KAB 37

277 18 0
                                    

A/N: There will be an update every five reads :) 2 KABS per night :) Goodnight silent readers :) Thank you po ng marami sa time na nilalaan nyo :)

VINCE POV

I LOVE YOU

Kanina ko pa kinokontak si Francine pero nakapatay pa din ang cellphone nya. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit sya umalis. I just left her with my relatives dahil nagsimula na naman pag-awayan ni Mommy and Daddy ang sinabi ni Lola.

Dad doesn’t want Lola to mention about Mom’s past. Mom is an adopted child. Oo mayaman ang pamilyang kumupkop sa kanya. They owned one of the biggest hospitals kaya naman nakapagtapos sa magandang paaralan si Mommy. Nakafixed marriage noon si Dad pero palihim ang relasyon nila ni Mommy at ng araw mismo ng kasal Dad left his bride and went to Mom instead. Matagal na nagtago si Mom and Dad, nagwork si Dad as bagger and waiter sa isang restaurant para lang may panggastos sila ni Mom. Mom’s family is still supporting them but Dad insists on working for them. Hindi na din nakatiis si Lola nung nalaman na nagdadalang tao na si Mom kung kaya’t pinabalik nito si Dad at formal na pinakasal ang dalawa kahit taliwas sa gusto ni Lola.

Nagulat ako ng makitang andon na din si Grace sa aming likod.

“Grace why did you left France?” inis na tanong ko sa kanya. Andon si Lola at ayokong magkausap sila ng Lola ko. Kanina pa lang ay napansin ko na hindi siya type ng lola ko. I am the closest to my Lola, si Grace ay iwas kay Lola but me, I’m a Lola’s boy at alam ni Lola na mahal na mahal ko sya. Hindi ko alam kung bakit basta I grew up lagi ako nasa bahay nya. Everytime may nakakaaway ako, napapagalitan ako ni Mom and Dad and may away kami ni Grace si Lola ang takbuhan ko.

I didn’t expect seeing Katrina there. It’s a family gathering. Katrina is one of my childhood friends and one of my childhood crush. I confess to her when we graduated elementary at sinabi nya na kapatid lang ang turing nya sa akin. That doesn’t stop me from liking her. Lagi ko sya kinukwento kay Lola. Sikat na sikat sya noong highschool kami, kaliwa’t kanan ang nanliligaw at nagkakagusto sa kanya at syempre ako ang nakabantay sa kanya then one day narinig ko si Katrina at ang pinsan kong nag-uusap.

“Crush na crush ko nga yung si Kirby sabi nya magkita daw uli kami” tumatawa tawa si katrina.

“How about Kuya Vince? Alam mo naman gustong gusto ka non”

‘Don’t be silly Nikki Vince is just a brother to me hindi na magbabago yun. Hindi ko sya gusto”

And that was my first heartbreak. Kaya naman hinanap ko si Kirby at doon binunton ang galit ko. Halos mabasag ko na ang mukha niya. Galit na galit sa akin si Katrina. Kulang na lang ipagtabuyan nya ako at simula noon ay hindi na nya ako pinansin, pero ng tumuntong kami ng college ay doon uli kami nagkita, I’m different from the usual. Different Vince na noon ay humahabol kay Katrina. I grew up at natatawa na lang ako tuwing maalala ang paghahabol ko noon sa kanya. Katrina is a beauty, yung tipong kapag naglakad mapapalingon lahat, yung pag nakasalubong mo sya parang may lumilipad na bulaklak sa paligid na nakakapagpaningning sa kanya and it was like she was the most perfect thing God ever created but that was I thought. Bata pa kasi ako noon but now seeing Katrina is like seeing Grace. Normal na sya sa aking paningin. Bigla na lang nawala yung paghanga ko sa kanya. Nagulat nga ako ng batiin nya ako at binabati ko din naman sya but we never interacted much.

“Oh apo picture naman kayo ni Katrina. Reunion nyong dalawa hindi ba?” tawa ni Lola at saka kami itinulak.

Ngumiti lang ako kahit naiinis ako dahil hindi ko mahanap at macontact si France. Nagulat ako ng ipulupot ni Katrina ang braso niya sa bewang ko.

“Apo naman yang braso mo ilagay mo kay Katrina” si Lola na mismo ang nagpwesto ng aking kamay. I really hope matapos na to ng makaalis na ako.

“Say cheese” natutuwang sabi ng pinsan ko na kumukuha sa amin

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now