KAB 39

307 17 0
                                    

DIRTY DANCE

Ngiting ngiti ako habang papasok ng office. Everything is perfectly fine. Sa wakas nakausap ko na si Mom and Dad at sinabing okay naman daw sila at ang business so I don’t have to worry. Sayang lang at hindi ko nakausap si Ate busy daw kasi. Nagtataka nga ako na hindi ko matyempuhan si Ate. I miss her.

Kakaupo ko pa lang sa desk ko ng tumunog na naman ang cellphone ko. Pinaikot ko ang aking mata ng makitang si Vince iyon requesting for facetime. Magkatext na nga kami gusto pang mag facetime.

Chineck ko muna ang sarili ko sa salamin at naglagay ng lip balm bago sagutin.

“Hi Corky” ngiting ngiti siya. He’s wearing a white long sleeves na nakatupi hanggang siko niya.

“Mag trabaho ka nga, wag mong guluhin ang trabaho ko” nakangiting sabi ko sa kanya

“Well gusto ko lang ipakita sayo ang office ko”

“Ohh ang lakas maka office akala mo naman nagtra-trabaho”

“Tsss” umiling siya at tumawa ng nakakaloko

“Here’s my office” at saka niya tinapat ang camera sa buong silid. Napapalibutan ito ng puting dingding at ang bawat gamit ay kulay itim. May itim na couch at ilang paintings na nakasabit doon. Malawak ito at alam mo agad na lalaki ang may-ari.

Nagsalita siya mula sa kabilang linya. “And here is my table” tumambad sa akin ang ilang files na nakalagay sa lamesa at napansin ko ang isang picture frame na nasa harapan nito. It was me and vince na nakain ng cupcake.

“Did you see it?” muli niyang binalik ang camera sa kanya mukha.

Ngumuso ako sa kanya “Hmp kunyari ka pa ipapakita mo lang yung picture natin sa table mo” irap ko sa kanya

He chuckled “Oy hindi ah. Gusto ko lang ipakita sayo ang office ko. Ikaw nga walang picture natin dyan sa table mo”

“Bakit naman ako maglalagay?”

“Talaga France?”

“Ayokong maglagay kasi baka matakot ang mga tao. Ang panget mo kaya dyan” tumatawa kong sabi

“Okay” matipid niyang sabi. umiling ako at hindi ko mapigilang hindi matawa ang cute lang talaga nya kapag naiinis.

“Joke lang. Eto naman oh”

“So gwapo ako?”

“Oo na gwapo ka na! Mukhang palaka HAHAHAHAHA”

Natigilan ako sa pagtawa ng makitang nakatingin sa akin lahat ng kasamahan ko. Nakagat ko ang labi ko at humingi ng pasensya sa kanila.

“Mamaya ka na nga makipag usap sa akin Vince. Nasa office pa ako. Okay?”

“Ah France tumawag sakin kanina si Erol nagyaya ng dinner”

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi nya. “Dinner? Seriously?”

He chuckled and god it sounds sexy “Well, yeah something like that. Alam mo naman kapag sinabing “dinner” kala Erol it means drinking session. “May problema ata yung gagong yun e, You can go with me if you want”

“No. You go. Its okay” ngumiti ako. “You should have fun” I don’t want to be clingy. Hindi lang sa akin naikot ang mundo ni Vince. Ayokong mabago ang samahan nila ng mga kaibigan nya dahil lang sa akin.

“Orayt then bye baby”

Ngumuso ako “I told you not call me baby”

Tumawa na naman siya at saka lumapit pa lalo sa camera“What should I call you then? Hindi pwedeng baby, hindi pwedeng babe”

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now