KAB 3

423 25 2
                                    

KASAL

Naputol ang pagtakbo ko at hingal na hingal na napaupo ako sa sofa upang sagutin ang natunog kong cellphone. Si Philip lang pala, ang photographer namin.

“Yes phil?” inabot ko ang bote ng tubig at ininom ito

“France? Are you alright?”

“Y-yep. I’m O-okay” hinihingal pa din ako

“Are you sure? Did I interrupt something?”

“Ah Y-yes you in-interrupted my body session” sabi ko habang nainom ng tubig

“Oh I’m sorry. I don’t know you do it this early morning. I thought wala kang boy-… oh I mean, I’m sorry I’ll call later”

“No. Its alright, I’m -” naputol ang sasabihin ko ng paulit ulit na nagbuzz ang aking doorbell.

“I’m coming!” sigaw ko at saka naglakad papuntang pinto habang sinagot muli ang tawag ni Philip

“Ah Philipp its okay, I’m done. What are you saying?”

“Ah- Nno- I mean, later, I’ll call you later. Bye”

“Oh okay. Bye” ang weird ni Philip ha.

Binuksan ko ang pinto at nabungaran doon si June. May dalang mga pagkain at kung ano ano pa. Parehas kasi kaming walang pasok.

“What are you doing babe?”

“kakatapos ko lang mag exercise eh tumawag si Philipp”

“What? Philipp? The photographer?”

“Yep”

“May crush yun sayo ah” sabi niya habang nag aayos ng pinamili sa table

“Duh! June what are we? Gradeschool? Crush? Seriously?”

“What? Philipp is a catch”

“Wala akong sinabing hindi sya gwapo June, What I’m saying is we’re just workmates masyado ka lang nagi-ilusyon”

“He told Jim about you and what does that mean?”

“at naniniwala ka pa sa mga sinasabi ni Jim? Matapos ka lokohin naniniwala ka pa din?”

“Pwede ba France stop na nga. Lets eat”

Ayan ganyan sya kapag nababanggit ang ex nya. Sus! Paano kasi si Philipp ang dahilan kung bakit nakilala nya ang ex nyang si Jimboy.

“Bastos ka kakatapos ko lang magexercise tapos papakainin mo ako”

“Sexy ka na wag ka na magpasexy”

Nauwi ang inisan namin sa pagmo-movie marathon. Nasilip ko si June na umiiyak. Affected much ang bruhang to. Paano ba naman yung pinapanood namin, yung bidang babae ikakasal na sila ng boyfriend nya pero may dumating sa kasal nila at pinigil ito. Habang patuloy sa pag iyak si June ay nakaisip ako ng isang senaryo kung kaya’t napapalakpak ako.

Nagtatakang nilingon ako ni June.” May naisip ako” nakangisi kong sabi

“Ano? Kita mong dalang dala ako dito e”

“Pupunta ako sa kasal ni Vince”

“and then?”

“Edi pipigilin ko ang kasal?”

“Baliw ka na ba? Mang eeskandalo ka?”

“Exactly my point. Pag naeskandalo si Vince damay ang buong angkan nya and it will be all over the news at paniguardong mapapatay sya ng tatay ni Trisha at ng sarili nyang tatay”

“that’s the plan?”

“yes!” pumapalakpak kong sabi

“and how about you? Paano ang kahihiyan mo at ng family mo?”

“I’ll make sure walang makakakita sa akin”

“Huh? Paano?”

“Pagkasigaw ko tatakbo ako habang naiyak”

“Nababaliw ka na France”

“This is for ate venice! This is for all the girls na niloko ni Vince baka naman pag nangyari yun e matigil na kagaguhan nya”

“Bahala ka sa buhay mo France. Kabaliwan ang gagawin mo”

“It will be fun trust me”

Maaga akong gumayak at inayos ang aking sarili. Inayos ko din ang suot kong gown.

“Pwede ka pang magback out bruha”

“Desidido ako. Lagyan mo ako ng maskara na kalat kalat dali” ani ko kay Magenta, ang kaibigan naming bakla

“Alam mo teh havey itechiwang plan mo pero seryoso ka ba dyan? Wedding ang sisirain mo girl”

“Sabi naman ni Vince hindi nya gusto yung si Trisha e”

“Oh? Edi parang ginawan mo ng pabor si Vince?” sabi naman ni June

“Ginawan ko nga ng pabor pero Babe mapapahiya naman sya”

“Ay nako girl kinakabahan ako jan sa plan mo ha. Pero teh look at you even with those kalat kalat na maskara bonggacious pa din ang beauty mo”

“Ako pa” naglakad na ako papunta sa taxi na inarkila ko. Siya din ang susundo sa akin mamaya habang sinasagawa ko ang plano.

Mabuti na lang at parang tatay ko na tong si Mang Bert.

“Ineng ika’y mag ingat ha. Hindi mo alam ang pinapasok mo”

“Mang Bert madami ng pinaiyak ang ulupong na yon”

Nagsisimula na ang seremonya ng dumating ako. Hinawakan ako ng mahigpit ni June bago kami bumaba ng sasakyan.

“Babe itayo mo ang bandera ng kababaihan”

“Yes I will! Fighting!” tiniklop ko ang aking kamao at saka ako naglakad papuntang simbahan at tinakip ang itim na belo sa aking mukha. Mabuti na lamang at dati akong myembro ng acting club sa theater namin noong college. Magaling ako umarte.

“Ikaw Vince Michael De Lirio Jr. tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging iyong kabiyak”

“ITIGIL ANG KASAL!” malakas na sabi ko na umalingaw ngaw sa buong sulok ng simbahan

“Waaaaaaaa! Ahhhhh Waaaaaaa!” humahagulgol ako habang nasa labas ng simabahan. Ramdam ko ang pagtitinginan ng mga tao sa akin. Ilan sa kanila ang nanlaki ang mata sa akin.

“Ang kapal ng mukha mo Vince! Waaaaaa! Sinaktan mo ako! Kaya ka pala hindi sumipot sa kasal natin! Aaaaahh” humahagulgol pa din ako may ilang body guards na ang lalapit sa akin patay!

“Wag kayong lalapit! Magpapakamatay ako paglumapit kayo” sabi ko habang patuloy na umiiyak na parang baliw

“Ang walanghiya mo talaga Vince! Minahal kita! Naniwala ako sa lahat ng sinabi mo! Pero… pero… pero… sinaktan mo ako waaaaaahhh! Pinagpalit mo ako sa babaeng yan? Akala ko ba ako ang pakakasalan mo? waaaaaahhh halos mapatay ako ni Daddy sa hindi mo pagsipot sa kasal natin waaaaah”

Jusko Lord patawadin nyo po ako. Alam kong mali ang pagsisinungaling pero nasa labas naman po ako ng simbahan diba? Sorry po talaga Lord.Napuno ng bulungan ang buong simbahan.

And that’s my cue tumakbo ako ng mabilis at pinara kunwari ang taxi. May ilang body guard na sumunod sa akin ngunit nakasakay na ako ng taxi.

Tawa ako ng tawa habang pinapanood namin ang video ng insidente na nakaupload ngayon sa Youtube. Syempre inupload agad ni June ang video kanina. Ilang oras pa lang ay nakatanggap na agad ito ng libong views at ilang comments.

“Havey ang acting ni ateng” pumapalakpak na sabi ni Magenta

“Aba! Member ata ng acting club ito”

“at ang comments winner!” binasa namin ang ilang comments at nakuha ko ang simpatya ng lahat. Marami rin ang nagcomment na galit na galit kay Vince.

Makakatulog na ako ng pahimbing. Sa wakas ate I avenged you! Bwahahaha

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon