KAB 27

289 18 0
                                    

A/N: Gala mode ako kahapon hihi. Nakakatuwa at napasama na sa chicklit ang istoryang to. Maraming Salamat po sa mga nagbabasa at bumoboto <3 Love you guys. More kilig to coooome <3

DEDICATION: Myusernameisunknown <3 <3 Salamat sa flood vote hihi.

LIPS

I kissed him. I kissed him. I kissed him.

Paulit ulit ang mga katagang ito sa aking utak na para na akong mababaliw. Matapos ang fireworks na eksena namin ni Vince ay naghiwalay kami at nanood lamang ng fireworks. It was really awkward. Gusto daw niya ako ihatid pero may sasakyan din kasi akong dala. Nagpaalam kami sa isa’t isa awkwardly at heto ako ngayon nakahiga sa aking kama.Paikot-ikot na parang ewan lang.

I definitely like him. Deep down alam ko na gusto ko na sya pero how can that be? Sabihin ko na lang kaya na hindi sinasadya ang pagkakakiss ko sa kanya? na nadala lang ako sa romantic na eksena at sweet na sinabi nya? Paano pag nagkita kame? Kailangan ko sya iwasan hanggat maari. Kailangan ko iwasan ang Vince’s topic.

Maaga akong pumasok sa opisina para maiwasan ang kahit sinong tao. Habang nagda-drive ako ay napakunot ang noo ko ng makita ang mukha ni Vince sa isang billboard sa Edsa. Napakurap ako ng ilang beses at nawala ang mukha niya doon.

Nagpatuloy ako sa pagda-drive at halos mapapreno ako ng makita si Vince na sumaludo sa akin at nakasuot ng pag guard na damit. Nagdalawang tingin ako at nakita ang guard ng aming parking.

Masama ito. Nagretouch ako bago lumabas at nilock ang pinto ng aking sasakyan.

“Good morning miss france” bati ng isa pang gwardya

“Goodmorning din” masayang bati ko at napaurong ako ng makitang nakangiti si Vince at suot muli ang damit ng gwardiya

“Good morning France” halos lahat ng tao sa paligid ko ay nagiging si Vince. Nababaliw na ba ako?

Dumerecho ako sa Vendo at naghulog ng barya. Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko

“Omygod” nabitawan ko ang hawak kong lata ng kape at nasapo ang aking dibdib

“Masyado kang magugulatin ngayon ah” nakangiti siya bago pulutin ang lata

“Jusko Philipp” nagpapasalamat ako na hindi si Vince ang nakita ko

“Okay ka lang ba?”  bago niya inabot sa akin ang lata

“Oo ayos naman ako”

“How about the kiss?” tila unti unting nagbago ang itsura ni Philipp sa paningin ko at naging si Vince ito. Nakangisi siya sa akin. Napalunok ako ng matitigan ang kanyang labi

“Uyy France? France?” aniya habang hinahawi ang kanyang palad sa aking mukha. Tila natauhan ako.

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko kung nagbreakfast ka na?”

“Oo” tumango tango ako

‘Maiwan na kita Philipp” at saka ako nagmadaling umalis.

Pagsakay ko ng elevator ay nakasabay ko ang isang delivery boy na may dalang lobo na may hugis puso, hugis labi, at lobong may nakasulat na kiss

Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas siya sa 3rd floor. Napalitan naman ito ng isa pang empleyado.

“Goodmorning Ms. France.. kiss you like?”

“Ha?? Ano??”

“Eto mam yung candy na lips kung gusto nyo po?”

‘Ah no… thanks”

Nang makababa ako ng elevator ay nagtungo ako sa aking desk at nakasalubong ang isa kong kadepartment “It’s all about kiss”

“ha?”

“Yung issue natin for october…may corner about Keys”

Umiling iling ako.

“Babe may meeting daw. Buti maaga ka. Kwentuhan mo ako kamusta ang Date?”

“Huh? Mamaya na lang babe. Madami akong kailangang gawin”

“Owsss?”

“Oo”

Hindi ko na pinansin ang ginagawa ni June at nagsimula akong magtype. Nagbukas ako ng google at tila nakakaloko ang mga advertisement

Colgate kiss me mint toothpaste...

Chapstick: Put your lips first

Nagbukas ako ng yahoo at tumambad sa akin ang

WREN KISS experiment...

Nasapo ko ang aking ulo. Grabe ano na ba ang nangyayari sa akin.

Nang makatanghalian ay bumaba kami ni June at nakayagan sa isang Japanese Restaurant

“Uy Babe Sashimi oh kain tayo” sabi niya habang pinagsiklop ang dalawang ito na nagmukang labi.

Nabilaukan ako sa kanyang ginawa kaya naman inabutan niya agad ako ng tubig.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa dyan distracted" aniya habang hinihimas ang likod ko

"okay lang ako. May sakit na ata ako"

"Ano namang sakit mo?"

"Sakit sa ulo babe"

"Baliw to" aniya saka pinagpatuloy ang pagkain ng sashimi

"Baliw na nga ako"

Nang makabalik kame sa Cosmos ay nag uusap kami ni June ng dumaan kami sa lobby. Napatingin ako sa isang lalakeng nakaupo doon sa isa sa mga upuan.

Kinabahan ako ng makita ko ang mukha ni Vince. Nagtanggal ito ng salamin ng makita ako.

Umiling iling ako at hinawakan ang sintido ko.

"Nababaliw na talaga ako, I'm imagining things and this is bad"

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni June patungo sa elevator.

"Uy si Vince yon, di mo papansinin?"

"Omygodd nababaliw na ako. Pati si June nahawana" mahina kong sabi sa aking sarili

"Francine!" napalingon ang mga kasabay namin na naghihintay ng pagbukas ng elevator at naramdaman ko ang pagsiko ni June.

"Ano? nag-away na naman kayo?"

"Jusko Lord nagsasalita na sya ngayon?"

Nakahing ako ng maluwag ng bumukas ang elevator at nagsisakayan kami. nagtataka ako dahil nakikita ko pa din ang mukha ni Vince. Naglalakad ito palapit sa Elevator, nang magsasara na ang elevator ay biglang may pumigil dito na isang kamay.

"France lets talk"

Nakailang kurap ako bago nakapagsalita "Vince?"

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ng lahat ng nasa elevator "Haaaay"

"Kanina pa sya nandyan tinatawag ka nga babe Hello?" ani June

"Akala ko kasi..." hindi na natapos ang sasabihin ko ng hilahin ako ni Vince palabas ng elevator.

Ohgod I'm not hallucinating. Sure na sure na ako.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon