KAB 6

381 23 0
                                    

CORKY

Kakalabas ko lang ng opisina ni Mrs. Tapia, ang aming editor in chief. Pinagalitan ako dahil late ako pero syempre valid naman ang reason ko e. Pinakita ko pa nga sa kanya ang police record.

"Hoy babe ano't late ka na naman?" naglapag siya ng isang tasa ng kape sa mesa ko

Pinalo-palo ko ng palad ko ang aking noo "Alam nya"

"Huh? Anong alam nya?"

Dumako ang tingin ko sa aking mesa kung saan nakapatong ang mainit na kape at ang durog durog kong croquettas. Nangigil kong kinuyom ang kamao ko.

"Yung hayop na Vince na yon! He knew it was me! Paano nya nalaman yon?"

"Omygod! Uh uh definitely not me" ani June habang nakataas pa ang dalawang kamay

"Gaga! I know it wasn't you neither Magenta you're my trusted ones"

"Well it doesn't matter anyway, sino man ang nagsabi sa kanya you're a dead meat. So what happened?"

"What happened ..." naalala ko ang nangyari kanina!

"How much is the damage? Kulang pa ba yan sa damage na natanggap ko sa ginawa mo?"

Napanganga ako habang bumaba sya ng sasakyan.

"You know what you did right?"

Napaurong ako dahil sobrang lapit niya sa mukha ko na halos maduling na ako. Bawat atras ko ay sya namang paglapit nya.

"Uh sir? Baka pwede natin tong ayusin sa aming tanggapan?" pagputol ng pulis. Agad naman akong nakahinga ng maluwag at lihim na nagpapasalamat kay Manong.

Nagdrive kami patungo sa Police Station para makagawa ng Incident Report. Dahil gutom na gutom na ako ay hindi ko na napigilan kainin ang paborito kong croquettas. Habang kumakain ako ay may malakas na bumangga sa likod ng sasakyan ko. Mas malakas pa ito kesa sa bangga kanina na halos umuga ang sasakyan ko.

Pinaharurot ni Vince ang sasakyan niya para magpantay kaming dalawa.

"Kain pa miss corky" tumatawa tawa siya at saka mabilis pinatakbo ang sasakyan niya

Corky?Anong corky? That jerk! "Bwiset ka! Hayop ka Vince! Humanda ka sakin!" Inapakan ko ng madiin ang gas ko para maabutan si Vince pero ng mawala sya sa paningin ko ay naalala ko ang croquettas ko. Gutom na talaga ako.

"Huh? Asan? Asan ang croquettas ko?"

What the effing eff! Durog na durog ang croquettas ko na nasa silya na natabunan ng natumbang bag ko.

Galawin mo na ang lahat sa akin wag lang ang croquettas kong mahal~~ Mahal! Oo mahal! Bwiset ka talaga Vince!

Inayos ko ang sarili ko bago bumaba ng kotse ko at muling tsinek ang likod ng sasakyan ko.

Nasapo ko ang magkabilang pisngi ko dahil wasak na wasak ang likod ng sasakyan ko.

Nangigigil akong pumasok sa police station kung saan prenteng nakaupo si Vince na nakikipagtawanan pa sa mga Pulis sa loob. Oh I forgot anak nga pala sya ni Vice Gov.

"Vince!" tawag ko sa kanya

Biglang nagbago ang aura nya, paawa effect "Oh Corky. Sya yun boys. Yung babaeng nangulo sa kasal ko. Don't you think tama lang ang ginawa ko? She ruined the wedding, I lost my beloved girl and I felt like I lost my dignity. Ginawa ko yun okay inaamin ko sinadya ko ang pag bangga sa kotse nya because I'm in pain, I'm mad and I'm wrecked" humawak pa sya sa kanyang dibdib na parang nasasaktan.

Ang damuhong ito! Nakuha pang mag inarte dito at mukang dalang dala naman ang mga pulis.

"She ruined my life. Naiintindihan nyo ba yun mga tsong? Wala naman akong naging kasalanan para mabaliw sya ng ganyan sa akin" nagpunas siya ng mata na kala mo naman ay may luha. Napanganga na lang ako sa mga sinasabi nya at tumingin sya sa akin.

"I clearly told you tapos na tayo corky, na may iba na akong mahal pero... pero... you did this. You ruined my wedding" at saka siya nagtakip ng mukha na parang umiiyak.

The nerve! "Anong pinagsasabi mong gago ka!"

"Mam tama na po. Alam ko pong masakit iwan ng minamahal pero mali po ang ginawa nyo mam"sabi ng isang pulis na nandoon.

"Huh? Teka nga kuya mali"

"You see? I'm wrecked and now your denying it? Now tell me, kailangan ko ba pa bayadan ang damages ng sasakyan mo? You ruined my life Corky! Kulang pa ba yung kabayaran para sa sasakyan mo?"

Hah! Napailing ako. Magaling din umarte ang lalakeng ito. Hayop talaga! In the end nakuha nya ang sympathy ng lahat ng pulis doon maging mga preso. Walang babayadan sa akin si Vince dahil mas malaki daw ang pinsala na ginawa ko. Pinapirma ako ng salaysay na walang kahit anong pananagutan si Vince sa damage ng sasakyan ko. Habang napirma ako ay nakatingin sya sa akin at nag smirk pa. Sinamaan ko sya ng tingin.

Ng matapos ang usapan sa Police Station ay binantayan pa sya at pinaunang umalis ng mga Pulis. Tumatawa tawa pa sya bago sumakay at sinabing "Mahirap talaga maging gwapo mga tsong" at saka nag salute bago pumasok sa sasakyan nya.

"Oh my god. Gago talaga si Vince!" tawa ng tawang sabi ni June

"Wag mo akong inisin June ibibuhos ko sayo tong mainit na kape" humarap ako sa aking computer at sinimulan ang article na aking ginagawa. Inis na inis ako habang nagta-type. Bwiset na lalake yun! Corky? Corky ha? Wow ha! Anong corky? Endearment ba yun? gago sya. Never in my life papatol ako sa katulad nya. Feelingero! Mayabang! Arrrrgggghhhh!

"Humanda ka sa akin Vince! You'll gonna pay for my car! For my time! Sa lahat ng sinabi mo! especially sa croquettas ko! Arrrrgggh! agsdgshjdalsdnkdkkskkannuqejsdjnklas" sabi ni June sa aking gilid. Nagulat ako dahil parang nababasa nya ang nasa isip ko.

"What?" naiinis na sabi ko sa kanya

"Ayan oh tignan mo nga yang tinype mo! Lagot ka pag pinasa mo yan kay Mam Taps. HAHA"

Buong maghapon akong badtrip dahil sa nangyari kanina. Pagkababa ko sa parking ay tiningnan ko ay hinanap ko ang kotse ko.

"Nasan na?" nagpaikot ikot ako sa parking lot pero hindi ko makita. Naglakad lakad ako at pinindot ang lock ng sasakyan ko.

*toot toot*

Hinanap ko kung nasaan ang sasakyan ko nanlaki ang mata ko ng makita itong nasa gilid ng basurahan. Lalapitan ko na sana ito ng bigla itong umandar. Nilingon ko ang humihila sa sasakyan ko "CAR GARBAGE - you used, we re-use"

"Teka! Teka!" Sigaw ko habang naandar ang sasakyan! "Manong!" tinapik tapik ko ang truck na nahila sa sasakyan ko.

"San nyo dadahin ang sasakyan ko! Manong!!" malakas na sigaw ko ngunit di ko na sila naabutan dahil nakalayo na ito.

"Mga hayop! Gago! Eff you! Go to hell! Ibalik nyo ang sasakyan ko!" malakas kong sigaw. Agad akong nilapitan ni June at tinapik ako sa balikat

"Babe ang daming tao"

"Huh?" napalingon ako ng dahan dahan at nakita ang mga empleyado na nakatingin sa akin. Andon din si Ms. Tapia napaluhod ako sa sahig at tinakpan ang aking mukha.

"Now that's better" sabi ng boses na nagmula sa sasakyan malapit sa gate.

Napalingon ako dito at doon ko natagpuan ang mukha ni Vince bago tinaas ang tinted na bintana ng sasakyan niya at pinaharurot ang sasakyan.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now