The Demon

94.1K 3.1K 537
                                    

*Ley's POV*

Ang dilim.

Wala akong makita.

Walang hanggang kadiliman.

Ang bigat ng katawan ko. Anong nangyayari?

Pilit kong inaaninag ang liwanag habang kinakalas ko ang sarili sa bakal na nakaposas sa mga paa't kamay ko, hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang mga iyon.

Anong mga to?

San ako?

Bakit ako nandidito?

Yan ang ilan sa mga tanong na umiikot sa isip ko ngayon. Hindi ko talaga alam kung pano at anong nangyari. Kung bakit ako nakagapos dito at nakakulong sa walang hanggang kadiliman.

Bumibigat na ang mata ko. Hindi ko na yata kayang...

Naimulat ko agad ang mga mata ko nang mahinahuna ko kung ano na nangyayari.

Sambre. Sambre. Si Sambre!

Pinilit kong makawala sa bakal na gapos ang mga kamay at paa ko. Hindi ako pwedeng manatiling ganito at hindi ko rin pwedeng hayaan si Sambre na gawin nalang lahat ng gusto niya.

Clang!! Clang!!

"Sambre!! Pakawalan mo ko!!!" paulit ulit kong sigaw habang pilit ko tinatanggal ang bakal sa kamay ko. "Sambreeeee!!"

Clang!! Clang!!

Ano ng gagawin ko? Unti unti na rin akong nawawalan ng lakas, hindi na rin ako tatagal ng ilang oras para makawala. Wala na akong natitirang pag asa, tuluyan ng nakuha ni Sambre ang buong katawan ko. Wala na rin ang selyong nagkukulong kay Sambre, imposible nang makabalik pa ako sa kalagayan ko ngayon.

"Rave?" sa gitna ng kawalan ng pag asa, isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa pangalan ko.

"Asper." mahinang bulong ko.

"Rave ikaw ba yan?" tanong niya pa. Naririnig ko sya? "Anong gagawin mo kay Ella?" huh? Si Ella? Anong ginawa ko kay El- si Sambre.

"Asper. Si Ella? Dadalhin ko sa clinic nahimatay sya." sago ni Sambre. Naririnig ko sila.

"Ganon ba?" sabi naman ni Asper.

"Bakit hindi ka sumama?" alok ni Sambre.

"h-ha? Ako sasama? E-eh." nag aalangang sabi ni Asper.

"Ayaw mong bantayan si Ella?" tanong ulit ni Sambre.

"Hindi naman sa ganon p-pero bakit ka sa gubat patungo?"

"Asper!! Wag!! Wag kang sumama!!! Shit!" hinila hila ko ang bakal sa kamay ko hanggang sa namanhid na ang mga kamay ko.

"Sambreeeee!! Wag Asper! Wag! Aaaahh!"

Clang!! Clang!! Boogsh! Clang!

"yun ba? Kas-ah!" sasagot na sana si Sambre ng bigla syang naputol. Naaapektuhan sya!

"teka Rave Anong nangyayari?"

"Wag kang makinig sa kanya Asper!" sigaw ko.

"Relax ka lang Hollows. Masyado kang mainitin, tinutulungan lang kita." bulong ng isang napakalamig na boses. "Pakinggan mo lang kami. hahahaha..." tawa niya habang unti uniting naglalaho ang boses niya.

"Sambre." Madiin na sambit ko.

"Bakit sa gubat?" rinig kong tanong ni Asper.

"May gusto akong ipakita sayo." sagot ni Sambre sa katauhan ko.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon