KAB 21

300 17 0
                                    

CHANGING PARTNERS

"Namis-interpret ata ng boyfriend mo yung pagtatanong ko ng number. Sorry" ani Nicholas habang naglalakad kami patungo sa Station 2

"HAHAHA hindi ko boyfriend yon. He's just ..." ano nga ba? ano ko nga ba si Vince? He's not my friend at lalong hindi ko kaclose.

"nevermind" aniya at saka tumawa. Omygosh ang cute nya. Sobrang nagpapasalamat talaga ako na hindi si Vince ang partner ko.

"So? Name? ilang taon ka na? work? you know, hindi naman sa nanghihimasok ako, but just getting to know my partner or should I say date for today?"

"No its okay. Nakalimutan ko din magpakilala. I'm Francine but you can call me France. I'm 25 years old, currently working in Cosmos, feature article writer. how about you?"

"Oh that's nice. I'm Nicholas but call me Nico, I'm 24 turning 25 this October and I'm a part time model and may-ari ako ng isang car shop. Mahilig kasi ako sa mga sasakyan"

"Wow that's nice" I'm impressed. Isang responsableng lalake. Ngayon naiisip ko pa din na maganda ang ginawang to ni Junebabes.

Nang makarating kame sa Station 2 ay agad naming kinuha ang card kung saan nakalagay ang dapat naming gawin.

1. ride in rollercoaster and take a photo of you smiling.

2. find the key and release your hand cops in horror booth and take a photo making a heart shape on your hands

3. Ride Log jam and get each flags

Dali dali kaming nagpunta sa roller coaster at sinalubong kami ng isang staff doon

“Hi couple no. 14 may photographer po na kukuha sa bawat couple. Make sure nakasmile po kayo habang kinukuhaan nya kayo dahil once na matapos ang ride ay hindi na pwedeng ulitin.Make sure na makakakuha kayo at least one picture dahil eto ang chance nyo para manalo ng prizes. Kasabay nyo po ang couple No. 25 na nandoon sa gitna. Pipili na lang po kayo ng pwesto.”

Matapos nya kami bigyan ng instruction ay nagtungo na kame sa unahan. Habang naghihintay pa kami ng isa pang kasabay ay sumama agad ang timpla ko ng makita si Vince na may kasamang babaeng nakahawak sa braso nito. Sya siguro ang partner ni Vince. Parang linta kung makadikit.

“We need to focus” sabi ni Nicholas na hindi ko masyadong nabibigyan ng atensyon. Nasa tabi ko nga pala sya.

Nang magsimula ng umandar ang roller coaster ay nagkatinginan kami ni Nicholas. Sa unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam ko na na swak ang ugali namin. We love this kind of rides. Nakataas ang kamay naming dalawa na magkahawak at tawa kami ng tawa habang umiikot ang roller coaster.

“We can do this France” sigaw niya

The one I wasnt supposed to love I fell in love with

Um my whole body is enflamed and what should I do now?

Tumango naman ako. Sa likod ay rinig na rinig ko ang sigawan ng mga kasamahan namin. Nilingon ko ang likod ko at nakita ang nakapikit na sumisigaw na si Vince at katabi niyang babae na pikit na pikit din. Lihim akong natawa.

The dangerous you is tasty

Do you want to kiss me in the nights wind?

Take my heart anytime if you want to

It just for you

“Wooooo” sigaw ko

Nang magsimulang kumuha ng litrato ang mga photographer ay panay ang tawa at pose namin ni Nicholas.

Hey-yo My rollercoaster love

even though my heart hurts Im not scared

Hey-yo My rollercoaster love

thump thump Just for you

Nang matapos ang rides ay inalalayan ako ni Nicho bago bumamaba at nag apir kami.

Inirapan ko naman si Vince na hirap na hirap bumaba dahil sa partner nyang saksakan ng arte. Maglalakad na sana kami patungo sa susunod na station ng tumunog ang cellphone ni Nicho.

“Yes? Speaking. Huh? Really? Oh? Okay okay. Why? Was that necessary? Okay okay. Thanks. Yeah really thanks!”

“Hmmm… look France I really want to win this game but.. something urgent came up and I need to go … maybe we’ll see each other soon. Here’s my calling card and balitaan mo ako if mananalo ka alright?”

Ngumiti na lang ako at tumango habang tinitingnan siyang natakbo papunta sa isang staff. Paano naman ako mananalo kung wala akong partner? Siguro I’ll ask the staffs na lang din. Naglalakad na ako ng biglang may Announcement.

“Attention participants please proceed to the fountain. Thank you”

Nagpunta kami sa fountain at nagulat ako na madami din pala ang kasali dito sa Dating Game na ito.

“As you can see guys nagkaroon po tayo ng kaunting problema. May ilan po sa ating mga kasamahan ang hindi na kaya magpatuloy sa laro kaya po sa mga remaining participants na walang kapartner kami na po ang magse-set ng bagong pair up ninyo.

B9 and G27, B28 and G18, B23 and G12 and the last is B21 and …

Nanlaki ang mata ko ng makita si Vince sa unahan. No… No…No… don’t ruin this day… No…

Napatingin ako sa bibig ng staff na tila nag slowmotion sa pagbigkas ng aking numero…

G14.

This Damsel is a Stress (VERY SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon