SPECIAL CHAPTER

112K 3.5K 364
                                    

(Axle Vladimir Rij)

Written by: BlabbersAlert

Hi. Di po ito UPDATE. Nagdecide po akong maglagay ng Special Chapter para kay Vlad. Napagtripan eh.

Ang mababasa niyo ito ay naging part ng buhay ni Vlad kaya nga lang ibang POV. ^^

xoxoxoxo



Nakaupo ako sa dati ko nang pwesto nang biglang pumasok ang Prof. namin kasakasama ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. Ah, transferee siguro.

"Class, as what I said last meeting. We will having a debate today but before that, I would like you all to meet Him. Axle Vladimir Rij, your new classmate." dirediretsong sabi ni Prof. pagkalapag ng pagkalapag niya sa mga gamit niya sa teacher's table.

"you may now take your seat at the back." pautos na sabi ni Prof.

"Okay with no further interruptions I would start now our debate, Ms. Fernille would you mind if we start our debate with you?" pagtatanong sakin ni Prof.

"No Sir, I don't Mind." sabi ko.

"And anyone in the class would like to oppose Ms. Fernille, anyone?" sabi ni Prof.

"Sir. Me." sabi nung transferee sabay taas ng kamay niya.

"Oh, Mr. Rij. I'm glad your cooperative. Now, you two stand up in Front." sabi pa ni Prof.

Pumwesto naman ako sa harap, now, we're facing each other. I've been through alot of debates, arguments and etcs. but I don't know why, this Time, It makes me feel so nervous.

"Ang pagdedebatehan niyo ngayon ay Oras. Ang mga bagay na pumipresenta nito at bakit yun ang napili mo, Okay Ms. Fernille, ladies first." Tumango naman ako sa sinabi ni Prof at sinimulan ko na nga ang debate. Now, lets see kung hanggang saan ang makakaya nitong lalaking to. *smirks*

"Orasan. Nirerepresenta nito ang Oras, isa itong instrumentong nagpapaalala satin kung anong oras na. And obviously, Clock is widely use this days, It gives benefits to us, people. So I guess that's enough to start up.. it's your turn Mr. Rij." sabi ko. tama. Clock, represents Time right? Now, lets see what he got.

Tinitigan niya lang ako ng maigi. Now what? Hindi siya makasagot? Eh nagsisimula pa lang ang laban ah. Psh, Boring.

"It's your turn Mr. Rij." sabi ni Prof. pero di pa rin siya natitinag kakatitig sakin. "Mr. Rij?" ulit na sabi ni Prof. he's getting impatient. Ano ba namang lalaking to' ang tagal sumagot! Nagsimula nang mangunot ang noo ko pero sya blanko paring ekspresyon ang ipinapakita.

"I-" magsasalita na sana ako kaso nagsalita rin siya, And I was really taken a back by his answer... really.

"Utak." sagot niya. Napa-*Ha?* naman ang mga kaklase ko, maging si Sir.

"Can you explain further Mr. Rij?" sabi ni Prof.

"Utak. nirerepresenta nito ang Oras. Masyadong malalim kung tatalakayin ko pa ang mga sangay sangay at pruweba kung bakit Utak ang isinagot ko pero sa tingin ko'y sapat na kung sasabihin kong Ang utak ng tao ang gumawa ng konsepto ng Oras." O.O ngayon masasabi ko nang may ikabubuga siya.

"Oo, utak nga ang gumawa ng konsepto ng Oras pero hindi sapat iyon para irepresenta ang Oras, masyadong malalim iyon para maintindihan ng tao. Masyadong hindi makatotohanan di tulad ng Orasan, kitang kita mo na ang pruweba. Hindi na kailangan pang gawing kumplikado ang lahat Mr. Rij." sabi ko. Papatalo ba ako?

"Masyado ngang kumplikado ang isinagot ko Ms. Fernille pero hindi pa rin nun maiaalis ang realidad na ang oras ay kumplikado. Di ba't kaakibat nito ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap?" then he paused a while then he continue. "Hindi lang basta basta numero ang oras at di rin lang basta bagay ito Ms. Fernile na maaaring bigyang depinisyon. Utak ang nag-iisip ng bagay bagay na nakakaapekto nito. Nagbabago ang hinaharap depende sa kasalukuyan o ang kasalukuyan depende sa nakaraan. Magbabago ba ang paniniwala mo kung sasabihin kong there is no such thing as Past, Present and Future? hindi ganun kadali diba? Kailangan pa ng mahabang paliwanagan para maniwala ka."

"P-pano mo nasasabing there's no such thing as Past, Present and future?!" di makapaniwalang sabi ko. I saw him smirk.

"See? Ms. Fernille. Kailangan pa ng mahabang paliwanagan para maniwala ka pero sige pagbibigyan kita."sabi niya.

"Walang katuturan ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap dahil wala itong constant place in time, ang nakaraan ay naging hinaharap, ang kasalukuyan ay magiging nakaraan, ang nakaraan ay naging kasalukuyan, ang hinaharap ay magiging nakaraan at ang kasalukuyan ay naging hinaharap at yan ang konseptong kailanman ay hindi maiintindihan ng tao dahil sa mababaw nating pagtanaw ng Oras. Sanay tayo sa simple at madaling paraan ng pag-intindi kaya tayo ngayon ay nakakaranas ng pagkalito sa isang bagay. Ang Oras ay kasing kumplikado ng realidad madaling intindihin pero mahirap unawain. Magka-iba iyon Ms. Fernille, magkaiba ang pag-unawa at pag-intindi." Mahabang paliwanag niya.

"Mr. Rij. Sa buhay ng tao, kung minsan kailangan nating tingnan sa pinakasimpleng anggulo ang mga kumplikadong bagay na nasa harap natin dahil sa pag-intinding ito lamang ang magbibigay kumpyansa sa atin para ipagpatuloy ang ayos ng ating buhay. Kung sa magulong anggulo natin i-aayon lahat ng ating atensyon miski ang paghinga o ang mga salitang mamumutawi sa mga bibig natin ay baka hindi na natin kayang unawain pa."

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon