KAB 12

315 21 0
                                    

FRANCINE POV

POSSESSIVE

Pagising ko ay wala na sa tabi ko si Grace. Nagtataka din ako dahil nandito na ako nakahiga sa sofa. Balot na balot ako ng kumot. Weird lang. Kinusot ko ang mata ko at nag cr muna bago lumabas. Yes my CR sa movie room nila.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas para hindi naman gaano nakakahiya pero bubuksan ko pa lang ang pinto ay pumasok na si Vince na tila nagulat din

“Ah gising ka na pala! Suot mo to”

“Huh? Ano to?”

“Shirt ko. Suot mo”

“Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanya

“Balak mo lumabas ng nakaganyan?”

Tiningnan ko ang sarili ko. “Okay nama ah”

“Madaming body guard dito at isa pa wala ka sa bahay mo”

“Kainis naman to” kinuha ko ang damit at saka naiinis na tumalikod sa kanya at tinaas ang dulo ng blouse na suot ko dahilan para maexpose ang balat ko.

“An-anong gagawin mo???” bulyaw niya

“Magpapalit? Duh? Kung makasigaw naman to akala mo hindi pa nakakakita ng babaeng nagbibihis”

“Baliw ka ba?” at saka siya tumalikod

“Oy Vince unang una sa lahat wag kang pavirgin hindi bagay, at isa pa, kala mo naman hindi ka pa nakakakita ng naka two piece ganon din yon”

“So ibig mong sabihin kahit sinong nandito gagawin mo yan?”

“Oo kala mo naman kung sinong conservative” inabot ko sa kanya ang hinubad kong spaghetti strap na damit at saka lumabas ng pinto.

“Nasa garden po sila Mam” sabi ni Jimmy

Dumako kami ni Vince sa Garden at sumalubong sa akin ang nakangiting pamilya ni Vince

“Oh Iha hindi pala kayo natuloy ano? Duwag kasi yang si Vince kaya di yan nauwi dito ng gabi HAHAHAHA” tawa ng Daddy nya

“Narinig ko yun dad!”

“Tama na yan, kain na kayo” sabi naman ni Tita Gelli

“Anong oras pala kayo uuwi?” tanong ni Tito Vincent sa akin at tumingin naman ako kay Vince

“Aalis na din kame maya maya Dad”

“Then dumerecho ka sa company andon ang Tito mo. I called him earlier. As for me, may date kami ni Mommy” at saka siya kumindat kay Tita Gelli.

Awww ang sweet. Tuwang tuwa talaga ako sa family nila. Mamaya pala ime-message ko sila sa facebook. Tagal na din namin hindi nagkakausap usap.

“May pasok ka ba ngayon France?”

“Hmmm wala naman”

“Magshopping kaya tayo? Make over? Mani Pedi?

“Sounds great” nakangisi kong sabi

“By the way you have a friend right?”

“Ah oo si June”

“yayain natin? The more the merrier”

“Oh sure. I’ll text her later”

Napapalakpak sa tuwa si Grace

“Ganyan talaga yan Iha, wala kasing barkada ang princess namin dito”

“Ganyan din naman ako ngayon Tito, wala na ako kasama”

“Well atleast you have June”

“Yep and I’m glad I have you now” hinawakan ko ang kamay ni Grace

Sa kabilang dako naman ay nakita ko ang nakakunot ang noo na si Vince

Sinipa ko sya sa ilalim ng mesa agad naman syang napatingin sa akin “Okay?”

“Why Iho?” tanong naman ni Tita Gelli na napansin ata kami

“Nothing Ma” saka sya lumingon sa mga guard

Binalewala ko na sya at kumain na lang at nakipagkwentuhan sa pamilya nya. Dinampot ko ang baso ng juice at iinom na sana ako ng biglang tumayo si Vince at hinubad ang sandong suot nya. Juice colored! Naibuga ko ang iniinom ko. Those… those… abs… at ang v line. May buhok. Ohmygaaad! I kennot! Kasalukuyan akong naglo-loading, buffering, downloading… ng dumapo sa hita ko ang sando nya at saka tumalikod sa amin si Vince

“May makita akong tumingin malilintikan sa akin” sigaw nya

Nakakunot ang noo ko ng tumingin ako sa tawa ng tawang si Grace at nagtatawanan din ang Mommy at Daddy nya.

“Ano pong meron?” wala sa loob na tanong ko at saka sila lalong tumawa

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now