Lost Academy #25

155K 3.8K 683
                                    


Chapter 25: My Guardian

[ARZEN]

"What's up with him?" tanong ni Zap. Nagkibit balikat naman si Azure, ni Ako nga rin eh, di ko alam kung bakit nagkaganun yun eh. Mas naging malihim sya ngayon.

"Kahit ako, kapag ginanun, maiinis rin ako." biglang sabi ni Razor.

"Huh?" umiling iling naman sya, saka tuluyan nang lumabas.

"Bayaan niyo na nga yun." sabi ni Azure.

"May napansin ba kayong kakaiba kanina?" biglang tanong ni Zap.

"Anong napansin?" tanong ko rin.

"Parang may kakaiba kasi habang ginagamit natin ang simulation room na'to." sabi pa niya. Oo nga no? May naramdaman din akong kakaiba kanina. Di ko lang matukoy kung ano, basta may kakaiba nga rito kanina.

"Baka ligaw na enerhiya lang." sabi ko.

"Baka nga." sabi ni Zap.

"Pero alam niyo guys parang nakapagtataka naman atang hindi alam ni Asper ang tungkol sa protector niya diba? Panong nangyaring hindi siya naging aware sa kontrata nila? Bago lang ata to sa pandinig ko. And take this note, pamilyar sakin ang mukha ni Asper." sabi ni Azure. Oo nga no? pamilyar rin sakin ang mukha ni Asper. Nagkita na ba kamin noon? Or nagkasalubong na ba kami?

"Well, we can't expect less from Ley, Azure. He's beyond an ordinary protector." sabi ni Zap at binalewala ang huling sinabi ni Azure." Oo nga naman, Eh sya lang ata ang extreme protector na kilala kong nag-eexist eh." sabi ko.

"Maybe. Maybe Not." sabi ni Zap.

"Diba may different Clans ang protector?" tanong ni Azure. "Sinabi yan dati ni Vlad sa'tin diba? Sabi niya may 7 clans ang protectors noon." dagdag pa niya.

"Yeah, Lima sa Pitong clan na yun ang tuluyang nawala dahil sa ano nga yun?" sabi ko. Nakalimutan ko na kasi ang dahilan kung bakit nawala nalang ng parang bula ang limang clan.

"Basta ang naaalala ko lang, may naganap na digmaan sa pitong clans, I just don't know the reasons. Sa pagkakaalam ko sa ating lahat dito, si Vlad ang may hawak ng lahat ng information noon diba?" sabi ni Zap.

"If only Vlad is still here." malungkot na sabi ni Azure. Maging ako man nakadama ng lungkot. Si Vladimir. Nakakalungkot isipin na wala na sya. Nagtatanong kayo kung kaano-ano namin si Vlad? Si Vlad lang naman ang dati naming kaibigan, kuya siya ng barkada at isa rin yung malihim. Nung mga panahong yun, di pa kami involve sa council at di pa namin kilala si Ley at Razor nun, nasa kabilang building pa si Ley non at si Razor naman, Anti-social. I still remember the day when we last saw him. When we last saw Vlad.

(Flashback)

"Vlad!" tawag ni Azure sa kanya nang makita namin syang naglalakad palabas ng Hall. Huminto naman sya saka lumingon samin.

"Hey." sabi niya. "Kanina ko pa kayo hinahanap." dagdag na sabi niya.

"Nagkasalisihan siguro tayo. Hinahanap ka din kasi namin eh." sabi ko.

"We've got this feeling kasi na something is not right.. Kaya hinanap ka nalang namin para sigurado." sabi ni Azure.

"Huh. I guess your intincts got it right." he murmured, enough for me to hear him. Kinabahan naman ako bigla.

"So.? should we worry about you?" tanong ni Azure. While I, just remained silent.

"Nah. Worry about this instead." he chuckled then he handed us a pink cat. I never notice he was actually holding it. "Oh. Alagaan niyo yan." I blink twice... thrice... countless of times in a span of few seconds then I burst out laughing."Are you serious? May ganito kang pusa?" sabi ni Azure habang natatawa pa, eh maging ako man ay natatawa rin. Of all the colors, bakit pink pa?

Lost Academy Where stories live. Discover now