Lost Academy #87

32.3K 1.3K 268
                                    


Lost Academy #87 The last piece


Nang mapatulog si Hollows at mailagay sa ibabang silid ng opisina ng Headmaster ay agad na nag-usap sila Vlad sa susunod na hakbang.

"Hindi man ako sumasang-ayon na pinaplano mo Vlad ngunit wala na akong pagpipilian pa kundi magtiwala sa'yo." saad ni Anicello.
"Alam ko and I'm glad you have chosen my side." sagot naman ni Vlad.
Di naman mawari ng batang Exle kung ano na ba talaga ang nangyayari. Wala pa itong muwang para maunawaan ang pag-uusap ng mga mas nakakatanda sa kanya. Bagamat ganunpaman ay may tiwala siya sa mga ito. Liban lang sa isang lihim na kahit sa isang batang tulad niya ay hindi niya masabi sabi kung kanino man. Hindi kina Vlad at lalong hindi sa ibang tao. Tanging siya, si Asper at si Euria lamang ang nakakaalam. Yun yung totoong nangyari sa loob ng silid ni Euria.

Hindi nga rin niya lubos maisip na isa lamang yung panaginip dahil para sa kanya, totoo lahat ng nakita niya ng panahong yon. Tila nandoon talaga siya sa pangyayaring iyon. Na parang nakasilip siya sa mga mata ni Asper at siyang siya ang kumakausap kay Euria. Pakiramdam niya may kinalaman siya dun sa liwanag pero sino ba naman siya para sabihan silang may nagawa siyang kakaiba sa panaginip niya? Bata lang siya. Walang maniniwala kung sabihin niyang pakiramdam niya na siya yung babaeng kumakausap kay Euria.

Sa kabilang banda naman,Nag-uusap usap sila ni Azure, Zap at Arzen patungkol sa kung ano ang susunod na hakbang nilang gagawin na hindi nila namamalayan na nakalabas na pala ng kwarto ang pusa.

"Sandali." sabi ni Azure na lumilingon lingon pa.
"Asan si Maple?"
"Manna ka mo." pagtatama ni Arzen.
"Parehas pa rin yun. Saan na siya?"
"Di ko alam, kanina andyan lang siya sa sofa." sagot ni Arzen.
"Mukhang may problema tayo." sabi ni Zap habang nakatingin sa pintong nakaawang.
"Ano ba naman to o-oh. Dumadagdag pa sa problema eh." turan ni Arzen. Kung pano nabuksan ng pusa ang pinto ay isang malaking katanungang naiwan sa mga isip nila Zap.
"Pambihira." nasabi nalang ni Arzen.
"Mabuti pa hanapin muna natin yung pusa baka may ibang makakita non." Tumango nalang sila Azure sa turan ni Zap.

Prente namang naglalakad sa walang taong hallway ang pusang si Manna. Para itong may ari ng daan kung lumakad. Tila sinusundan ang liwanag sa pinakadulo ng hallway. Bigla naman itong sumaya ng maabot na nga niya ang dulo, na parang sa wakas ay nakalabas na siya sa hawla. Agad naman siya nagtatatalon sa may damuhan at hinahabol ang mga mumunting pixies na naroon. Nagsiliparan ito tungo s kabilang building hanggang sa mapasampa siya sa bintanang nakabukas dito. Pumasok siya sa may kadilimang kwarto ngunit nagitla ang pusa ng biglang sumirado ang bintana, kaya walask siyang natitirang pagpipilian pa kundi ang lumabas nalang sa nakaawang pinto. Naglakad hanggang sa makaabot ang pusa sa isang hagdan na patungo sa pinakataas na bahagi. Sinundan ng pusa ito sa pag asang makakakita siya ng labasan at muli ay makapagbilad siya sa araw.

Tumalon talon ang pusa hanggang sa makaabot siya sa pinakadulo nito. Maraming pinto siyang nakikita pero iisa lamang ang nakikita niyang bukas at doon pa talaga sa pinakadulo ng pasilyo kaya doon na dumiretso ang pusa. Ngunit bago pa man siya makapasok ay may naririnig siyang usapan sa lenggwaheng hindi niya maintindihan. Sumilip lamang ang pusa at naging alerto sa mga bagay na magiging banta sa kaligtasan niya.

"Mabuti pa't kunin na lamang natin yung Asper at imungkahi natin sa headmaster na may gagawin tayong imbestigasyon patungkol sa mga kakaibang pangyayaring nagaganap sa eskwelahan."

"At paano natin ipapaliwanag nakung bakit kailangang si Asper pa ang kunin?" turan naman ngisang boses. Walang maintindihan ang pusa sa pinag-uusapan nila kayanapa 'meow' nalang ito na ikinakuha naman ng attention nila Mr.White.

"Pusa?"

"Pano nagkaroon ng pusa dito?"

"White. Baka espiya yan." mungkahing isa. Agad naman tinungo ni Mr. White ang kinaroroonan ng pink napusa. Nilapitan niya ito at akmang bubugawin sana ng bigla itonglumapit sa kanya na ikinataka rin ng ibang kasamahan niya.

Tila ba'y nanlalambing ang pusang itokay Mr. White, nakakapagtatakang masyado itong maamo sa kanya.Hinihimas ng pusa ang ulo nito sa mahabang bestida ni Mr. White,ngunit ayaw nito ng matanda kaya pasimple niyang sinipa ang pusangunit bumalik pa rin ito sa ginagawa niyang paghimashimas ng ulo.Sisipain na sana niya ng malakas ng magtagpo ang kanilang mga mata nasiyang ikinatigil ni Mr. White. Hindi alam ng matanda kung bakit peromerong kung ano sa mga titig ng pusa na nakapagpaalala sa kanya nglumipas na panahon.

Akmang kukunin na sana ito ni Mr. Whiteng biglang binugaw ito ni Mr. Xion dahilan upang magitla ang pusa attumakbo palabas.

"Xion. May sinabi ba akong makialamka?!" galit na turan ni Mr. White at tinanaw ang daang tinahak ngpusa.
"Pasensya na Mr. White. Para hokasing natulala kayo saglit. Baka may halong salamangka ang pusangiyon at nanganib ka pa." turan nito. May punto naman si Xion sasinabi nito ngunit hindi mawala sa isip ni White ang pagkapamilyarniya sa mga titig ng pusang iyon. Para bang may pakiramdam na pilitpumapaibabaw sa kanya na hindi niya maipaliwanag. Sa halip na isipinpa iyon ay ipinagsawalang bahala nalang ni White ang pakiramdam atipinagpatuloy ang naudlot na usapan nila.

Samantala, naglalakad lakad naman siClynn sa pasilyo ng makasalubong niya ang doktor sa eskwelahan na siCile. Mukha itong nagmamadali at tila ba'y patungo ito sa direksyonniya. Hindi nalang niya ito pinansin, iiwas naman din ito dahilmukhang alam nitong mga taong makakasalubong siya. Ngunit lakinggulat niya ng mabangga siya nito.

'Hindi nga ba ako napansin ng doktor naito?' sa isip isip ni Clynn.

Nahulog ang mga gamit na bitbit nito atnagsiliparan rin ang mga papel na nakasukbit dito.

"Pasensya na Clynn. Nagmamadali lang ako." hinging paumanhin ng doktor habang kinukuha yung mga gamitnitong nakakalat. Nagtaka naman si Clynn kung bakit alam nito ang pangalan niya. Itatanong niya sana ng bigla ay nakaalis na ito at nawala na sa kanyang paningin. Napakabilis ng nangyari. Nagtataka may nagpatuloy nalang siya sa paglalakad at itinago niya sa bulsa niyaang kanyang isang kamay. Laking gulat nalang niya ng may makapasiyang maliit bagay doon.

Inilabas niya ito at nalamang isang kapirasong papel pala. Hindi niya alam kung paano ito napunta doon. Tinitigan niya ito at mukhang nagkakaroon na siya ng ideya kung paano nailagay ang papel na iyon doon. Hawak hawak ang papel ay napalingon siya sa daang tinahak ng doktor kanina.

"Naisahan ako." mahinang bulong nalang niya at unti-unting binuksan ang nakatuping piraso.

"Believe that the universe shan't lie,
All the stars and all bodies shall die.
You, who desires to save,
Thou shall not and never cave.

Hesitate then everything falls.

Upon the ice. Fire shall cease.
Upon his hands, death she'll kiss.

Here is the last piece of my soul,
Hear me and seek her more.
Save her from the depths of the unknown
For a promise of life and time--- Ab Aeterno."

Hindi maintindihan ni Clynn ang mga nakasaad sa papel at inakalang nagkamali lang ang doktor sa paglagay nito sa kanyang bulsa kaya nama'y ipinagsawalang bahala nalang niya ito at ibinalik sa pagkakasuksok sa bulsa niya.

"Ab Aeterno?" katanungang bumagabag sa kanyang isip.

***

Now all the pieces have been laid, the final stage is now unraveling.



Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon