Chapter 4

84.6K 1.2K 73
                                    

TIMELINE: 1 year ago. Hindi pa kakauwi lang ni Brooke galing isla/ Hindi pa okay sina Bianca at Lyndon/ Masungit pa Sheila.

*1 year ago pa 'to so mahabang flashbacks 'to and story dahil madadaanan natin lahat ng nangyari sa mga naunang TVFN Books.

Chapter 4

"NAKAKAINIS!!" sigaw ko habang ginugulo-gulo yung buhok ko. Naalala ko na naman kasi yung hambog na bartender na kliyente ko. Tinignan ko ng masama si Patricia na kasalukuyang nagpapaganda. Binaling ko din yung mukha ko sa salamin at tinignan ko siyang muli. Impaktitang bakla na'to! Hamak muka naman siguro akong babae kesa sa kanya diba?

"Hoy bakla!" tumayo ako at humarap sa kanya kaya naman napatigil siya sa ginagawa niya.

"Sige tawagin mo pa kong bakla ipapalamon ko sayo 'tong lipstick na ginagamit ko! Tong babae talaga na'to napaka maldita kung magsalita!" irap sakin nitong si Patricia. Grabe lang ha?!! Di ko talaga maisip na naging boyfriend ko 'tong maarteng bakla na'to. Pwe!

“Tignan mo nga ako Pat! Diba mas muka ka namang bakla kaysa sakin?! Hamak ganda ko naman sayo diba?!” nafufrustrate kong tanong kay Pat habang kinakapa pa yung mukha ko pati yung boobs ko.

“Nakikita mo ‘tong lipstick na ‘to? Mamaya nakasungalngal na ‘to diyan sa malaki mong bibig! Kapal naman ng peslak nito! I admit mas maganda ka sakin at hindi ko matanggap yun!” maarte niya kong inirapan at naglagay na ng blush on sa mukha niya.

“Sure ka talaga teh? Sabagay alam ko naman na yan pero putangina lang nung lalaki na yun para insultuhin yung pagkababae ko eh!” padabog akong naupo sa upuan ko at nagsimula na din mag lipstick.

“Gagantihan ko siya! Kailangan makabili siya sa akin ng lupa!” nakakainis talaga! Sa diyosa kong ito napagkamalan akong bading?! Putangna mo po!

“Grabe ka naman! Kung magsalita ka naman kasi akala mo babaeng sinaniban ng bakla. At isa pa virgin na virgin yang katawan mo kaso yang mga lumalabas sa bibig mo akala mo laspag ka na eh. Gora lang sa pag ganti basta ba kikita kang madaming anda diyan.” pera lang naman talaga ang mahalaga sakin eh. Sa pera at mga kaibigan ko lang naman ako nabubuhay. Kapag may pera edi masaya. 23 years old na ko pero ganito pa din buhay ko. Kasalanan ko bang ipanganak akong mahirap at tanging nanay ko lang bumuhay sakin? Hindi naman ako katulad nina Brooke at Bianca na pinanganak ng mayaman at hindi din ako katulad ni Sheila na sobrang talino kaya nakaangat agad sa buhay.

Ito lang ako eh. Simple ang buhay at dinidiskartehan ang buhay.

“Alam mo bakla! Kailangan nating rumesbak! Tara na! Babalikan natin yung lalaking yun!” tumayo na ko at hinila si Pat na hindi na natapos sa pag make-up.

“Nako baka naman gwapo yan eh mainlove ako.” maarteng sabi ni Pat ngunit hindi ko na siya pinansin.

 Nakarating na kami dito sa bar pero hindi muna agad kami nagpunta sa counter, naupo muna kami sa di kalayuan at tinanaw lang si bartender. Langya! Ang gwapo niya talaga kahit sa malayuan lang. Nakagat ko na naman yung labi ko. Natatakam ako! Yung mukha niya seryoso pero pag ngumiti grabeee! Makalaglag panty talaga. Ang tangos tangos ng ilong tapos ang pula pa ng mga labi. Ang galing pa niya maghagis ekek ng alak. Flair ba tawag dun? Ang hot ng dating! Hindi ko alam na ganito pala ka-hot ang mga bartender pag pinanood mo sa malayo. Puta!

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon