KAB 53

222 14 0
                                    

A/N: Maagang update ang dami kong trabahong dala sa bahay *le cries*

Dedication: Seuren Thank you sa vote ;)

FRANCE POV

I tensed as Channie parked the car. Natatakot ako na makita sya muli, that’s the truth. Kung hindi lang kay Channie hindi ako papayag na pumunta dito. I know its not right t show my face again. I hurted him, and now I’m hurting Channie but pati din naman ako nasaktan.

“Okay sige Francine patunayan mo sa akin na hindi mo ako iiwan”

“P-paano?”

“Come with me sa birthday ni Lola. I know they warned me not to bring you because Vincent will be there but please come with me” I can hear desperation in his voice

“I’m begging you Francine come with me” he kneeled and began to cry. Hindi ko kayang makita na naiyak si Channie. He’s been a good boyfriend to me and I hated myself from making him feel this way.

Naputol ang pag-iisip ko ng hawakan ni Channie ang balikat ko “Are you okay? Kung hindi mo gusto tumuloy ihahatid na kita”

“No. I’ll go with you” nginitian ko sya

Naramdaman ko ang pagdampi ng malakas na hangin sa aking balikat. Kung alam ko lang ay hindi sana ako nagsuot ng tube dress.

“Bra!” bati ng mga pinsan ni Channie sa kanya. Alam kong kilala ako ng lahat ng pinsan ni Vince, sino ba ang hindi makakakilala sa akin? Ang babaeng-

My thoughts were interrupted by Grace’s voice. Kumalabog ang dibdib ko, kung andito na si Grace its means… andito na din sya. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin and I saw her, Kumakaway siya sa akin at kumaway din ako. Pakiramdam ko ay nanigas ako when I saw Vince’s face at the back of Grace. Nakatingin siya sa akin at nag iwas din agad. Naramdaman ko ang kamay ni Channie sa balikat ko. I wonder if he knew about me and his cousin. Alam kong ang pangit tingnan pero hindi ko alam noong una na magpinsan sila. Nalaman ko na lang na magpinsan sila noong kunin ko ang photo album sa ilalim ng center table sa bahay nila Channie. I can still remember the shock flooded Channie’s face nung nalaman nyang si Vince ang ex ko.

“Batiin na natin si Lola?” tanong niya sa akin

“Ah kasi-“ tumingin ako kay Grace na palapit na sa amin

“France namiss kita” niyapos nya ako “two years Francine mygod! And look at you.. sobrang ganda mo ngayon, I mean, maganda ka dati pero mas maganda ngayon and I love your hair”

“Grace” bati ni Channie dito at saka tumango

“Kuya Christian” niyapos din ito ni Grace

“How’s Dad?”

“He’s good. Nakakatulong naman nya si Vince don” napahawak si Grace sa bibig nya. Alam nya kung gaano ka-awkward pag-usapan si Vince sa harap namin ni Channie.

“So….how’s the business here?” pag-iiba nya ng topic

“So far… its good” nakangiting sabi ni Channie

“Bra!” halos manginig ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa likod ko. Humarap kami Channie sa likod naming dalawa and there we saw Vince. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sya haharapin.

“Ah..hehe..Vince!” ani naman ni Grace na lumapit sa kapatid nya at hinawakan ang braso nito. “kuha tayong inumin?”

“Later Grace, kakamustahin ko muna si Christian” ngumiti ito kay Channie “Long time no see Bra! you know your Dad is really proud. Lagi nyang sinasabi na you have a knock in the business industry, Impressed daw ang mga investors sa presentation mo. Congrats”

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now