Lost Academy #91.4

19.5K 881 154
                                    


Lost Academy #91.4 Unveiling of the Truth

[CIELO]

Dahan-dahan kaming lumabas ni Exle sa may aklatan ng upperclass, konting konti nalang matatanaw na namin ang Forbidden Zone, yun nga lang may mga taga Council pa ring pakalat kalat. Nang makita ko ang anino ng isa sa kanila ay agad akong napahinto dahilan upang tumama sa likod ko si Exle.

"A-" hindi na natuloy ni Exle ang kanyang pagdaing nang bigla kong tinakpan ang bibig niya at hinila papuntang pinakagilid. "Hide." mahinang enchantment ko na animo'y parang bulong ng hangin na lang. nanlaki naman ang mga mata ng bata nang makita niyang unti unti ay nawawala ang kanyang mga paa hanggang sa umabot ma ito sa kanyang katawan.

"Shhh." Senyas ko sa kanya. Sa totoo lang as much as posible, iniiwasan kong gumamit ng kapangyarihan dahil hindi pa ito kaya ng katawan ko ngayon, madali na lamang akong mapapagod. Mabuti nalang at nakikinig sa akin ang bata.

*CLANK* *CLANK* *CLANK*

Tunog ng hinihilang sandata na papalapit sa aming pinatataguan. Marahil ay totoo ngang sa enchantment kong 'Hide' ay naikubli kami nito sa pader na parang isang chameleon ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito mapapanatiling ganito.

*CLANK* *CLANK* *CLANK*

Sa sobrang kaba ay nararamdaman ko na ang kabog ng sarili kong dibdib. Malapit na ito sa amin. Maging si Exle ay mukhang nakakaramdam na rin ng takot sa inaakto ko. Konting-konti nalang iiyak na ang batang to pero pinigilan ko siya at tinitigan sa mga mata. Pinipilit kong magkunwaring matapang kahit na natatakot na rin ako sa kalagayan naming dalawa. Maliban sa kakailanganin ko ang buong lakas ko mamaya, alam ko sa loob-loob ko na kapag nadiskubre kami, wala akong kakayahan para protektahan siya ng maigi. Ang tanging magagawa ko lang talaga ay maipuslit siya. Bakit sa mga ganitong pagkakataon nakapawalang silbi ko?! Nung dati, hindi rin ako maaasahan sa labanan dahil napakatanda na ng katawan ko ngayon naman nasobrahan ng pagkabata!

*CLANK* *CLANK* *CLANK*

Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko nang maaninag ko ito. Isang mekanikal na clown. Mataman ko namang tiningnan si Exle at nakitang nakatingin pa lamang ito sa mga paa ng kakarating lang na nakangising mekanikal na clown, halos hindi na nga ito makahinga sa nasasaksihan. Pipigilan ko sana ang ulo niyang iangat ang tingin nang makita kong bigla tumingin sa may bandang gawi namin ang clown dahilan upang mapasigaw sa takot si Exle.

"AAAAAAAAAHHHHHH! MONSTEEEEER!" matinis na sigaw ni Exle sabay turo dito dahilan upang mawala ang enchantment na ginawa ko.

"Jusko." Nasabi ko nalang nung napatingin ito sa amin ng tuluyan.

[JARED]

Nang makaalis ang Headmaster kasama si Eide ay naiwan nalang kami nila Theron, na nakapikit at nakaupo lang sa tabi ng kama, dito sa loob ng forbidden zone kasama ang natutulog na si Euria. Wala rin naman kaming magawa kundi ang hintayin ang pagdating ng dalawang bubwit. Kailangan makarating dito ang dalawa dahil wala ng natitirang taong makakaprotekta pa sa bata kundi kami nalang.

"AAAAAAAAAAAHHHHH! MONSTEEEER!" Nasa panghulihang mansanas na sana ako sa bowl nang marinig ko ang matinis na sigaw na iyon. Sobrang lakas nito dahilan para mahulog ko ang mansanas na sanay hawak ko na. Bigla namang nagmulat ng mata si Theron at diretso akong tiningnan.

"What?" tanong ko nang taasan niya akong kilay. Binawian ko nalang siya ng irap sabay tayo mula sa pagkakahiga. "Fuck." Napamura nalamang ako ng makita ko ang mansanas sa sahig. "They'll pay for that."

Agad naman akong pumunta sa may madilim na parte ng kwarto sabay naglaho. Gamit ang kakayahan ko ay pinuntahan ko ang pinagmulan ng sigaw at yun nga, nakita ko ang dalawang batang wala kadepe-depensa sa pipitsuging mechanical puppets. Si Cielo ay mukhang mapapasama na ang lagay niya habang yung batang babae naman ay nag-iiiyak na gilid. Mukhang di na nga ata alam ni Cielo kung ano pa ba ang uunahin, ang umiiyak na bata ba o yung umaatake sa kanila. Hays.

Lost Academy Where stories live. Discover now