Chapter 5

74.3K 1.3K 123
                                    

Chapter 5


Hindi ko lang pinapahalata pero parang may something sa mga ngiti nitong si Stanley. Mukang may binabalak ata siyang masama?! Hmm. Akala niya siguro mauutakan niya ko. Aba mas mautak ako! Wala pa ni isang kliyente ang tumatanggi sa offer kong investments. Malaking porsyento ng pera ang nakataya dito. Bilang ahente basta makabenta kami ng lupa, bahay, townhouse o condo ay automatic ng may 10% commission kami.


Naku! Magkano din yun diba? Mahalaga sakin bawat piso kasi naman bihira lang talaga kami magkapera noon ni motherhood. Kaya lang naman ako nakapag-aral dahil sa pagiging japayuki ni motherhood. Peste kasi nung tatay ko! Walang b*yag! Bubuntis-buntisin nanay ko tapos mang-iiwan naman?! Eh tanginang pag-ibig yan oh! Nang-iiwan?!! Ayoko na nga isipin pa yun nasisira beauty ko! Baka magka-wrinkles lang ako eh. Wala pa man akong pambayad kay Belo.


Anyway balik sa sitwasyon. Nag-uusap lang kami nitong si Stanley. Hindi ata nakukuha sa landi 'to.


"Ilang taon ka ng nagtatrabaho sa Real State Jacques?" tanong ni Stanley habang nagbabalibag ng mga alak. Kagaling namang sasalo nitong lalaki na'to ang lalaki kasi ng mga kamay.


"Jackie na lang. Mag 4 years na. After graduation sa college doon na agad ako pumasok. Pero rumaraket pa din ako minsan." kinindatan ko siya at sumimsim sa alak ko na bahagya ko lang nabawasan. Nagsindi din ako ng sigarilyo at naghitit-buga. Nakita kong napangiwi siya nung makita niya yung paninigarilyo ko kaya naman agad kong ibinagsak yung sigarilyo ko sa sahig at tinapakan ito ng killer heels ko. Ang arte naman! Nagtrabaho pa siya dito ayaw naman pala nakakalanghap ng usok ng sigarilyo.


"Bakit ka naninigarilyo? Babae ka pa naman." ngumisi siya. Pinapaalala na naman ata yung time na napagkamalan niya kong bakla. Tangina talaga. Inirapan ko lang siya at uminom sa alak ko.


"Alam mo pogi. Kahit na ang gwapo mo at idagdag mo pa yang hotness mo? Nakakaimbyerna ka ding kasama ano? Oh ayan!" inilapag ko yung folder sa counter at tinignan siya ng masama. Nauubos na talaga pasensya ko sa lalaking 'to. May isa pa kong kliyente na dapat asikasuhin pero gabi-gabi nagpupunta ko para suyuin 'tong lalaking 'to para bumili ng lupa sa Puerto Azul pero mukang wala namang interes. Aksayado sa oras!!


"Pirmahan mo na! Bumili ka na ng lupa! Wala namang mawawala sayo! Maganda doon. Pwede ka ding magpatayo ng bar doon! Ano ba?!! Wag mo na kong pahirapan please?" nakakafrustrate na siya ah!


"Gusto mo maglaro?" tanong niya sakin at halatang naghahamon siya. Sus. Sinusubukan ako nito ah. Pwes makikita niya kamandag ng mga taga Tondo.


"Anong laro naman?" mataray kong tanong. Anong laro ba ang gusto niya?


"The 13 Hell Shots game." anuraw?!! Teka! May nag-eexist bang ganun na laro? Video games ba yun? Bakit walang ganun sa IPad ni Sheila?!


"Anong laro naman yun?" nagtataka kong tanong. Ngumisi na naman siya at kumuha ng ilang alak sa counter at nagsimula na namang paghaluin yung iba't-ibang alak. Naghilera siya ng labintatlong shot glass sa harap ko.


"The 13 Hell Shots game. Labintatlong iba't-ibang uri ng alak. Kailangan pagkatapos mong inumin yung mga alak na yun ay nakakatayo ka pa din. Pag nalasing ka ibig sabihin talo ka." sabi niya sa akin.


"Pag ba nanalo ako bibili ka na ng investment sa Real State?" tanong ko sa kanya. Kung eto lang naman ang paraan edi gagawin ko na. Saka high school pa lang naman umiinom na ko kaya sanay na yung tiyan ko sa alak. Pero puta! Mas matapang pa kaya yun sa gin?


"Pano pag natalo ka?" naghahamon na naman niyang tanong sa akin.


"Ano ba gusto mong itaya ko? Wala akong pera tarantado ka!" I said. Nakita kong napangiwi na naman siya at bumalik muli sa mapanlokong ngiti yung itsura niya. Puta. Ang hot! Kumagat labi pa?!! Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at ngumiti.


"Ikaw." napamaang lang ako sa sinabi niya at nung ma-realize ko yung gusto niya ay napatakip ako sa dibdib ko. Ako?! Oh my gulay! Alam kong laspag na ko sa isip at sa salita pero hindi sa gawa!!


"Hoy gago! Ano akala mo sakin cheap na babae?!! Ang kapal lang ng mukha! Alam ko na sobrang umuusok ako sa sobrang hot pero aba! I'm a virgin pa!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Hey easy! Makasabi naman ng gago nito." tinignan niya ko na animo hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Sabagay, mga kaibigan ko nga hindi naniniwala na virgin pa ko siya pa kaya. Tsk. Mga tao talaga! Pinaniniwalaan kung ano yung mga nakikita at naririnig. Mga punyeta sila!

"Kung ayaw mo okay lang naman." sabi pa niya at nagtangka na ililigpit na yung shot glasses pero pinigilan ko yung kamay niya.


"Fine! Gagawin ko na! Itong tandaan mo. Hindi mo ko malalasing sa Fucking 13 Hell Shots na yan!" binitawan ko ang kamay niya at huminga ng malalim. Nakita ko lang yung pag ngisi niya at sinimulan ulit ang pagmimix ng mga alak.



Hindi ako papatalo. Itaguyod ang mga Tondo!


Hindi ko isusuko ang Passport to Heaven!


Ang bulaklak.


Ang hiyas.


Ang baul ni Eva.


Ang .......basta!

Virginity in english!

 to be continued...


The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon