikinuyom niya ang kamao niya. Hinawakan ako ni Sander sa baywang at ipinakilala kay Stanley na anak nito.

"Jackie siya nga pala si Stanley ang anak ko, Stan si---" hindi pa man natatapos ni Sander yung sasabihin niya ay agad na kong hianwakan ni Stanley sa wrist at PUTANGNAAAAA. Kinaladkad niya ko palabas nung restaurat! Halos mapasubsob na ata ako dahil sa lakas niya kung makahila sakin. Marahas niya kong binitawan buti na lang nakuha ko yung balanse ko.

Punyeta naman kung makabalibag eh! Agad kong hinawakan yung namumula ko ng pulso. Bwisit! Sadista siya masyado ah! Kalahating araw pa lang pero nasaktan na niya ko physically and emotionally! Galit akong humarap sa kanya pero galit din siya sa akin. Nakakuyom pa din yung kamao niya.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon