KAB 14

350 18 0
                                    

SECRET ADMIRER

Nakabihis na ako at iniintay na lang ang pagbaba ni Vince at Grace. Aaminin ko na madami na ang nag bago sa amin ni Vince sa loob ng ilang oras. Hindi ko alam kung dahil ba sa away namin, sa pagyapos nya sa akin o dahil nakita ko kung ano sya sa family nya pero it doesn’t change the fact na sinaktan nya ang kapatid ko.

“France uuwi ka ba muna sa bahay nyo para makapagpalit? I would love to see your house” sabi ni Grace

“Yup dun ko na din papupuntahin si June. I’ll text her”

Nagpaalam si Grace na kukuhain lang ang bag nya kasunod naman ay bumaba na din si Vince na inaayos ang kanyang coat. Nagpakawala ako ng pigil na tawa.

“What?” iritadong sabi nya sa akin

“Wala”

“Are you making fun of me?”

“No. natatawa lang ako dahil mukha kang kagalang galang”

“So are you telling me hindi ako kagalang galang?” aniya habang inaayos ang kanyang necktie

Hindi ko alam kung bakit nakuha kong tawidin ang distansya namin at kinuha ko ang kanyang tie at inayos iyon. Amoy na amoy ko ang magkahalong mint body wash nya at lalakeng lalakeng pabango. He smells good, smells manly pero hindi masakit sa ilong.

*Click* “Gotcha!” ani Grace na nakangisi

“Inaayos ko lang yung tie nya Grace” depensa ko

“Oh? Mukang hindi na kayo magkaaway?”

“Pagkalabas ko ng bahay na to magkaaway na uli kami” at nagtawanan kami.

As planned nag shopping kaming tatlo ni Grace at June ng matapos kami magpa mani –pedi ay pumasok kami sa isang shop.

“So? What happened last night? care to tell me?” ani June habang naorder si Grace

“Nothing happened June. Nakausap ko lang family nya and they’re good” patay malisya kong sabi

“Oh pero mukang may hindi ka sa akin sinasabi?” nakataas ang kilay niya sa akin

“Okay fine. I think he’s cool pero it doesn’t change the fact na sinaktan nya si Venice” lumapad ang ngiti ni June

“So you like him?”

“What? I didn’t say I like him” lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ko. I don’t like him. Siguro oo, may part sa akin na parang nagugustuhan ko sya dahil I saw another side of him pero no. Hindi ko hahayaan na magustuhan sya, unang una He’s a playboy, pangalawa ex sya ni Venice and that will be awkward for the three of us at pangatlo he’s the reason why Venice left me.

Ilang sandali pa ay dumating na si Grace dala ang mga pagkaing inorder. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may tumawag kay Grace.

“Grace!” sigaw nya na nakapagpalingon sa lahat ng tao sa loob ng resto

“Ohh Trisha” sabi ni Grace

Omygod sana hindi nya ako makilala. Ako ang sumira ng plano nya

“Friends?” turo niya sa amin ni June. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nya ako namukaan

“Yep. Why are you here?”

“I’m with my boyfriend. Nico come here nga” tawag niya sa lalakeng nakapila sa counter.

Nagkatinginan kaming tatlo habang tinatawag ni Trisha ang boyfriend nya.

“Omygosh” natatawang sabi ni June

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now