KAB 34

302 17 2
                                    

THANK YOU MANAGER :) Para sayo to :)

FRANCE POV

IN LOVE

May isang linggo na din simula noong nasaktan ko si Vince. Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag iisip na gagawa non? Kelan pa naging literal ang pag akyat ng ligaw?. Does he really think sweet ang ginawa niyang iyon? Halos atakihin ako sa puso sa kaba at takot. Mabuti na lang at maayos na siya ngayon.

Nabigla din ako sa maagang pag-oo ko sa kanya. I’m so stupid, akalain mong naniwala akong may amnesia sya? But somehow, it felt good na nasabi ko din sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa nangyari sa aming dalawa. It was epic. Iisa na lang ang problema ko ngayon, paano ko sasabihin sa ate ko na boyfriend ko na ang lalakeng dahilan kung bakit siya umalis.

Napangiti ako sa naglalakad na si Vince papalapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Inaamin ko na ang laki ng nagbago sa amin ni Vince. Dati ay hindi ako apektado sa bawa’t kilos niya pero ngayon halos mataranta ako kapag darating siya. Minsan ay bigla na lang akong nakakaramdam ng kaba, yun bang sobrang excitement. Yung kapag magkausap kami hindi ko mapigilang hindi kiligin. Katulad ngayon, nagwawala na naman ang mga kulisap sa aking tyan. Pakiramdam ko pwedeng pwede na akong lipadin ng mga ito ano mang oras. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko noon ang lagi kong sinasabi na “never ever akong magkakagusto kay Vincent De Lirio”

 “Lets go?” aniya sabay hapit sa aking bewang. Papunta kami ngayon sa isang KTV Bar and Restaurant. Birthday party daw kasi ngayon ng isa sa mga barkada niya noong highschool.

“Pre long time no see ah” bati ng iilang lalake sa KTV. Lahat sila ay nag apiran while the others patted him at the back.

“Wait… Francine Mimoto?” sabi ng isang lalake sa akin na tila nag iisip

Ngumiti ako sa kanya at tumango “Hi”

“Woah Francine! Mas gumanda ka pa ngayon. I’m Erol we used to be classmates on our World Lit” aniya

“Pre di ka nyan matatandaan. Panget ka kasi” ani ng isa pang lalake na may hikaw sa tenga. “Jayson nga pala”

Iilang tao din ang bumati sa akin. Vince introduced me as his girlfriend at tila ayaw maniwala ng lahat.

“Parang dati lang tinatanong mo pa sa akin kung sino yon ah” ani Erol. Napatingin ako kay Vince na nagtaas lang ng kilay. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang kantahan at sayawan. May iilang babae ding kasama ang mga kaibigan ni Vine at nakikisali sila sa mga ito sa sayawan at kantahan.

“Hey Vince sing a song for us dude” ani Jayson

“Uhh pass muna pre” sabi ni Vince habang nagkakamot sa kanyang batok

“How about you France? Sige na birthday ko naman! Right guys?” sabi naman ng isa pang lalake na pinakilala sa akin ni Vince.

“Bryan wag mo na pilitin” sabi ni Vince

“Oh okay. I’ll sing” sabi ko at saka tumayo at kinuha ang song book. Nakita ko ang pagkabigla ni Vince sa pagpayag ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Panay ang kantyawan ng mga kaibigan ni Vince.

Is this love
Feeling restless inside
Wanting you to always be by my side
I don't even want you out of my sight
You are in my thoughts all day and night
I can't get you out of my mind
I think I'm in love

Nakatitig lamang ako sa kanya habang nakanta at nakatingin din siya sa akin . He’s smiling at me. Panay naman ang tukso ng mga barkda niya sa kanya.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now