Lost Academy #22

153K 4.2K 487
                                    


Chapter 22: Sweet Memory

[ASPER]

Lumabas nako sa office ng student body para puntahan yung sinasabi niyang Sir Vheanlivoir. Wala akong ideya kung sino siya basta ang alam ko lang na nasa headmasters' office sya so may possibility na sya ang headmaster? Kung ganon, makakauwi nako! Kaya lang parang mas nag-eenjoy nako dito, ayoko na yatang umalis? No, hindi pwede. Dapat na akong makaalis dito.

"Mas magiging delikado kapag magtatagal pa ko dito. Isipin mo nalang yan Asper." sabi ko sa sarili ko. Pumasok nako sa loob ng Office. Matagal tagal narin nung huling bisita ko dito. Marami nang nagbago? Kasi as far as I remember, may malaking table dito noon eh, pinuri ko pa nga yung pagkakagawa nun kasi kakaiba iyon at first time akong makakita ng dragon na mesa ah.

"Ah Ms. Rij, Nandito ka na pala." sabi ng boses na nanggagaling sa likuran ko. Nilingon ko naman ito. Si Cielo lang pala, yung cute na bata.

"Ah, hi Cielo. Nandito ba si Sir Vheanlivoir?" nakangiting tanong ko, ang cute niya kasi talaga eh. Natawa naman ng bahagya si Cielo.

"Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba?" takang tanong ko. Bumunghalit naman sya ng tawa. Ang cute niya tumawa, poging pogi.

"W-wala." natatawang sabi niya.

"Ano bang meron sa tinanong ko?" takang tanong ko. Nung mapansing niya sya lang ang parang baliw na tumatawa. Tumingil sya tsaka nag-ayos ng tayo tapos nag 'ehem' sya na kunwari nauubo sya. Ano bang problema ng batang to?.

"By the way Ms. Rij, I'm Anicello Cux Vheanlivoir." sabi niya tapos inistrech niya ang kamay na sakin for shakehands. Wala sa sariling kinuha ko naman ito. Ang weird? Anicello Cux Vheanli-! Wait a minute kapeng mainit! Vheanlivoir ba kamo?! Nanlalaking matang tinignan ko sya, ibig sabihin sya si Sir Vheanlivoir?! Itong batang to? Unbelievable! Baka anak sya ng Sir Vheanlivoir diba?

"Hey!" be snaps his finger infront of me. O-kay?

"Asan si Sir?" tanong ko.

"Sir? Sir Vheanlivoir?" nakangiting sabi niya.

"Yes."

"Well, Sorry to dissapoint you but I'm Mr. Vheanlivoir." sabi niya. Kung kanina siya ang tumatawa ngayon ako na ang humahagalpak ng tawa.

"Nagbibiro ka ba Cielo? Hahaha. Ang bata bata mo pa para tawaging Sir ng mga estudyante. Sige na, Sabihin mo na kung nasaan si Sir Vheanlivoir.." Natatawang sabi ko.

"Bakit? Anong ini-expect mong Sir Vheanlivoir?" tanong niya.

"Of course, Matanda na, uugod ugod tapos panot, bugnot ang mukha for short burangot. Tapos sasabihin mong ikaw si Sir Vheanlivoir? Sa bata mong yan, Parang grade 4 ka pa nga yata eh, mukhang di ka pa nga yata naturuan ng Trigo." natatawa pa ring sabi ko. Natigil lang ang pagtawa ko nung makitang kumunot talaga ang noo niya. "Nagbibiro ka diba?" alanganing sabi ko.

"Sorry to dissapoint you but I am really Mr. Vheanlivoir hindi yung panot at bugnutin na mukha.." Seryosong sabi niya tapos binuksan niya yung drawer sa table niya sabay labas ng maraming papers at ako tong si timang, tiningnan ko isa isa.

"That's the Complete certification of my existence, Awards, affiliations, and such. You want more proofs Ms. Rij?" Napanganga nalang ako sa sinabi niya.. Totoo nga, Sya nga talaga si Sir Vheanlivoir. T^T Pano nangyari yun? Eh sa itsura niya mukha syang batang grade schooler!

"Sorry Sir." napapahiyang sabi ko.

"Apology Accepted. Now, Pls. sitdown Ms. Rij. We'll going to discuss the 'Real Business' here." Professional na sabi niya. Kinakabahan ako.

Lost Academy Where stories live. Discover now