KAB 15

322 19 0
                                    

BLACKMAIL

“I-ikaw si Anon?” gulat kong sabi at saka humagalpak ng tawa si Vince

“Joke lang. I can’t believe na naniniwala ka” tumawa siya ng tumawa habang hawak hawak ang tyan niya

“Baliw ka talaga! Ewan ko sayo” sigaw ko kay Vince at saka naglakad palayo. Nakakainis! Sinira pa ang moment ko at bakit nga ba ako nag iisip na siya si Anon? Akala ko noon nagbago na talaga si Vince pero hindi talaga mababago ng isang araw lang ang isang kagaya nya. Nang makauwi ako sa bahay ay nabalitaan ko kay Grace na napagalitan daw si Vince paano ba naman nakikipaglandian lang sa secretary sa Opisina. Grabe talaga ang kaharutan nitong si Vince bukod sa Opisina meron pa sa Parking Lot.

Naalala ko tuloy yung pangyayari na yun sa parking lot

Habang naglalakad kami sa may parking lot ay may nakita kameng isang lalake at babae na naghahalikan sa madilim na parte ng parking lot. Nakasangkala ang isang binti ng babae sa bewang ng lalake.

“Jeez PDA much? Get a room!” sigaw ni June at napailing na lang ako. Walang pinipiling lugar? Sa parking lot pa?

Sumakay na kami sa sasakyan ni Grace hindi ko mapigilang hindi mapatingin muli sa lalake at babaeng patuloy ang paghahalikan sa parking lot. Nakatawag ng atensyon ko ang nakalaylay na necktie na suot ng lalake.

“Grace itigil mo”

“Huh bakit?”

“patingin ng camera mo. Diba kinuhaan mo kami kanina ni Vince?”

“Yep? Uy intresado?” nagtaas ng kilay si Grace

“Bilis na!”

Inilahad ni Grace ang kanyang camera sa akin at hinanap namin ang picture. Itinapat ko ito sa lalake sa parking lot paulit ulit na tiningnan.

“Gotcha! Mag drive ka tapos itigil mo dun sa dalawa” sabi ko kay Grace na tila naguguluhan

Nang nandoon na kami sa tapat ng dalawa na tuloy lamang sa halikan at tila walang nakikita ay pinababa ko kay Grace ang bintana ng sasakyan at kinuha ko ang cellphone ko.

“Vince you dickhead! Kadiri ka talaga” sigaw ko habang vinivideo sila ng babae.

“Omygosh Vince” Ang lakas ng tawa ni Grace at June sa likod ko.

Gulat na gulat si Vince at hindi magkamayaw sa pag aayos ng damit.

“Itigil mo yan France!” sigaw ni Vince habang inaayos ang damit nya habang mabilis na naglalakad palapit sa amin.

“Drive!” sabi ko kay Grace at mabilis kaming nakaalis sa parking lot.

Tawang tawa ako habang nagba-bye ka Vince “Bleeeeeeh”

Hinawakan ni Vince ang braso ko “Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?”

“France naman burahin mo na kasi yang video na yan. Pag nakita pa ni Dad yan lagot ako e baka tuluyan na akong hindi makaalis sa mansion. Mag iisang buwan na akong nakatira don e”

Gumuhit ang ngiti sa aking labi. “Oh Edi maganda. Dapat ko pala to ipakita kay Tito baka ipatapon ka sa malayong lugar. Yung walang babae at walang gimmick”

“France please! Gagawin ko kahit ano”

Tumaas ang kilay ko “Kahit ano?”

“Oo nga. Sige na”

“Sige. Buburahin ko to pero sa isang kondisyon ililibre mo ako ng VVIP na ticket sa concert ni Katy Perry”

“Yun lang pala e”

“Hep. Hindi pa ako tapos”

“Oh ano pa dali na may lakad pa ako e”

“Gusto mo bang burahin ko to o ano?”

“Ano nga?”

“Sasamahan mo ako sa concert”

“Nababaliw ka na ba? Hindi ako mahilig sa ganyan saka bakit di mo isama si Grace o si June?”

“Sa palagay mo ba kung sasamahan nila ako magpapasama ako sayo?”

“Arrrgh! Ayoko France! Iba na lang”

“Okay fine. Teka ano nga uli Facebook ni Tito?”

“Okay fine! Ok sige. Sasamahan kita”

“Okay Vince. Ihatid mo ako sa bahay ko”

“What?”

“Tandaan mo, dahil sayo nawala sa akin ang sasakyan ko pero… madali naman ako kausap Vince pwede ko hanapin ang facebook ni Tito. Teka nasa messages ko yun eh”

“Sige na sige na. Pag nabura na yang video na yan I’ll make sure na makakaganti ako sayo France”

Ngumisi ako sa kanya “hintayin ko yan Vince”

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon