KAB 49

271 12 1
                                    

A/N: Enjoy the night~:)

THE BEST NIGHT

Tumigil kami sa isang parking lot na puno ng sasakyan. Alam ko ang lugar na ito at hindi ako pwedeng magkamali ito ang school namin nung college.

“Tara na?” sabi ni ate sa aking tabi.

“Huh? Hindi dito ang usapan namin ni Vince” sabi ko

“May ipi-pick up lang akong document sa Registrars Office” sabi ni ate at napatingin ako kay Magenta na nakatingin din sa akin sa pamamagitan ng front mirror.

“Pero ate gabi na, may tao pa ba dyan?”

“Oo naman katext ko yung sa registrar’s office”

“Paano si Vince?”

“Diba baka ma-late daw sya? Hayaan mo sya maghintay don” ani naman ni Magenta na ngayon ay nag aayos ng buhok sa salamin.

“Hindi ako lalabas na ganito ang itsura ko no”

“Ano ka ba ang ganda mo kaya”

“Nakakahiya no. Kayo na lang ni Magenta tapos maghihintay na lang ako dito”

Lumabas na si Magenta at saka binuksan ang pinto ng sasakyan sa backseat.

“Hay nako wag na maarte, Labas na dyan. Paano kung matagalan kami don. Tara na”

Sa bandang huli ay wala na akong nagawa sa pamimilit ni Ate at sumama na ako sa kanya. Dumaan kami sa mapunong lugar ng school kung saan malapit ang field. Kumunot ang noo ko ng makita ang maliwanag na field. May event siguro sila ngayon. Umikot kami patungo sa cafeteria.

“Bili muna tayo tubig?” ani ate at sumunod naman ako sa kanila. Nakakapagtaka na gabi na ay napakadami pang estudyante sa Caf. Mabuti na lamang at walang masyadong napansin sa akin. Nagulat ako ng biglang may tumunog sa loob ng Cafeteria

She comes inside, been playing football with the guys

She's all highfives

And dirty footprints on the floor

Next thing I know

She's hanging out

She's got her dress and high heels on and we're alone

I couldn't ask for nothing more

Ooh... I love the way

A simple smile reveals it all

She calls my name

Minasdan ko ang babaeng nakasuot ng isang black na t-shirt, jeans and sneakers. Sa likod naman niya ay nakasukbit ang isang backpack. May kasama siyang lalakeng nakasalamin at iilan pang kaklase at nagtatawanan sila. Naiwan siya para bumili ng tubig habang ang mga kasamahan niya ay naupo sa mesa.

Hindi ko maiwasang hindi manood. Anong meron?

She could be all I'm ever gonna need

She's like a beauty queen

In just her t-shirt and her jeans

Narinig ko ang malakas na tawa ng isang lalake mula sa katapat na table kung saan umupo ang babae at ang kaibigan ng babae. Nakatingin ang lalake sa babaeng nabili ng tubig. The guy is looking at her while she makes her way on her friends table but she doesn’t seem to noticed.

“France dito ka oh” ani ng lalakeng nakasalamin. Napatakip ako sa aking bibig. I get it… I’m getting it. Yung lalake sa kabilang table ay nakatingin sa babae at sa pagkakataong ito tumingin ang babae sa lalake. The guy winked at her but inirapan ito nung babae.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now