Intel House

151K 3.7K 254
                                    

*Caide's POV*

"No. Not this one. Neither this one. San na, san na... Where is-Shit! "

*CLICK*

Naputol ako sa paghahanap ko nang biglang may nagclick... May papasok.

Mabilis pa sa alas kwatro ko naayos ang mga hinalungkat kong papel sa mga drawers at agad akong napatago sa likod ng kabinet, di kasi gaanong nakadikit sa dingding ang kabinet kaya may konting space pa in between at dun ko siniksik ang sarili ko. May konting butas sa mismong likod nito, parang sinadya talagang gawin iyon, diretso kasi ang view sa butas sa mismong Locker ng information. mga papel lang naman ang laman ng kabinet kaya wala masyadong nakaharang sa maliit na butas.

If you're wondering kung saan ako ngayon pwes-

"Are you sure? Dito nila nilalagay ang lahat ng informations?" bulong ng isang babae. Tsh. mga SNEAKERS din.

"Oo nga. Wag ka na ngang maingay." pabulong ding sabi ng isang lalaki.

"Mukhang may ibang taong nauna na dito." sabi ng isa. Shit! Naitago ko naman ng maigi ang presensya ko ah? Sino ba-

"Pano mo nalaman?"

"May mga bagay na wala sa ayos." pabulong pa ring sabi ng isang lalaki. Bale tatlo kasi sila, dalawang lalaki isang babae. Di ko sila makita dahil madilim pero pamilyar ako sa mga boses nila.

"Psh. Malay mo katulad lang rin natin, naghahanap lang rin ng kasagutan." sabi ng babae. Tapos nun wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nila, masyado nang mahina ang pagbubulungan nila.

Kailangan ko nang makalabas dito. Tsh. Sa susunod ko nalang hahanapin ang mga inpormasyong kailangan ko.

Hindi ko pa rin kasi makonekta ang mga maliliit na impormasyong nakakalap ko. Di ko pa rin mahanapan ng mas malaking Clue. Ang hirap mangalap, risky masyado. Dun pa nga lang sa Intel House pahirapan na.

Oo, Intel house ang tawag sa lugar na pinuntahan ko, dun nakastored lahat ng detalye at impormasyon na kakailanganin mo. Yun nga lang Restricted ang area na yun. Tanging mga may ranggo lang sa eskwelahang ito ang nakakapasok doon, which i believe ay ang mga taong parte ng isang SECRET ORGANIZATION. Nahagip ko kasi ang isang scroll dun, na naglalaman ng isang CHART, chart kung saan pinapakita at sinasaad ang dating mga tao sa likod ng organisasyon.

Nagulat ako syempre, sino ba namang mag-aakalang may ganoong kalaking secret organization ang eskwelahang ito, na tinatawag na COUNCIL.. Kaya pala halos lahat ng Intel House o mga impormasyong kakailanganin ko, nasa mga restricted area dahil 'MAY' mga dapat palang itago sa eskwelahan. Tsk. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pang itago? Bakit kailangan pang ilayo sa kaalaman ng estudyante? Sila naman pala ang pumoprotekta sa buong eskwelahan, Sila naman pala ang mga tao sa likod ng seguridad dito. Ayaw ba nila ng papuri ng estudyante? Ayaw ba nilang malaman ng mga tao sa eskwelahan ang mga pinaggagawa nila?---unless may iba pang dahilan.

"Shit! Axle Vladimir Rij... MISSING?" madiin ngunit pabulong paring sabi nung isa sa mga lalaki. Axle Vladimir Rij? Sounds..........familiar?

"Patingin nga." sabi naman nung isa.

Kailangan ko na talaga makaalis dito kaya ginamit ko na ang Extra-ability ko.

Unti unting nag-de-disintegrate ang katawan ko at dahan dahan itong lumulusot sa wall, malamig sa pakiramdam pero parang wala lang kapag tapos na. Ito ang Extra Ability ko, Magdedisintegrate ang katawan ko then magmamaterialize right after na nakalusot nako sa mga makakapal na layers ng dingding o sahig. parang akong multo na lumulusot sa mga dingding ang pinagkaiba nga lang, kailangan ko pang i-disintegrate ang katawan ko.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon