KAB 1

682 27 0
                                    

A/N: Sana po ay itry nyo basahin hanggang sa mga susunod na kabanata and please add this story sa Library nyo.  Maraming Salamat po :)

Revenge

“Ate naman… tayo na nga lang dalawa ang magkasama iiwan mo pa ako?” sabi ko habang inaalis ang mga damit na nilalagay niya sa bagahe niya.

“I can’t stay here France” sabi niya habang patuloy sa paglalagay ng mga damit sa kanyang maleta.

“Ate andon na si Mom, andon si Dad tapos pati ikaw? Ano ng mangyayari sa akin dito sa Pilipinas?”

“Look France alam mo kung gaano ang iniyak ko gabi gabi sa bahay na to. Hindi ko na kaya pang tumigil sa Pilipinas. Hindi ako makakamove on kung andito ako”

“Ate bakit hindi ka na lang kasi makipag ayos kay Vince? Maayos nyo pa to like the old times”

“Its not like the old times France, may iba sya and he’s serious on that girl and me? Hindi ko sya kayang patawadin. Paano nya nagawang piliin ang babaeng yon kesa sa akin? We’ve been together for 3 years France at sa isang iglap mawawala lahat yon dahil lang may bago sya? I let him choose and he choose her” at humagulgol na ng iyak si Ate. Lumapit ako sa kanya para yakapin sya.

Gago naman kasi talaga si Vince. They’ve been together since college. Akala ko nga okay na okay sila ni Ate Venice yun pala may iba pang girlfriend ang lalakeng yon kaya simula non nainis na ako sa kanya. I’m ignoring him kapag nandito sya sa bahay at talagang nagbanta si ate na kapag inulit nya yon ay maghihiwalay na sila ng tuluyan pero that doesn’t stop him from being a womanizer.

Sa loob ng three freaking years naka pitong girlfriend si Vince at si Ate Venice naman dahil sobrang mahal na mahal si Gago ayan girlfriend lang ng girlfriend kasi nagkakaayos naman agad sila ni Ate. Ate loves him sobra sobra panga , saksi ako don. Okay lang sa kanya na tina-timer sya dahil mahal na mahal nga nya. Pinagawayan pa naming dalawa ito pero wala e mahal daw nya talaga.Ganon naman kapag mahal mo ang isang tao diba? Willing ka magpakatanga. Kahit harap harapan kang ginagago magbubulagbulagan ka.

Alam ni God kung gaano ko pinagdadasal na maghiwalay yung dalawa, Na sana may makilala si Ate ng iba na higit pa kay Vince pero mukang after 3 years ngayon lang ako pinakinggan pero imbes na si Ate ang makahanap ng iba si Vince pa ang nakahanap.

Nahuli sya ni Ate Venice sa Starbucks na may kalandiang babae at pinapili nya si Vince between them and that jerk pinahiya si Ate sa lahat ng tao sa starbucks. Pinili daw ni gago yung bago nya. Sawa na daw sya kay Ate. Ang sarap patayin no?

 “France sana maintindihan mo ako, I need this. Babalik naman ako pag ayos na ako e. Pwede ka naman sumunod sa amin anytime. You don’t have to stay here in the Philippines”

“Ate you know na may work ako na hindi pwede iwan. Haay humanda talaga sa akin ang Vince na yun! gago sya! He’s not worth your tears ate. You don’t have to waste it sa lalakeng kagaya nya. Hindi ko naman kasi alam kung anong nakita mo dun? Oo gwapo, mayaman pero kung ganon naman kagago hinding hindi ko pagtyatyagaan yun. Ang presko kaya nya! kainis!”

“Hindi ko alam France. I know he’s a good guy. Siguro hindi lang talaga ako ang babaeng nakalaan sa kanya. Hindi na ako gaganti sa kanya and  I wont wish him dead or bad karma because I believe na in time dadating yung babaeng para sa kanya, yung katapat nya, yung iiyakan nya at luluhudan nya. Pag nakita ko yun magiging ayos na sa akin lahat ng ginawa nya.”

Nakakatawa talaga tong si Ate, masyadong mabait. Yan naman ang pinagkaiba namin dahil I’m not forgiving at lalong hindi ako forgetful. I want revenge and I will make him sorry dahil sa pangloloko at pangagago nya sa ate ko.

Kinabukasan ay maaga kami ni Ate bumyahe papuntang airport. Sa loob ng ilang taon ay namuhay kaming dalawa na magkasama. Siya lamang at ako. Ang isa’t isa lamang ang aming dinidependehan pero ngayon mawawala na ang bestfriend ko. Iiwan na din nya ako at dahil lamang yon sa iisang tao. Humanda ka sakin Vince Michael De Lirio Jr. maghaharap tayo bukas at makikita mo ang hinahanap mo asshole!

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now