Lost Academy #95

25.4K 952 389
                                    

Lost Academy #95 A Father's Love

"Believe, that the universe shan't lie,
All the stars and all bodies shall die,
You, who desires to save,
Thou shall not and never cave.

Hesitate then everything falls.

Upon the ice, fire shall cease,
Upon his hands, death she'll kiss.

Here is the last piece of my soul,
Hear me and seek her more.
Save her from the depths of the unknown
For a promise of life and time --- Ab aeterno."

[SEBASTIAN]

Akay akay ko si Hollows para sana ilayo siya sa lugar na ito. Mas malayo, mas mabuti. This is not just for Asper's sake kundi para na rin sa aming lahat. I was given this task to suppress Sambre as much as I could better yet, get rid of him. At this point of time, Sambre is already beyond saving. Vlad was aware na mas nangingibabaw na kay Sambre ang galit kesa sa pagiging rasyunal. Alam ko iyon dahil ako ang nagmomonitor sa galaw ni Sambre dulot na nga sa ginawa namin noon ni Vlad kay Ley o mas tamang sabihin na Rave.

"Kailangan mong magpakatatag. Tandaan mong hindi makukuha ni Sambre ang katawan mo kapag nananatili kang lumalaban." Pangungimbinsi ko kay Rave. "Think of Asper." I told him para sana man lang ay mapalakas ang kanyang loob.

"Seb? B-bakit kami pa?" Bigla niyang tanong habang impit na pinipigalan ang sarili sa paghiyaw. Alam kong masakit na pero huwag ka sanang sumuko.

"Lumaban ka Hollows." Sa halip na sagutin siya ay pinipilit kong palakasin ang loob niya kasi sa totoo lang maging ako, hindi ko alam kung pano ko siya sasagutin.

"Ayokong ako ang makasakit sa kanya." Biglang saad niya ikinatigil ko naman sa paglalakad. Hinawakan niya ako sa may kwelyo ng damit ko saka niya ako tinitigan. "Kill me along with him." Nagulat ako sa turan niya.

"Please." Pagmamakaawa niya pa. Bigla namang nanikip ang dibdib ko, wala na ba talaga kaming pagpipilian? Ganito na kalala ang sitwasyon para magkaawa siyang patayin ko nalang siya. Hindi kaya ng konsensya ko na patayin si Hollows maging si Vlad man ay napapaiwas sa usaping pagpatay.

"Just kill me." Pagmamakaawa niya ulit. Sa pagkakataong ito ay malakas ko siyang sinapak. I know, I'll be risking a lot of lives but I think he needed this.

"You're not weak! Kaya mo yan!" bulyaw ko sa kanya. Nanlalaking mata naman niya akong tinignan habang nakasalampak sa sahig. "Naiisip mo ba kung anong mangyayari kapag namatay ka? Asper wouldn't want that! Stop being so selfish and fight for her! Alalahanin mong inihabilin na siya sa'yo ni Vlad. She can't afford to lose anyone anymore!"

"S-seb." Di makapaniwala niyang usal.

"Steel yourself. We can still defeat Sambre. Kaya ako nandito I will help you." Sabi ko to give him hope. It wasn't a false hope because I am really here to help him defeat Sambre.

"Sa paanong paraan?" tanong niya.

"I will use all my ability to forever suppress Sambre. Kailangan mong tiisin 'to. And by the way, when I am in human form I go by the name Sebastian, and when I am in my beast form..." saka ako nagtransform sa orihinal na anyo ko para magamit ko ang buong kakayanan ko. Of course, as Vlad's guardian I was never a human. Nagtatransform lang ako sa pagiging tao para makasalamuha ang ibang tao at magawa yung misyon ko.

"I go by the name Yuru." tuluyang pagpapakilala ko nang maging isang maliit at itim na baboy ako.

"You're that pig!" Gulat na saad niya. Oo na! Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Naalala niya pa ang kahiya-hiyang pangyayaring iyon. Nasa pangangalaga pa ako ng Headmaster non pero nung magpakita ulit si Vlad ay pinatili ko ng tao yung itsura ko.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon