KAB 18

317 19 4
                                    

KAGABI

FRANCE POV

Nagising ako sa malambot na kama at balot na balot ng kumot. Nakapikit ako habang kinakapa ang cellphone ko sa gilid ng table para alamin kung anong oras na. Binuksan ko ang isang mata ko at nasilayan ang 3:30pm.

Ano nga ba ang nangyari kagabi? Concert ni Katy Perry… Niyapos nya ako… kiniss ako ni…. Napabalikwas ako ng bangon. Asan si Vince? May sakit sya. Asan sya? Alas tres na? Bakit late na late masyado ang gising ko?

Naglakad ako patungo sa sala at natagpuan si Manang na nagluluto sa kusina.

“Oh gising ka na pala. Akala ko mamaya pa ang bangon mo”

“Si vince po?”

“Pagdating ko naabutan kong nag aayos na para umuwi. Magaling na daw sya. Hindi ka na daw nya ginising kasi naghihilik ka at mukhang masarap na masarap ang tulog mo” natatawa si manang habang sinasabi sa akin ito.

“Naghihilik? Hala Manang hindi ako naghihilik”

“Eh ayon ang sabi nya e. Kumain ka na nga”

Kumain na ako at naligo na din. Kailangan ko siguro magstay na lang sa bahay dahil bukas work mode na naman ako. Kinuha ko ang laptop sa kwarto at saka binuksan ito.Nagulat ako sa wallpaper na tumambad sa akin.

It was me sleeping in my room facing right while hugging a pillow and sucking my thumb. Gago talaga tong si Vince nagawa pa akong paglaruan! Humanda sya sa akin.

I dialed his number and in just one ring he answered as if he’s expecting a call from me.

“Helloo baby corky” aniya sabay tawa ng malakas

“Baby corky your ass! What the hell! Alam mo wala ka talagang utang na loob matapos kita bantayan kagabi ganito pa ginawa mo sakin? At pinakelaman mo pa talaga ang gamit ko ha? Wow talaga Vincent!”

“HAHAHAHAHA How about checking your facebook account?”

Nagmadali akong buksan ang facebook ko at tiningnan maigi ang notifications ko. So far no tagged photos. Messages.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. It’s a video of me sleeping and … humihilik? Is it me?

“Sarap matulog no?” aniya sa kabilang linya

“Mabuti na lang dyan ko pa lang inaupload e paano pag nilagay ko to sa facebook? Baka magtrend ka? HAHAHAHA”

“You Vincent! Bwisit ka talaga Ime-message ko na si Tito ngayon din. Yan pala gusto mo ha? Madali naman ako kausap”

“Hoy ano yan?”

“Good Day Tito, nabalitaan ko na nagwo-work na si Vince sa office nyo pero look…” ani ko habang tinatayp ang message.

“Hoy! Parang baliw naman to e! Joke lang!”

“Joke lang? Talaga Vince?”

“Oo nga joke lang. Eto naman eh”

“Osige na. Osige na! Burahin mo yan ha! Humanda ka sakin”

VINCE POV

Tawang tawa ako habang nagpapakikot ikot ang swivel chair ko dito sa Opisina ni Dad. Masarap talaga asarin si Francine. Actually kanina pa ako naghihintay ng tawag nya. Bored na bored ako sa Opisina at natatawa talaga ako kada pinapanood ko ang video nya na natutulog.

Kagabi sabi nya nag-aalala sya sa akin. Akala nya hindi ko narinig yon. Syempre gising ako non. Nag uusap pa lang sila nila Mommy ay gising na ako. Sa ingay ba naman ng bunganga ni Francine.

Noong nawala sya ay sinundan ko sya at natagpuang natutulog siya sa sala kaya naman binuhat ko sya papuntang kwarto. Its my first time carrying a girl. Feeling bagong kasal lang ang peg namin? AHAHA wag kayo maingay, pag nabasa ni France to lagot tayo don.

Actually, ayoko na nga sana mag share ng pov ko kaso etong author wala na ata ibang maisip. Kaya eto ipinagsiksikan ako sa pov ni France. Kagabi kasi… may nangyari.

Epal naman kasi tong si Author. Wag na nga natin ipaalam. (A/N: Kailangan nila malaman. Wag ka ngang selfish)

Osige na, may nangyari kagabi. *tingin sa taas* Flashback**

Binuhat ko si France papuntang kwarto nya. Mabigat pala ang babaeng to.Ibinaba ko sya sa kama ngunit dala ng bigat niya at pagkakasukbit ng kanyang kamay sa aking batok ay tumilapon ako sa kanya at napasubsob sa kanyang… dibdib.

Hindi ko talaga sinasadya yon readers. Promise cross my heart. (A/N: may nangyari pa…ikwento mo pa! )

Author naman eh! Nakakainis naman to! (A/N: gusto mo bang magaya ang character mo kay August Waters? HA? SAGOT!”)

Eto na nga oh! Ano ba naman tong author nito at si France iisa ugali, ang hilig mambully!

Eto pa talaga ang nangyari…*tingin sa taas* Flashback**

“Franceeee mweka mweka amwoba” (France teka, teka, ano ba) ani ko habang nakasubsob doon. Pero tumagilid sya at saka dumantay sa akin na para akong isang unan.

“Ano ba Vince” nagkamot siya ng tyan dahilan para tumaas ang tshirt niyang suot at maexpose ang maputi niyang balat sa bahaging iyon ng kanyang katawan.

Dali dali ko iyong ibinaba. Bumakaka siya at itinaas ang kanyang kamay. Alam mo yung sakop na sakop nya ang buong higaan? Ganong ganon sya. Tumayo ako at aktong lalagyan siya ng kumot. Bahagya kong tinuon ang aking tuhod sa gilid ng kama niya para matakpan siya ng biglang gumalaw ang kanyang kanang paa at tumama sa aking mukha ang kanyang tuhod.

“Araaaaay’ sigaw ko habang sapo sapo ang aking mukha.

“Bwiset talaga tong si Francine oh! Hanggang pagtulog sinasaktan ako”

Tatayo na sana ako para lumabas ng kwarto ng marinig ko ang salita niya

“Vincent… thank you. I kissed the boy and I liked it. Do you like it?” minasdan ko siya habang sinasabi yon. Ngumiti siya. Hindi ko alam kung tulog ba talaga sya. Yumuko ako para tingnan kung gising sya pero narinig ko ang mahihina niyang hilik. Walang duda tulog na tulog. Ibig sabihin ba non ako ang nasa panaginip nya? Hindi ko maiwasang hindi matuwa sa kaisipang iyon.

“France… I liked it. Thank you” and with that I bend and kiss her softly in the lips.

 

A/N: Sorry po isang update lang ang nagawa ko. Sobrang dami kasing ginagawa sa Office. Babawi ako bukas :) Salamat sa oras :)

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now