Lost Academy #15

149K 4.5K 549
                                    




Chapter 15: He's Awake

[ASPER]

Grabe ang sarap ng tulog ko. Napagod ako ng sobra nung Friday. Hindi dahil sa laro na napag alamanan kong pumalpak pala kaya walang winner, nasayang lang ang effort ko sa kakatakbo, kundi dahil sa bugbog sarado ako ng yakap ng mga mamaw, aba'y sino pa ba? Sila Ashley, Kayle at Nikki lang naman. Kalain mo yun nag alala daw ang Trio, Mabuti nalang daw at walang nangyari sakin kasi kung meron daw, pagtutulungan daw nilang ipalapa si Presto dun sa halimaw na humabol sakin, na napag alaman ko ring alaga pala ng headmaster. Lintek naman, sa lahat ng pwede gawing alaga yun pang dambuhalang halimaw na yun. Nasermonan nga ako ng tatlo na dapat akong mag ingat sa mga bagay at mga creatures na nakikita ko dito sa eskwelahan kasi di ko pa daw alam kung ano anong halimaw ang naninirahan dito. Minsan nga napapaisip ako kung laro bang matatawag yun, buwis buhay kasi.

Di ko nalang pinaalam sa kanila yung weird na nangyari sakin nung Friday baka ano pang sabihin nila at isa pa pagod nako sa bibig nila. Ewan ko na lang kung sinabi ni Presto and speaking of him, di ko na siya nakita simula last Friday. Nung umalis nalang sya bigla, nagtaka nga ako non sa inasal niya pero baka may kailangan pa syang gawin nun kaya hindi ko na lang binabanggit hanggang ngayon.

Saturday, sunday wala naman akong masyadong ginawa, pinagpahinga lang naman ako nila tapos kinausap tungkol sa nangyari sa laro tapos sabi pa nila may nangyari daw na kakaiba di naman nila inexplain sakin kung ano pero basta may kakaiba daw talagang nangyari.

"Hoy Babae! Bumangon ka nga dyan at aalis tayo." bungad sa kin ni Ashley. 7:00 palang ng umaga at Monday ngayon.

"Wala man lang good morning?" tanong ko.

"Oh Good morning. Hala sige na, larga na sa Cr." sabi ni Ashley.

"Hmp. Good morning na nga lang." bati ko sa kanya, nakatihaya kasi siya sa kama niya na katabi ko lang din, si Kayle naman di ko pa nakikita. Early bird kasi yun, umaga palang kung san na nagsususuot. Pumasok na ako sa banyo at agad naligo pagkatapos magbibihis na. Pero nahirapan akong magbihis, may sumasabit kasi sa damit ko, kaya nahihirapan akong ibaba ang damit ko.

"Ano ba to?" tiningnan ko yung nakasabit sa leeg ko.

"Kwintas?" natanong ko sa sarili ko, minadali ko munang isuot ang damit ko at luckily, Di naman sumabit ang kwintas tsaka ko hinanap ang lock ng kwintas para matanggal ko pero wala akong nakita, pilit ko itong hinubad pero di talaga mahubad hubad. "Ano ba to?" takang tanong ko.

"Di bale nalang nga, maganda naman eh." sabi ko tsaka ko inilagay sa loob ng damit ko.

Maganda ang singsing na nakasabit sa kwintas, Silver ang kulay pero parang may naka engrave na di ko maintindihan kung ano pero may mga kulay sya na parang gumagalaw galaw sa loob ng green na diyamante, kakaiba na nagmimistulang isang bagong universe sa loob ng bato. Sa paligid naman ng dyanmante ay nakapulupot na mukhang vines na may tinik-tinik pero kulay silver pa rin naman. Di kaya ng brain cells ko na intindihin ang ganitong uri ng bagay. I wonder kung sino ang may bigay nito sakin?

Lumabas ako ng C.R. na fully dressed na ng unifom. Ang uniform na sinasabi ko ay short plitted dark gray skirt, tapos puff blouse na white under a vest then ribbon depende ang kulay kung saang klase ka na belong. May tatlo kaming uniform, ang isa pang-P.E. daw, ang isa naman i-e-explain ko nalang kung nasuot ko na, di ko pa kasi yun nasusuot. Kung iniisip nyong hindi ba kami naiinitan, malamig naman kasi talaga ang temperature sa dito sa school para daw mas komportable ang mga estudyante.

"San tayo punta?" tanong ko.

"Sa canteen, gutom ako Asper." sabi niya na nakahiga parin sa kama niya. Ano pa bang bago?

Lost Academy Where stories live. Discover now