KAB 54

191 8 2
                                    

A,/N: Unang una sa lahat, 6K+ na ang reads ng Damsel at nasa Chicklit #68 na sya. Kaiyak T^T. Maraming Salamat po sa oras na nilalaan nyo para basahin to. Maraming salamat din po sa votes. The best kayo! :)

Medyo masakit ang UD sorry po. I suggest you listen to the song in the Multimedia  Section for more feels lol. Naiiyak ako T^T. K.Bye.~~~(^-^)~~~~ *fly*

VINCE POV

“Vince naman nahihilo na ako sayo” ani Grace habang inaayos ang kanyang clip sa buhok.

Kanina pa ako pabalik balik sa harap ng salamin. Hindi ako mapakali, namamawis ang aking palad at sumasakit ang aking tyan sa kaba. Bago lang sa akin ang ganitong pakiramdam. Una kong naramdaman ang bagay na ito noong nabasag ko ang vase na paborito ni Lola. 

“Vince? Okay ka lang ba anak?” tanong ni Mommy. Tumango ako at hinawakan nya ang kamay ko

“Vince calm down okay? Wag kang kabahan” natatawa niyang sabi

“Ma I want this to be perfect for both of us”

“I know anak and It will be, so stop worrying”

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay huminga ako ng malalim. Marami na ang taong nandoon sa labas ng simbahan at lahat sila ay nakangiti sa akin. Tumindig ang balahibo ko ng marinig ang piano na tumutugtog sa buong simbahan. Maging ang mga ibon mula sa labas ay paikot ikot dito. Tumambad sa akin ang magandang ayos ng simbahan. Bawat aisle ng upuan ay napapalibutan ng bulaklak maging ang red carpet nito na nakalatag sa gitna ay puno ng puting petal ng mga bulaklak. Just like I imagined, Just like we imagined few months ago.

“Baby we’re here” ani ko kay France matapos ko iparada ang sasakyan

“Dito ang date natin?” nagtatakang tanong niya at tumango ako sa kanya

Pagkababa namin ng sasakyan ay naglakad kami patungo sa simbahan. Ipinarada ko ang sasakyan sa lugar na medyo malayo sa simbahan para masurpresa sya. Nang maaninag ko na ang tuktok ng simbahan ay pinigilan ko sya sa paglalakad at gulat na lumingon sya sa akin.

“Hmm?”

“Wait lang” Nagtungo ako sa likod nya at tinakpan ang kanyan mga mata.

“Dahan dahan lang baby”

“Ano ba to Vince?”

“Saglit na lang” tuwang tuwa ako ng marating namin ang unahan ng simbahan.

“Be careful may hagdan okay? Aakyat tayo”

“Saan ba talaga to Vince. Nakakainis ka”

“Shhh one step at a time baby”

Tinanggal ko ang kamay ko at bakas sa mukha niya ang gulat.

“Dito kita papakasalan” sabi ko sa kanya habang abot tenga ang ngiti. Hinampas nya ako ng hinampas at kumawala ang luha sa kanyang mata.

“Nakakainis ka Vincent” aniya habang patuloy sa paghampas sa akin at pinupunasan ko naman ang luha nya habang natawa

“Shhh” niyapos ko sya ng mahigpit na mahigpit

“Dito.kita.papakasalan.Francine” dahan dahan kong bulong sa kanyang tenga. Naramdaman ko ang paghawak niya sa damit ko at patuloy siya sa pag-iyak.

“Tama na” sabi ko dito habang hinihimas ko ang likod niya. Tumingala siya at nakita ko ang mata niyang basa pa dahil sa pag-iyak. Pinunasan ko ito gamit ang aking mga daliri.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon