Lost Academy #30

139K 3.8K 350
                                    

Entry #30 Training

[ASPER]

Bangag akong naglalakad patungong classroom. Di pa rin kasi mawala sa isip ko ang naging usapan namin ni Presto kanina. Malas talaga, kung bakit ba kasi kaartehan ng utak ko ang iinisip ko? Nahuli tuloy ako. Pano ko kaya to sasabihin kina Ashley? I'm freaking genius! Quote the sarcasm please.

"Oh Asper?" sabi ng nakasalubong ko. Si Nikki pala.

"Hi Nikki." matamlay na sabi ko.

"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit parang ang bigat ng pasanin mo?" tanong niya.

"Wala. Wag mo nalang muna ako intindihin." sabi ko. Tumango naman sya. "San ka nga pala pupunta?" tanong ko sakanya.

"Sa Training room. Duh. Asper, Nakalimutan mo na? Magte-training tayo ngayon. Excited na nga ako eh!" sabi niya. Tama nga pala, nakalimutan ko, ngayon na pala ang start ng training. Supposedly kasi, once a week ang pagte-training kaya lang may mga renovations kaya ayun di natuloy.

Nagpapasalamat nga ako nun eh, kasi napostpone ang pagte-train ng mga ability, mahirap icover yun at isa yan sa pinoproblema ko ngayon. Wala ba talagang hangganan ang problema? Napabuntong hininga nalang ako saka sumunod kay Nikki na ngayo'y nauuuna na.

Bagalan ko kaya ang paglalakad papunta dun? It's a good idea diba? Delaying tactic! Baka pagdating ko dun, tapos na sila.. nyahahaha.

Napatawa nalang ako sa naiisip ko. Ewan ko ba kung bakit ako ganito, na kahit patong patong na problema ang kinakaharap ko nagagawa ko paring tumawa.

Nang makarating nako sa Training Hall, Nakita ko ang lawak nito parang isang indoor football field, eliminate the bleachers, ang grass then add a stage, basta para syang auditorium na walang mga upuan, at may mga training things din sa gilid.

Tuluyan nakong pumasok at nagulat ako sa nadatnan. Alam niyo kung bakit? Di ko kasi akalaing makakasabay namin ang dalawang section ng Special Class at Class-E sa pagte-training at ang mas nakakagulat pa, hindi pa pala nagsisimula ang training. Binagalan ko na ang paglalakad ah.

"Oy Asper, ang tagal mong nakasunod ah?" sabi ni Nikki nang makaabot nako sa pwesto nila. Naka-squat lang kami sa sahig. Kaharapan naman namin ang Special Class. Ang iba sa kanila ang sama ng tingin samin. Dagdag problema nanaman.

"Hoy anong mukha yan?" tanong ni Ashley.

"Wala." sagot ko saka ako napabuntong hininga.

"Aba kayo ni Kayle ah! May mga di kayo sinasabi sakin."

"Anong Kayle? Bakit?" tanong ko.

"Parehong pareho kasi kayo ng pagmumukha eh. Abot hanggang sahig ang haba ng mga bibig niyo sumabay pa ang balikat kakabuntong hininga. What's ya problem pepol?" sabi niya. Ano naman kaya ang problema ni Kayle?

"Pabayaan mo na nga muna yan Ash. Dadating na si Ma'am." saway ni Nikki. Tama nga si Nikki, dumating nga si Ma'am Penelope. Na may dalang dalawang record book. Panigurado ang isa para sa Special Class.

"Okay Class! Gather up!" sigaw niya. Nagsisunuran naman kaming mga estudyante niyang nakakalat sa kung saan saan. "Alam kong nagtataka kayo kung bakit nandito ang mga Taga-East Wing." sabi niya nagtanguan naman kami.

"Well, since hindi pa tapos ang ginawang renovation sa Training Hall nila, dito muna magte-train ang Special Class at sa training na ito, walang Special Class o Lower Class. Just consider everyone in this room, of course except me, na kaklase nyo. Kaya kapag isa sa kanila ang makatunggali niyo.." sabay turo sa Special Class Students. "Wag kayong aatras kasi Special Class sila. Naiintindihan niyo ba?" sabi ni Ma'am.

Lost Academy Where stories live. Discover now