KAB 17.2

322 21 1
                                    

FRANCE POV

NAG-AALALA

Dahan dahan akong napamulat. Alam ko mabilis lang ang halik na yon but it still lingers on my lips. He was smiling at the audience habang niloloko siya ng mga ito.Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad pababa. Iniwasan ko ang kanyang mga tingin. Kelan pa ba ako nahiya sa gagong to? At bakit kailangan ko seryosohin ang halik nya? He’s Vincent Michael De Lirio Jr. and he’s like that. He kissed every girl he wants and he enter every vagina na nakahain sa kanya.

He’s my first kiss and even my second kiss. I cant believe na isang Vince De Lirio mapupunta ang first kiss at second kiss ko. Aaminin ko na nage-enjoy ako sa company nya ngayon. Alam ko na ayaw nya pumunta dito. Alam ko na ayaw nya manood  ng concert, may sakit pa nga sabi ni Grace pero why is he here?

Nilingon ko siya na nakikisayaw sa mga tao. Nakikisigaw. First time kong nakitang ganito sya. He’s the cool one, the astig one pero nakakatuwa tingnan na nakasuot ang isang Vince De Lirio ng Katy Perry Tshirt at kumakanta ng mga kanta nito.

“Okay ka lang? Tara!” aniya at hinawakan ang kamay ko habang nakikisabay sa pagsayaw ng mga tao. Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay. Dala ba ito ng pagsayaw niya?

Nang matapos ang concert ay nagtungo kami sa kinaroroonan ng sasakyan niya. Pinatunog niya ito at pumasok na kami. Natigilan ako ng hubadin niya ang tshirt.

“A-anong ginagawa mo?”

“Fr-france” pabulong na sabi niya at unti-unting papalapit ang mukha niya sa akin.

“Francine…” malapit na malapit na…ayan na…

“Teka Vince…wag dito… Vince masyado pang maaga para sa bagay na to. Hindi ako handa” napapikit ako ng madiin naghihintay… at naghihintay… at naghihintay sa halik ni Vince … pero walang labi na lumalapat sa akin. Ang naramdaman ko lang ay ang pagbagsak ng ulo ni Vince sa balikat ko.

 Napamulat ako at hinawakan ang ulo ni Vince. Mainit na mainit ang kanyang noo.

“Vince? Okay ka lang ba?” hindi siya nagsasalita . Nakapikit lamang. Inayos ko siya at inakay palabas ng sasakyan.

“Uy ayun yung kanina db? Hubad na agad yung lalake? Grabe naman” ani nung babaeng dumaan

“Mga echuserang to” pinarinig ko talaga sa kanila ang pagkainis ko. Masyadong makajudge. Sus.

Binuksan ko ang backseat at inihiga doon si Vince. Napansin ko ang bag niya na may iilang damit. Sinuot ko ang kalahati ng katawan ko sa kotse at saka siya dinamitan. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanyang abs at Vline. Ulalalammmm!

“Leche ka Vince” bago ko sinara ang pinto ng backseat. Nagtungo ako sa unahan para magdrive. Habang nagda-drive ako ay panay ang lingon ko sa front mirror para tingnan kung maayos ba si Vince. Tumigil ako sa isang botique at bumili ng gamot.

Pagkabalik ko sa sasakyan ay natutulog pa din sya. Hinipo ko ang kanyang noo. Mainit na mainit pa din. Nagdalawang isip ako kung iuwi ko pa ba sya o hayaan na lang sa amin matulog. Nakakatakot magdrive papunta sa mansion nila ng ganitong oras.

Nang makadating ako sa gate namin ay agad akong nagpatulong kay Manang para buhatin si Vince.

“Oh e bakit magkasama kayo ni Vince iha? Nagkabalikan ba sila ng ate mo?”

“Ah hindi po Manang, magkasama kasi kame sa concert kaso nilalagnat sya”

“Ah osya iha uuna na ako at naghihintay ang apo ko. Inintay lang talaga kita. Lagyan mo ng tuwalya ang noo ni Vince. Check mo ang temperatura niya. Kailangan niya pawisan para lumabas ang init sa katawan”

“Opo Manang”

Nang makaalis si Manang at kumuha ako ng ice cubes sa Ref at nilagyan ng kaunting tubig ang palangana. Pumasok ako sa kwarto kung saan naroroon si Vince at pinunasan ang noo nito. Halos buong magdamag akong nagbabantay sa kanya. Okay naman sya kanin, Masaya pa nga syang nakikisayaw. Pero siguro nga may lagnat talaga siya at napuwersa ang katawan niya.

Kasalukuyan akong nagpe-facebook ng makita kong online si Grace. Chinat ko siya at sinabi na nandito sa amin ang kapatid nya. Mataas ang lagnat nito at hindi ko na naihatid dahil madilim na ang daan papunta sa mansion.

Ilang sandali pa ay nag appear sa aking screen ang skype at lumitaw ang pangalan ni Grace.

“Hi Sis!” ngising ngising bati niya. Nasa kwarto siya dahil kitang kita ko ang pink na background niya

“Hindi ka man lang ba nag aalala kay Vince?” tanong ko dito

“Malaki na yan no at saka andyan ka naman bakit pa ako mag aalala?” nakangising sabi niya

“Nirereto mo ba ako sa kapatid mo Grace?”

“Huh? Hindi ah”

“Don’t expect okay? Malayo si Vince sa type ko at lalong ayaw ko sa playboy mong kapatid”

“Sus nagkiss na nga e”

“Ha? Ano?”

“Wala. HAHAHA”

“Ako naman Grace…” narinig kong sabi sa kabilang linya at saka lumitaw ang mukha ni Tita Gelli sa screen

“Iha How’s Vince? Masama na talaga ang pakiramdam nya kanina pa e kaso ewan ko ba bakit noong kinausap ni Grace kumaripas ng ligo”

“Syempre My ayaw maunahan” ani Grace na nakaupo sa likod ng Mommy nya

“Iha ikaw na ang bahala kay Vince ha?”

“Opo Tita” at doon natapos ang usapan namin

Muli akong bumalik sa kwarto kung nasaan si Vince. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Maamong natutulog. Hinipo ko ang kanyang noo at mainit na mainit pa din ito.

“Kahit gaano ka kaamo matulog mas gusto ko na gising ka, makulit ka, maingay ka pero alam kong andyan ka. Magpagaling ka na Vince nag-aalala ako sayo”

Matapos noon ay pinatay ko ang ilaw at lumabas ng kwarto. Nanood ako ng TV hanggang sa maramdaman ang pagbigat ng aking talukap. Nakakapagod ang araw na to.

A/N: Hello silent readers. Christmas is approaching pakilala naman kayo :) Salamat sa time. Bukas uli :)

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now