Lost Academy #93

23.4K 988 239
                                    



Lost Academy #93 Her Will

"She who stood, blood must shed. He who fought, her blood his end. With fire she'll burn, with ice he'll die. Now comes a game truth or lie. In the end, he who knows everything must not remain knowing everything."

[ASPER]

"AAAAAHHHHHHHHHHHH!" Daing ko sa init na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla ko nalang naramdaman na para bang hinihigop ako ng kung ano mang vacuum at hinila ako papasok sa kinailaliman ng akong sarili. Yung tipong wala na akong kontrol sa aking katawan, ang tanging nararamdaman ko nalang ay purong sakit at init, bukod pa doon ay wala na akong makita o marinig. Hindi ko rin alam kung anong pinaggagagawa ng katawan ko basta ang alam ko lang ay napakasakit nito at parang may kung anong bagay ang pilit na sumisiksik sa buong pagkatao.

Ano ang nangyayari? May nangyari bang masama kay Euria?

"Euria?! Euria?!" tawag ko sa kanya sa gitna ng aking mga hiyaw at mga daing ngunit walang sumasagot. Wala rin akong maramdamang presensya ni Euria.

"AAAAAAAAAHHHHHH!" Sa puntong ito naman ay bigla nalang akong nahigop patungo sa kadiliman. Nagsisigaw na ako, natawag ko na lahat ng pangalang maari kong matawag ngunit wala itong silbi dahil mukhang napunta na ako sa ibang lugar. Hindi ko na alam kung pano ako nakarating dito o kung ano, basta ang alam ko lang naging malamig ang paligid, naging kulog din ang aking boses na para bang nasa ilalim ako ng tubig ngunit nakakahinga pa rin ako.

Natigil lang ako sa kakahiyaw nang bigla ay nawala ang init at lahat ng pananakit ng aking katawan bagkos ay naging parang normal na ang nararamdaman ko. Wala na akong naintindihan sa mga nangyayari, ang alam ko lang ay matapos kong makita si Unlce Miguel ay saglit na lumabo ang mga paningin ko hanggang sa wala na akong makita, magpapanic na sana ako nang bigla akong makaramdam ng sobrang init sa katawan. Init na parang sinusunog pati ang kaluluwa ko, every fiber of my body has been invaded by that heat. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko sasabog ako ngunit hindi iyon nangyari sa halip ay bigla itong nawala at napalitan ng nakapakaunfamiliar na pakiramdam.

"Anong lugar ito?" natanong ko na lamang sa aking sarili. Purong kadiliman lang ang nakikita ko. "May tao ba diyan?!' nagbabakasakali akong may makarinig sa akin ngunit muli, ay wala ni isa man akong marinig o maramdaman.

Natatakot na ako. Tumatayo na ang balahibo ko. Wala akong kasama at mukhang wala ring sino man ang naririto ngayon. Nanginginig kong tinakpan ang aking mga bata, nagbabakasali na panaginip lamang ito ngunit kahit ilang beses ko pang ipikit, takpan o pagsasampalin ang sarili ko, nandito pa rin ako.

"May tao ba d'yan?! May tao ba?! Please. Sumagot kayo! Please po." paulit-ulit kong sigaw hanggang sa hindi ko na nakaya pa't napaiyak nalang ako sa takot at kaba.

'Pano kung makulong na ako rito habangbuhay?'

'Pano kung di na ako makabalik pa sa labas?'

"Shit!" samot saring emosyon na ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Hindi ko na alam kung iiyak ba ko o mababaliw na.
Sa madilim at malamig na lugar na ito ay nakaramdam na ako ng matinding lungkot. Parang unti-unti ay napanghihinaan na ako ng loob kasi kahit anong lakad o saang direksyon man ang tahakin ko ay hindi walang pinagbago. Tila ba na walang patutunguhan ang paglalakad ko.

Lakad lang ako nang lakad, hindi alam kung saan patutungo sa madilim na lugar na ito. Takot, kaba, kalungkutan, pag-asa at samot saring pakiramdam na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam kong delikadong maglakad nang hindi mo nakikita ang nilalakaran mo lalo na't nakapaa lamang ako. OO, nakapaa! Hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit wala na akong sapatos nung nakararing dito ang alam ko lang ay iba na rin ang suot ko nung pagkapa ko sa sarili ko.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon