KAB 16.1

308 19 0
                                    

VINCE POV

KATY PERRY

“She’s the worst when it comes to concerts lalo na at si Katy Perry yan!”

“What do you mean?”

“Nagwawala sya. Hindi ka nya titigilan hanggat hindi mo sya sinasabayan. It’s fun pero she’s reaaaaly annoying when it comes to concerts. Number 1 fan sya ni Katy Perry. You know her song? Firework? Paulit ulit nya pinapatugtog yun na nakakainis na.

Hindi lang yan Vince, Pagsusuotin kapa ng damit na may nakalagay na may malaking mukha ni Katy Perry at may nakasulat na “KATY PERRY” in bold letters at may banner pa yan na “I LOVE KATY PERRY” I know hindi halata, she’s working na and she should be matured but she’s really a Katy Perry Fangirl.”

Naalala ko ang usapan namin ni June. I’m dead. Bakit ba ako naka Oo ay France and speaking of France natawag na naman sya. Oo that night kinuha nya ang number ko para pag may gusto daw sya ipagawa sa akin ay matatawagan nya ako. Feeling ko tuloy isa akong aso na hawak nya sa leeg but what can I do? I’m so stupid! Bakit naman kasi hindi makatiis si Jennica at doon pa nakipagmake out sa parking lot. Konting hawak ko lang sa legs hindi na nakatiis e. E syempre lalake lang ako at mahina ako sa tukso kaya naman bumigay na ako.

Akala ko nga nagkakagusto na ako kay Francine nitong mga nakaraang araw natakot talaga ako pero mali pala. Dahil pagkalabas na pagkalabas ko sa mansion ay agad kong nakalimutan si France. Ikaw ba naman lapitan ng mga girls sino ba ako para tumanggi sa grasya?

“What?”

“Anong size ng tshirt mo and what do you like? Vneck o round neck?”

Napahilamos ako sa aking mukha. Ito na ba ang sinasabi ni June?

“Hey? Vince? Ano na?” naiinip na sabi nya sa kabilang linya

“Vneck. Ikaw na ang pumili ng size”

“Orayt bye” at binabaan agad ako ng telepono

Napailing ako at lumabas ng kwarto. Pag nalaman to ng mga barkda ko nakakahiya. Paglagpas ko ng kwarto ni Grace ay narinig ko ang kantang lalong nakapagpasakit ng ulo ko

“You’re gonna hear me roar…”

“ARRGGGGGH!” sigaw ko

Pagkatapos ko maligo ay nahiga na ako. Bukas na ang concert at kailangan ko magpahinga. Masyado na akong nababaliw sa kakaisip sa mangyayari sa concert bukas.

“Dibale Vince after nito okay na ang lahat. Pagkatapos nito matatapos na ang lahat ng pagdurusa mo. Isang gabi lang Vince” sabi ko sa aking sarili at pinikit ang aking mata

“Ayan! Perfect!” pumapalakpak na sabi ni Francine

“Bagay na bagay sayo oh. Pasadong pasado ang Katy Perry get up mo Vince!”

Naglakad ako patungo sa salamin at nakita ang aking itsura. Nakasuot ako ng isang wig na kulay violet at may bangs pa na nakatakip sa aking noo. Suot suot ko ang isang kulay pulang blouse na may nakalagay na malaking mukha ni Katy Perry at kulay itim na leggings. Hirap na hirap akong maglakad dahil sa sandals na binigay sa akin ni France.

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA” malakas kong sigaw at saka hinihingal na napaupo.

“kailangan ko na siguro magsimulang magdasal”

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora