KAB 36

273 17 0
                                    

DRUNKHARD

Hindi ko alam kung gaano ang iniyak ko habang nasa byahe kami ni June. Nagpasundo ako sa kanya sa kalagitnaan ng kalsada kala Vince. I left without saying a word to any of his family. Nakailang tunog na din ang cellphone ko pero hindi ko ito sinasagot sa halip ay pinatay ko ito.

Yes my father was disowned by my grandparents pero sabi ni Dad eventually ay natanggap na ng mga ito si Mommy kung kaya’t nagbusiness sila doon at doon namalagi. Natawag sa akin everyday si Mommy at Daddy so its impossible dahil masaya naman sila kapag kausap ko.

“Babe tama na. Ano ba kasing nangyari? Sinaktan ka ba ni Vince?” ani June at saka hinimas himas ang likod ko.

“No” maikling sagot ko at patuloy na naglalandas ang luha ko sa aking pisngi.

Huminga ng malalim si June at hindi na umimik. That’s what I like about June. She knows me too well, alam nya kung kailan sya magsasalita at kung kailan siya makikinig sa akin, alam nya ang gusto kong timpla ng kape, alam nya ang gusto kong damit, gustong kong panoodin, basahin, gawin at lahat ng bagay sa akin. She’s one of my trusted friends aside from Magenta.

Bumaba kami sa parlor ni Magenta at tumakbo ito ng makita kaming pababa ni June sa taxi. Siguro ay alam na niya na darating kami.

“Bakla ano bang nangyare sayo?” nag-aalalang tanong niya. Bumaling siya sa boyfriend niyang si Moz.

“Baby bili ka munang maiinom nila” tumango naman ito at saka bumaling sa akin

“Everything will be alright sweetheart” I just gave him a weak smile

“Bakla! Malandi ka talaga! Kailangan sa harap namin mag “baby” kadiri ha!” ani naman ni June habang tumatawa

“Wala kang pakialam! Mag jowa ka ng maintindihan mo”

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa dalawang ito. They’re my bestfriend pero lagi sila nag-aaway. Kahit anong problema ko ay napapangiti nila ako and I’m thankful for having them.

“Aba ateng tumatawa habang umiiyak? Push mo yan”

“Ikaw kaya ang ipush ko!” sabi ko saka nagpunas ng luha

“Oh hunger games na! Kwento na dali”

At kinuwento ko sa kanila ang nangyari simula nung dumating kame hanggang sa umalis ako kala Vince. Hindi ko mapigilang hindi maiyak.

“So you mean si Lola ay mega reto kay Katrina Halili and Papa V? Omygosh! Nasabi ba sayo ni Papa V ang tungkol sa child hood niya with Katrina Halili?”

“Sabi lang nya kababata nya pero hindi naman nya sinabi na crush nya dati or what”

“E babe naman crush lang naman pala. Hindi lang makaget over ang Lola non”

“Sabi nya papalubog na daw ang business namin”

“Then ask your parents”

“Natatakot ako”

“Bakla need mo malaman yun ng masagot na ang question mark dyan sa brainy mo! Clear it kala Mommsy and Popsy”

Napalingon kami ng biglang tumunog ang cellphone ni June

“Si Grace”

“Don’t answer” sunod sunod na iling ko

“Answer mo bakla” ani naman ni Magenta saka tinakpan ang bunganga ko “loudspeaker mo girl”

“Sound normal and don’t tell andito si France” singit naman ni Moz

“Hello Grace! Napatawag ka?”

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now