Vlad Part 2

88.3K 3.2K 461
                                    

*Vlad's POV*

Hindi pa panahon para malaman lahat ni Laurence ang lahat ng nangyari dahil alam kong gagalaw sya sa sarili niyang paraan at sigurado akong dadagdag yun sa mga alalahanin ko. Mas konti ang nakakaalam mas mabuti.

"Tama ba talaga ang ginawa natin?" tanong ni Seb patungkol sa ginawa namin kay Sambre at kay Hollows kanina.

"Seb. She needs her protector, wag kang mag-alala." sabi ko saka ko sya hinarap. "Alam mo Seb, Masyado kang nerbyoso bawas-bawasan mo nga pagkakape mo." sabi ko sabay tawa.

"Tss. Naninigurado lang." sabi niya.

"Wala ka atang tiwala sakin?" tanong ko bigla namang nanlaki ang mata niya.

"H-hindi naman sa ganon... Ayoko lang talagang mapahamak ka." sabi niya habang unti unting humihina ang boses niya.

"Seb. Matagal na tayong nasa bingit ng kapahamakan. Isang hakbang na nga lang tayo bangin na." sabi ko sa kanya na nagpatahimik sa kanya.

Hindi rin nagtagal at muli syang nagsalita. "Vlad. Papalapit na sila." sabi ni Seb. Tinanguan ko nalang sya at senenyasan na umalis na sya sa lugar na'to. Hindi dapat nila malaman na nandito si Seb, delikado ang plano lalo pa ngayon na ipinaubaya ko na sa kanya ang mga susunod na hakbang. Agad namang sumunod si Seb at tumalon na nga papalayo yun nga lang mababakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalinlangan, nginitian ko nalang sya.

Maya maya pa nakarinig na ako nang mga yabag na papalapit. Saglit naman akong pumikit at malalim na bumuntong hininga. At sa muling pagbukas ng mata ko ay bumungad na nga sakin ang mga pagmumukha ng mga taong kahit kailan ay hindi ko malilimutan. Mga tauhan ni Mr. White.

"Vayne." tawag ko sa taong nakatayo na ngayon sa harap ko. Mga nasa sampung tao ngayon ang naririto kabilang na nga dun si Vayne.

"Nagkita tayo muli Vlad." matigas na sabi niya. Nginitian ko nalang sya at saka ko isinilid sa bulsa ko ang dalawang kamay ko. "At sisiguraduhin kong hindi ka na makakagala pa." dagdag niya.

"Likewise." sabi ko nalang nang nakangiti ngunit agad din namang nabawi ang ngiting yon sa labi ko nang may malakas na pwersang tumama sa likuran ko.

*BOOG*

"Argh!" Napaluhod naman agad ako sa lakas nang pagkakahampas sa likod ko.

*Cough* *Cough*

"Ha. Ha. Ma-dumi kang -cough-cough- maglaro Vayne. Ha." nasabi ko nalang sa kanya saka ko sya nginitian ng nakakaloko at tulad nga ng inaasahan ay lalo niya yung kinainis.

"Mas madumi ka maglaro Vlad. Pinaniwala mo kaming patay ka na at inuunti unti mo kami sa likuran." galit na sabi niya habang nilalapitan niya ako. Nang makarating na sya sa harap ko saka naman niya akong sinikmuraan gamit ang paa niya.

"Aah!" daing ko sa sakit ng pagkakasipa niya. Bumaliktad ako saka napahiga sa lupa habang hawak hawak ko ang banda ng tiyan na tinamaan niya. Cursed you Vayne!

Wala akong ginawa kundi ang tingnan sya ng masama. He's not the Vayne I used to know anymore, wala akong ibang makita sa kanya kundi matinding galit, Galit para sakin. Siguro nga mahirap sa kanya ang magpatawad.

Hindi na nya ako binigyan ng pagkakataong makabangon dahil sinundan niya ng isa pang sipa ang tagiliran ko dahilan para tumilapon ako ng ilang metro mula sa kanya. "Agh!" Mabilis ulit niya akong nalapitan at marahas na pinatayo at kinuwelyuhan.

"Bakit hindi ka lumalaban?!" galit na tanong niya. "Bakit?!" Hindi ko sya sinagot sa halip ay iniwas ko sa kanya ang tingin ko.

"Kinakalaban mo ang Council pero sakin palang taob ka na? Ano ba Vlad?! San na ang tapang mo?!" galit pa rin na sabi niya at malakas na isinandal ako sa puno.

Lost Academy Where stories live. Discover now