KAB 4

398 22 0
                                    

VINCE’S POV

BUKING

Hinihimas ko pa din ang pisngi ko pagkababa ng sasakyan. Masakit na nga yung kaliwa kong pisngi dahil sa sampal ni Trisha sinuntok pa ako ng kapatid nya sa kanang pisngi.

 Parang nagliwanag ang lahat sa aking paningin at tila may umaawit na mga anghel kanina ng marinig ko na may sumigaw ng “itigil ang kasal” okay na sana yun e pero yung storya na gawa gawa nya? Tang ina! Sino kaya ang bitch na yon? Humanda sya sakin kapag nalaman ko kung sino sya.

“Gago ka kasi Vince. Ayan tuloy, trending ka na bro”

 Loko loko talaga tong si Grace tuwang tuwa pa habang pinapanood ang video na nakaupload ngayon sa kung saan saang social networking sites. Ipamuka ba naman sa akin ang pagiging gago? E mas gago kaya yung babaeng umeksena kanina. I should be thankful towards her dahil hindi natuloy ang kasal namin ni Trisha pero sagad sa buto ang galit ko sa kanya at sisiguraduhin kong pagsisisihan nya ang ginawa nya kanina.

Kinuyom ko ang kamao ko at kinuha ang jacket ko na nakasabit sa silya.

“Oh san ka pupunta? Baka nakakalimutan mo na grounded ka?”

“Fck” ginulo ko ang buhok ko. Magba-bar sana ako pero fck! Galit na galit sa akin si Dad dahil nasa buong balita ngayon ang kagaguhan ko. Halos itakwil nya ako at ng mga tito namin.Maging ang pamilya ni Trisha ay naeskandalo ngunit nauwi pa din ang lahat ng sisi sa akin. Fck! Mas matindi pa to sa balita na ginawa ni Jessa kay Keith.

Pagkagising ko ay naghilamos ako at saka bumaba hindi ako pinayagan na umuwi sa condo ko. Dito daw muna ako magstay sa bahay in the meantime. Nang makababa ako ay sinalubong ako ni Mommy.

“Oh anak pupuntahan sana kita sa kwarto mo. Mamaya ka na kaya bumaba? Masama ang mood ng Daddy mo” napatitig ako sa magandang mukha ni Mommy at bakas ang pagaalala sa kanyang mukha.

“VINCENT! SAAN KA PUPUNTA?”

Aakyat na sana ako ng tawagin ako ni Daddy. Nanginig ang tuhod ko. Literal na panginginig at humarap ako at umiling iling si Mommy.

Sabay kaming naglakad patungo sa mesa. Nakain si Grace at si Dad naman ay nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Nakangisi sa akin si Grace habang nakain. Bwiset talaga ang babaeng to. Kung hindi ko lang kapatid to nako! Oo, kapatid ko si Grace, kakambal ko pa nga.

Umupo ako sa silya katapat ng upuan ni Grace at katabi naman ng kay Dad. Sinamaan ko ng tingin si Grace at inirapan nya lang ako. Kumuha ako ng tinapay at hotdog pero nagulat ako ng ihampas ni Dad ang dyaryo sa akin.

“Nakukuha mong umakto na parang normal lang vincent? May gana ka pang kumain?”

“Vincent” saway ni Mommy kay Dad

“No Gelli, tingnan mo kung anong ginawa ng anak mo he’s on the headline” binasa ko ang nakasulat sa dyaryo. Fckng Sh*t humanda talaga sa akin ang babaeng yun pagnahanap ko sya

 “ANAK NI VICE GOVERNOR, VINCENT DELIRIO SR. NAUDLOT ANG KASAL DAHIL SA PAGSULPOT NG DATI NITONG NOBYA NA HINDI SINIPOT SA KASAL”

“Dad I told you hindi totoo yan”

“I don’t know what to believe Vincent! Una nabalitaan ko na my son is banging someone’s daughter in the kitchen sink and now this! Hindi ka ba namin napalaki ng tama? We all know na playboy ka pero you’re being careless”

“Dad I’m sorry”

“You should be” lahat kami ay takot kay Daddy sa bahay na ito. Si Dad ang batas dito. Paborito nya si Grace because Grace is the perfect daughter tho party girl ang kapatid ko na yan, hindi nya pinapasakit ang ulo ni Dad.

“You should grow up vincent. Kailangan makita ng mga tao na nagbago ka na. Paano nila ako pagkakatiwalaan kung ako na sariling Tatay mo ay hindi ka mapatino”

“Hindi ka muna babalik sa Condo mo. You’ll stay here until I said so, and yung business natin ikaw na ang magha-handle. No girls for now just work. Is that clear?”

“Yes Dad”

Pagkatapos ng agahan namin ay umakyat na uli ako sa kwarto Fck! This is such a boring life. Nagdesisyon ako na bumaba.

Lumagpas ako sa kwarto ni Grace ng narinig ko ang pagtawa nya

“I told you girls, she’s the perfect girl”

“Yes I know right?. Matagal ko na syang target. Luckily at nakita natin sya sa bar.”

“Syempre magaling ang acting skills ko”

“He has no power in her. Yes, I saw her many times with her sister. I heard she hated Vince a lot lalo na ngayon na hiniwalayan ni Vince ang kapatid nya”

Sa inis ko ay binuksan ko ang pinto sa kwarto ni Grace. Nakita ko ang biglaang pagbaba niya ng telepono at saka gulat na napatingin sa akin

“What the hell are you doing in my room?”

“You planned all these?”

“N-no”

“You liar! Narinig ko lahat ng pinagusapan nyo”

“Okay fine. I didn’t plan this okay? I just talk with the girl, told her you’re getting married after dumping her sister. Hindi ko naman alam na ganito kagrabe gagawin nya. Akala ko ipapahiya ka lang nya or something. I saw her with you sa The Bar at kung paano ka nya sinipa. Akala ko okay na yun but di ko inakala na ganito…”

“So you know who she is?” inis na tanong ko kay Grace. Kahit anong gawin nitong si Grace hanggang inis lang ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko kayang magalit sa kanya siguro ay dahil kapatid ko sya. Inis na inis ako hanggang sa narealize ko kung sino ang sinasabi nya

“You mean that girl is…”

“Yes bro she is”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkumpirma ni Grace. Humanda ka sa akin Francine I will surely send you to hell! Fckng b*tch!

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now