KAB 16.2

314 16 0
                                    

FRANCE POV

APPEAR

Kanina ko pa tinatawagan si Vince pero hindi sya nasagot. Inayos ko ang aking make up at sinuot ang aking pulang wig. Nakamaong na ombre shorts lamang ako at puting vneck tshirt na pinatatakan ng KATY PERRY. Rush na daw kasi kaya hindi na nagawa yung dapat sana mukha ni Katy Perry sa tshirt.Sinuot ko ang aking specs at ang aking keds.

Inihanda ko na din ang banner ko na halos ilang taon ko ng ginagamit sa concert ni Katy Perry. Alam ko na feeling bagets ako pero bakit ba? I’m just 25, I’m a Katy Perry fangirl and I’m proud of it.

Nagtungo ako sa pagagananapan ng event. Madami na din ang tao dito. Mabuti na lang at VVIP ako kaya kahit pumasok ako ng huli ay ayos lang. Wala pa din si Vince at hindi sya nasagot kaya naman tinawagan ko si Grace.

“Hello”

“Grace. Nandyan pa ba si Vince? Kanina ko pa sya hinihintay”

“Ah kasi… France… ano…”

“Ano Grace?”

“Nilalagnat kasi si Vince”

“Ha? Bakit? Excuses naman talaga ng kapatid mo”

“No its true. Binangungot daw kagabi sabi ni Mom”

“Hala paano na yan? Ako lang mag isa?”

“I’m sorry France you know hindi ako pwede may review ako. How about June?”

“Hindi din sya pwede. May date daw sya”

“Uh… actually I’m here sa kwarto nya. He’s asleep”

“Sige Grace its okay. Siguro maghahanap na lang ako ng ibang kasama. Maybe I’ll try Philipp”

“Okay. Bye France. Enjoy!”

Nakakainis naman. Akala ko pa naman ayos na ang lahat. Alam ko naman na di ako lolokohin ni Grace. Hindi yun papauto sa kuya nya. Hindi na din ako nagsubok tumawag kay Philipp nakakahiya naman baka may date yun e.

Habang hindi pa nagsisimula ay bumili muna ako ng snacks at tumambay saglit sa 7/11. Pabalik na ako at papasok na sana ng tumunog ang cellphone ko. Si Vince. Siguro mag aapologize. Mamaya ko na sasagutin at pumasok na ako sa loob.Pero patuloy ang pagtunog ng cellphone ko.

“Hello. Mamaya ka na nga tumawag. Busy ako” naiinis na sabi ko kay Vince

“I’m here ayaw ako papasukin ng guards. Nasayo ang ticket ko” nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

“Wait I’ll be there” at nagmadali ako at nakita ko ang bored at nakapamewang na Vince. Nagbago ang ekspresyon nya nung makita ako.

“Psh. May sakit daw” sabi ko habang tinutusok tusok ang tyan nya

Umiling iling lamang sya “What’s with the style? Teenager lang o cosplayer? AHAHAH”

“HA-HA-HA tawa pa. Its called get up”

“Whatever”

“Whatever. Oh ito nga pala. Isuot mo” inabot ko sa kanya ang tshirt na katulad ng akin.

“Where’s the restroom?” tanong niya sa isang security guard

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papuntang restroom. Pagbalik nya ay literal na napanganga ako. Tamang tama lamang ang fit ng vneck shirt sa kanyang katawan. He’s handsome kahit simpleng tshirt ang suot nya. Iritadong nagkakamot siya ng ulo.

“Okay lang ba?”hindi nya magawang tumingin sa akin

Lihim akong natatawa dahil ang gwapo nya, okay given na yon but looking at him right now, lalakeng lalake tapos naka Katy Perry na shirt.

 “Okay naman ah”

Naglakad kami papunta sa pwesto namin. Narinig ko pa ang ilang bulungan ng mga nasa likod namin.

“Ommg ang sweet naman nila naka couple shirt pa na Katy Perry”

‘I want a boyfriend like him”

“Girls that’s love. Ang sweeeet!”

“Bagay naman sila e”

Napatingin ako sa blangkong mukha ni Vince. Alam ko naman na kaya nya lang to ginagawa dahil sa video. Pero parang ang sarap isipin na magkakaboyfriend ka na katulad nya. Yun bang kahit nakakahiya gagawin nya ang isang bagay dahil gusto ka nya mapasaya.Napatingin sya sa akin kaya nag iwas agad ako ng tingin.

“What?”

“Wala. Ayan na oh”

Nagsimula na magsigawan ang mga tao dahil unti unti ng lumabas si Katy Perry mula sa flatform. This is it! Simula na ang concert!

A/N: Nagawa ko na ang Chapter 17 pero bukas ko na iupdate haha may ginagawa kasi akong bagong story :) May nagbabasa po ba nito? Maraming Salamat sa oras nyo :) Sobrang na-appreciate ko po. Salaaaamat :) 

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now