KAB 8

336 20 0
                                    

FIRST KISS

Dinouble check ko ang sarili ko sa taxi bago pumasok sa bahay ng mga De Lirio. Naka black skater skirt ako at pink spaghetti strap blouse na nilagyan ng itim na cardigan at tinernuhan ko ito ng pink pumps. Kabadong kabado ako habang naglalakad. Nakatali ang aking kulot na buhok to look more formal.

Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng isang matandang lalake.

“Good evening Miss Francine nasa dining po sila”

“Salamat po”

Kasabay ng bawat pagtunog ng sapatos ko sa sahig nila ang bilis ng kalabog ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako. Nakakahiya. Pagdating ko doon ay nakatingin silang lahat sa akin

 Sinulyapan ko ang isang magandang babae na tingin ko ay nasa 40’s na. Napakaganda ng kanyang mukha at nakangiti sya sa akin. Sumunod naman ang mukha ni Vice Gov na nakangiti din. Kamukang kamuka sya ni Vince alam mo na gwapo din ito noong kabataan nya. Napatingin naman ako sa babaeng ngising ngisi sa akin. Parang nakita ko na ang babaeng ito hindi ko lang matandaan kung saan.

At syempre, Si Vince na naka smirk sa akin.

“Ano pang ginagawa mo dyan Iha. Halika maupo ka” ani ni Vice Gov

Dahan dahan akong naglakad. Kinalma ko ang aking sarili dahil para akong aatakihin sa sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib.

“Ahh.. Salamat po”

“So, shall we start?” tanong ni Vice Gov na lalong nagpakaba sa akin. Juice colored. Help me! Oh please help me po. Natatakot ako. T^T

 “Iha oh kumuha ka nito” sabi sa akin ng Nanay ni Vince

“Salamat po”

“So, Iha you’re Francine right?”

“Ah opo Ma’am, Francine Mimoto po” naglahad ako ng kamay sa Mommy at Daddy ni Vince

“Call me Tita Gelli na lang” at kumindat pa ito sa akin

“So, Iha where are your parents?” tanong naman ni Vice Gov

“Ah nasa Japan po sila. My Dad is a Japanese and he has his own business there kaya doon sila nakatira ni Mom ever since nag college ako”

“Ah so are you living alone?”

“Ah hindi po. I was with my sister back then pero SOMETHING happened”at saka ako tumingin kay Vince “kaya po sya umalis at sumunod sa Family ko”

“You know Iha I’m glad nakadating ka, ikaw pa lang ang nag iisang babae na nakapunta sa bahay namin” masayang sabi ng mommy ni Vince

“oh Really?” nagtatakang napatingin ako kay Vince

“Even my sister?”  mahinang sabi ko kay Vince and he nod

“Jerk” sabi ko sa kanya saka bumaling sa Mommy nya

“Hindi naman kasi yan nagpapakilala ng girlfriend. Even Trisha hindi nakapunta dito samin.”

 “Grace” sita ni Vince

Grace… sa bar… sya nga.

“Kka-kapatid mo?” tanong ko kay Vince

“Yep my twin”

“Stop with the twin thing Vincent!”

Nauwi ang kainan sa mga ilang kwentuhan. Natuwa ako dahil kahit sa sandaling panahon e parang close na close ko ang family nya. Madalas mag joke si Vice Gov at kinukwento sa amin ang story nila ni Tita Gelli.

Si Tita Gelli pala noon ay isang nurse na nagvolunteer Red Cross noon at na assign sa City Hall. Doon pala sila nagkakilala natatawa kami dahil noon palang nagbreak sila ay nagsend ng video si Tita Gelli kay Tito Vincent na lasing din. Nahihiyang hinampas ni Tita Gelli ang braso ni Vice Gov. Ang sweet nila kahit matanda na sila at binata’t dalaga na ang mga anak.

“about the Trisha incident…” nagsalita si Grace na naglalaro ang ngiti sa labi.

Nanlaki ang mata ko at maingat na napalingon sa mga magulang ni Vince.

“Nothing to worry, alam na nila”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Grace.

“Look Tita, Sir. I’m sorry hindi ko po sinasadya eto po kasing si Vince…”

“Sinaktan ko kasi Dad, hindi nya kaya na maitali ako sa iba. Ginawa nya yun dahil baliw na baliw sya sakin. She’s deeply in love with me”

“OMG! This is interesting!” ani Grace

“And of course I like her too” and with that he reach out for me and kiss my lips. 

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now