Until My Last Breath

112K 3.3K 561
                                    


So here's the update. Sorry kung natagalan but anyway, Welcome back to me!! Nandito na ako sa Philippines! Haha. Sorry sa pag-iintay. Lakad kasi ako ng lakad ngayon dahil namiss ko ang pilipinas but finally magkakaroon na talaga ako ng oras para sa updates! ^^ Enjoy reading!!

*************

Hmmm.

Uhmm.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko.

"Huh? Asan-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maalala ko kung saan ako. Na sa kwarto ni ate Azure.

Gaano na ba ako katagal natulog?

Napalingon ako sa may maliit na mesa. Si ate Azure at si Kuya Arzen, natutulog ng mahimbing sa gitna ng mga nakakalat na papel sa mesa't sahig. Masyado silang pagod tignan. Ganito na ba talaga kagrabe ang sitwasyon para pagpaguran nila ng ganito? Kung noon hindi ko pa ramdam ang tensyon sa pagitan ng mga tao sa loob ng eskwelahan pero ngayon parang hindi nako sigurado kung ligtas pa rin ba ako dito o dapat pa ba talaga ako magtagal dito.

"Gising ka na pala." sabi ng isang boses sa may likuran ko. Agad naman akong napalingon only to find Kuya Zap na may hawak hawak na mug, na sa amoy palang, alam kong kape na ang laman nito.

Naglakad naman sya patungo sa may paanan ko at doon umupo kasabay ng paglapag niya ng mug sa mesa.

"May naalala ka na ba?" tanong niya.

Naalala? Hindi ko alam.

Sa halip na sagutin sya ay umiling iling nalang ako. Sumunod naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ngunit nabasag iyon ng magsalita sya.

"Just by looking at them, makes me wonder kung hanggang kailan pa kaya ang mga oras na ganito, na magkakakasama pa kami. I never really thought that time is too precious to took it for granted." tapos nakangiti niyang tinignan ang dalawang natutulog saka niya ako binalingan ng tingin.

"Alam mo, wala sa isip ko na hahantong kami sa ganitong posisyon. Na dadating ang araw na hindi na namin masisigurado ang mga hinaharap namin. Kung alam mo lang kung gaano namin hinihiling na sana nandito si Vlad para maipaliwanag na niya samin ang mga nangyayari, ang mga dahilan ng mga kaganapang ito. bago pa mahuli ang lahat." Teka parang iba na yata ang patutunguhan ng usapang to ah. May alam ba sila sa mangyayari? I mean... Parang sa tono ng pananalita niya parang bilang nalang ang oras niyang mabuhay sa mundo? Brrr. Imagination mo Asper!! Ang layo ng nararating!

"Kuya Zap-"

"Zap nalang." putol niya sakin.

"Zap." ulit kong tawag.

"Ano?"

"Mabait ba si Kuya?" tanong ko. Ngayon kasing alam kong dito din sya nag aral at tsaka may kaibigan syang naiwan dito parang gusto kong malaman kung anong tingin nila sa kuya ko. Kung mabait ba sya o kung masungit.

"Kung ako ang tatanungin, Mabait si Vlad..." biglang naman akong napangiti ngunit agad ding napawi yun nang dugtungan niya ang sinabi niya. "...kahit papano." tapos bigla nalang syang tumawa ng mahina.

Kahit papano? Ano yun?

"Im sorry, haha. Hindi ko lang talaga maiwasang maalala yung mga kalokohang ginawa niya dati." sabi niya pa. Napanguso nalang ako, so kahit dito? nadadala ni Kuya pagkapilyo niya?

"Anong kalokohan?" tanong ko pa.

"Si Vlad kasi yung tipo ng taong sasakit talaga ang ulo mo kakaintindi sa kanya. Sya yung taong, aakalain mong puro problema lang ang dala pero sa huli, malalaman mo nalang na mabait sya at sya pa ang hindi mo aasahang tutulong sayo." Napangiti ulit sya habang tinitingnan ang kawalan. May naalala nanaman siguro. Makita ko lang syang nagkukwento kay Kuya, somehow, it makes me feel happy? I dont know, its just that everytime na may naririnig akong nagkukwento tungkol kay kuya parang Feeling ko it makes me feel at ease. Na tipong kahit si Kuya lang ang kasama ko di ko na kakailanganin pa si Papa. I mean, not that i dont want dad pero kung ngayon, kahit si kuya lang makita ko sa pamilya ko, okay nako dun.

Lost Academy Where stories live. Discover now