KAB 20

295 18 0
                                    

B14

"IKAW???" parehas kaming nagulat

"Anong ginagaw mo dito?" tanong ko sa kanya

"Sinusundan mo ba ako?" tanong niya

"Ang kapal ng mukha mo Vince! Sino ka para sundan ko?"

"Well, ako lang naman si Vince De Lirio"

"Wala akong pakelam sayo no! Playboy! Jerk! Stupid! Mang aagaw ng parking space!"

"So ikaw pala ang nasa accord na kulay pink?" sumipol siya "Looks like someone's got a new car"

pinaikot ko ang aking mata "Whatever. Bakit iba ang gamit mong sasakyan and seriously, bakit nandito ka? nauubusan ka na ba ng lalandiin?"

"Eto kasi ang pinagamit sa akin ni Grace. Ewan ko don and you're asking why I'm here? Excuse me brat, hindi ako nauubusan ng babae dahil sila ang nalapit sa akin. kaya ako nandito dahil Grace signed me up to this stupid dating game. Wait... why are you here? don't tell me mahilig ka sa mga ganito? Wala na bang nanliligaw sayo at pati dating game pinapatulan mo na?" aniya at saka humagalpak ng tawa.

Inapakan ko ang paa nya dahilan para sumigaw sya

"Aaaaahhhhhhh" aniya habang hawak hawak ang paa

"bwisit ka talaga"

"I know at hindi ako magsasawang bwisitin ka. Pwede ba kapag nasa loob na tayo magkunwari kang hindi mo ako kilala. Nakakahiya naman sa makakadate ko baka umepal epal ka pa"

"Wow you got the nerve to ask me na magpanggap na di tayo magkakilala? FYI Miss Corky! Ide-deny kita. isipin pa nila kagaya mo akong retard! brat!

"Whatever! Dyan ka na"

Naglakad ako patungo sa entrance at may ilang sumalubong sa akin. karamihan dito ay nag iikot na. Exclusive pala sa dating event na to ang Echanted Kingdom. Ang laki na din ng nagbago dito. Naalala ko, bata pa lang ako noong huli akong nakapunta sa EK. Mas maganda ngayon at madaming nadagdag na ride.

Matapos ang pagche-check ng ticket ay may sumalubong sa aking isang chinitang babae na may makapal na salamin at nakaponytail ang buhok. Ngumiti agad siya sa akin.

"Good morning Ma'am ano pong number nila?"

Medyo nagloading ako sa sinabi niya "Ah G14"

May saglit siyang tiningnan sa kanyang papel at saka ngumiti.

"Ikaw pala si Miss France?"

Nagtaka ako dahil tinawag niya ako sa aking nickname pero agad ko naisip na baka iyon ang pangalan na nilagay ni June sa application ko.

"Ako nga" ngumiti ako sa kanya

May kung anong pin siya na nilagay sa aking damit at sinuutan ako ng parang isang sticker na relo na may nakasulat na G14.

"Ma'am kailangan nyo po mahanap ang partner nyo which is B14. Kapag nahanap nyo na ang isa't isa pwede na po kayo pumunta sa station no. 2 para kuhain ang task na gagawin nyo. After you finished all the task may premyo po na makukuha ang winning couple na malalaman at iaannounce mamayang gabi sa party. Enjoy your day Ma'am and hope you find your Mr. right"

Tumango ako at naglakad. Saan ko naman hahanapin ang B14 na yon sa lawak nitong EK. Nadaanan ko ang naikot na carousel. May iilang couple doon na nagpipicture siguro ay part ng task yon. kailangan ko na pala mahanap tong si B14. Hindi nyo naitatanong competitive akong tao. I can't afford to lose. Kaya mas mabilis ko syang mahanap mas mabilis namin matatapos ang task.

Nagpaikot ikot ako hanggang sa may tumawag sa akin

"Miss..." ani ng isang lalake na hinihingal. maputi siya, may cute na dimple at kimpee ang buhok. Mygosh ang cute.

"Can I look at your wrist? Kanina ko pa hinahanap ang partner ko. Gusto ko pa naman makuha yung prize kaya ako sumali"

"Huh? Anong premyo?"

"Well, a 3 day tour in France and a couple phone, and it's not just a phone but the latest iphone 6. Hindi mo ba nakita sa site? Kung hindi dahil don hindi ako sasali dito. It was a promotion daw sponsored by apple"

Nagmamadali siyang tiningnan ang bracelet ko at saka umalis.

"Wow. that's nice. Ayos pala tong si Junefer! Hindi na pala ako luge dito"

Naglalakad ako ng madaan ako sa bump car at makita ang pamilyar na pigura ng isang lalake. Walang iba kundi si Vince. He's too tall para hindi mapansin. Nakasuot siya ng isang knee length na shorts at tinernuhan ng pulang tshirt na may tatak na Nike na lalong nagpatingkad sa maputi niyang kutis. Itsura pa lang niya ay nagsusumigaw na ng mga katagang "Rich and Playboy". nakikipaglandian siya sa isang babae na wari ko ay kasali din sa laro. She's wearing a short shorts at pulang polo shirt na tinerunuhan ng white rubber shoes. May maiksi itong buhok at maputi. Vince's type of girls.

Inikot ko ang aking mata at nilagpasan sila "nakakadiri"

'What did you say?" nagulat ako na napansin at narinig niya iyon.

"What?" patay malisyang sabi ko

"Ah sige Vince. Just text me na lang ha. Good luck sana mahanap mo na agad ang partner mo" pagpapaalam ng babae. Wow. Nakuha na nya agad ang number? Sabi ko na nga ba malandi ang isang ito.Hindi na ata talaga magbabago ang kalandiang taglay ni Vince. Iniisip ko tuloy ano ba ang nagustuhan ng ate ko sa lalakeng to.

"Nakita mo anong ginawa mo? You scared her"

"Wow kasalanan ko pa? Wala naman ako ginawa"

"Well natakot sya sayo obviously. Diba sabi ko pretend we dont know each other?"

"Ikaw ang tumawag sa akin"

"kung hindi ka umepal edi sana nag uusap pa kame"

"Whatever Vince"

nagtatalo pa kame ng biglang nagsalita sa gilid namin

"Ah excuse me, gusto ko lang sana malaman kung anong number mo Miss?" Mukang model ang isang ito. Chinito, matangkad, ang cute ng smile and he's wearing specs. Omgg exactly my type.

"Excuse me, I think hindi tama na hingin mo agad ang number nya. Hindi ka nya kilala in the first place. Care to introduce yourself first?" pag eepal ni Vince

Kumunot ang noo ng lalake at saka napakamot sa ulo "Uh sorry. I'm Nicholas Zamora can i ask for your number?"

"Wow. You're really into her at excited ka talaga makuha ang number nya" sabat uli ni Vince

"Vince pwede ba, dont intrude" ani ko saka magsasalita na sana pero hinila ako ni Vince

"Ano? Type mo ba yung lalakeng yun? I didnt know ganyan ka ka-cheap. Ang bilis mo ibibigay ang number mo dahil lang gwapo? ganyan ka ba kababa?"

"What are you talking about? he's just asking for my number"

"Exactly. He's asking for your number pero ibibigay mo agad?" hawak niya ang aking pulso.

"Ah excuse me... ayoko sana makisingit pero I'm running out of time. My number is B14 gusto ko lang malaman kung anong number mo?"

nanlaki ang mata ko dahan dahang inalis ang pagkakahawak ni Vince sa akin.

"Yes I'm G14." at saka ko pinakita ang bracelet ko.

"Such a stupid asshole" mahinang sabi ko kay Vince bago siya tuluyang nilagpasan

"Let's go?" tanong ko sa lalake at tumango naman sya. Iniwan namin ang nakangangang si Vince doon. 

A/N: Will update again... yihii :) later :)

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon