KAB 23

305 17 0
                                    

FRANCE POV

BREATHTAKING

Sa inis ko ay Vince ay iniwan ko sya. Napakaduwag naman talaga oo! Nagdire-direcho ako ng lakad at naaninag ang kumikislap na bagay sa may kurtinang nakatakip sa exit. Kaya naman tumakbo ako. Narinig ko ang pagsigaw ni Vince at lihim akong napatawa. Aabutin ko na sana ang susi ng biglang naramdaman ko ang mga kamay mula sa likod na humawak sa aking dibdib.

Nakahawak ito doon at saka marahang pinisil pisil.

“WALANG HIYA KA TALAGA VINCEEEEEEEEE!” Nakaramdam ako ng pagkahiya at pagkainis kaya naman sinipa ko agad siya sa kanyang alaga.

Nakita ko ang paghawak niya sa kanyang alaga at saka nagtatalon. Maging ang mga nanakot doon ay nabigla sa aking ginawa. Hinila ko ang nakangiwi at paika-ikang si Vince saka kinuha ang susi. Pagkalabas namin ay doon ako nakaramdam ng pagkapahiya.

“Smile” ani ng photographer at saka kami ngumiwing dalawa at pinagdikit ang aming kamay para gumawa ng korteng puso.

“Pass” ani ng isa pang staff

Pagkalabas namin ay iniwan ko na agad sya. Hindi ko sya kayang harapin. Matapos nya hawakan ang dibdib ko, hindi ko nga alam kung sinadya ba nya talaga yon. Badtrip na to! Napaka manyak!

“France wait lang”

“Perv!” sigaw ko at nakita ko ang pagtitinginan ng ilang participants sa amin

“Mahiya ka nga! Hindi sinasadya yon” ani Vince saka ako hinawakan sa braso

“Get your dirty hands off me”

“Wow. Alam mo France hindi ko sinasadya yon! Natisod ako because of that fcking sadako tapos mag iinarte ka dito. Akala mo ba gusto ko yon? Excuse me. Hindi ganong kalaki ang dibdib mo!” bulyaw niya at napanganga ako saka ko niyapos ang aking sarili at tinago ang aking dibdib.

“ang kapal mo talaga Vincent” bago ko siya binatukan, kinurot at pinagpapalo

“Kalma nga” aniya.  Tumigil ako at umupo sa isang stall doon. Habang siya naman ay umoorder ng pagkain. Nakatingin ako sa kanya habang nakikipaglandian sa cashier.

Tumayo ako at lumapit sa kanya

“Grabe talaga ang pagiging playboy walang pinipiling lugar” mahina kong bulong

“What did you say?” aniya

“Wala, sabi ko magc-cr ako. Take your time”

pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa cr ay nilock ko muna ang pinto at chineck ko na agad ang sarili ko.

“Hindi naman maliit ah” sabi ko habang chinecheck ang dibdib ko sa salamin.

“Kapal talaga ni Vince” at saka ko pinindot pindot ito. Naalala ko tuloy yung ginawa nyang pagpisil dito. Naalala ko tuloy yung padampi ng palad nya dito. Napapikit ako. Ano ba yan France! Ang laswa ng isip mo. Anong katangahan yang ginagawa mo? saway ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim bago lumabas. Nakita ko agad si Vince na kumakain ng hotdog. Habang may katabing dalawang babae na nakikipagtawanan sa kanya.

 Psh. Akala ko pa naman ibinili ako. Dumerecho ako sa stall at bumili

“Miss mineral nga”

Nang magkaroon ng announcement na maari na uli ituloy ang laro ay lumapit ako sa table ni Vince kung saan nagtatawanan pa din sila ng dalawang babaeng to.

Inilapag ko ang mineral sa mesa nila at napatigil sila sa pagtawa. Tiningnan ako ng dalawang babae bago tumayo.

“See you around Vince” sabay nilang sabi at saka naglakad palayo

“San ka galing?”

“Diba sabi ko mag c-cr ako. Puro ka kasi landi. Landi dito sa table landi sa counter. Walang pinipiling lugar”

“You sound jealous” aniya at saka tumawa

“Excuse me, me? jealous? Wow.. kapal ng face mo ha”

“tara na nga!” aniya at saka tumayo “what should we do next miss walang-maipagmamalaki”? aniya at saka tumingin sa dibdib ko.

Sa inis ko ay inawan ko sya doon at mabilis na naglakad. Ramdam ko sinusundan nya ako at hinayaan ko na lang.

Nang makarating kame sa station 3 ay talaga namang napakasaya ko. Eto kasi yung mga rides na gustong gusto ko.Nilingon ko si Zeke at nakitang nakatayo lamang sya don.

“Halika na”

Nakatayo lamang siya at di nakibo kaya naman nilapitan ko na

“Ano ba? Tara na Vince”

“Takot ako sa mga ganyang rides France. Halos hindi na nga ako makahinga kanina sa roller coaster. Ayoko sa matataas” aniya nakatungo at kinakamot ang batok nya.

Kung sa iba siguro ay malaking turn off na ito pero hindi ko alam kung bakit nakyu-kyutan ako kay Vince na ngayon ay halos hindi makatingin sa akin. Nahihiya siya sa inamin nya sa akin. Dalawa na ang alas ko,Duwag sya at ayaw nya sa heights.

“Vince” sabi ko saka hinawakan ang kamay nya na ikinagulat nya

“Tara na. Kailangan nating gawin to e last na naman e”

Hindi siya naimik

“Please? Hahawakan ko ang kamay mo and I’ll make sure hindi ka matatakot”

“Ayoko France”

“Vince naman parang bata e. Sige na. Hindi kita pababayaan” bago ako ngumiti sa kanya

Nagulat ako ng kumilos siya “tara na” at hinatak ako patungo sa staffs.

“This is the last game. Kailangan nyo makuha ang tatlong red flag na nakalagay sa iba’t ibang parte ng Log jam. Team work is the key”

Tumango kami at nagsimula ng sumakay

“Teka? Walang harness?”

“Wala Vince hindi ka naman malalalaglag e”

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya saka kumapit ng mahigpit sa hawakan. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon.

“Ako ang bahala sayo” ngiti ko sa kanya

Madiin ang pagkakapikit niya habang tumataas kami sa isang slope at ng malapit na kme sa peak point ay tinawag ko sya

“Vince”

“Vince” nakapikit pa din

“Vince look at me” unti unti siyang nagmulat at saka tumingin sa akin. Nararamdaman ko na ang unti unting pagbagsak ng aming sinasakyang log.

Tumingin siya dito pero hinawakan ko ang kanyang pisngi at iniharap iyon sa akin

“VINCE JUST LOOK AT ME…ONLY ME” hanggang sa naramdaman ko ang tuluyang pagbagsak ng log namin and he was looking at me… he’s afraid but he’s looking at me.. only at me…It was breathtaking… that moment was utterly breathtaking.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now