Filler 1

88.8K 3.1K 652
                                    

A/N: Makeshift Update lang po eto, hindi po dapat ito ang susunod na update kaya lang nagkaroon ako ng siraulong cellphone kaya hindi ko maiuupdate ang mga susunod na chapters. Filler po ang isang to pero don't worry parte pa rin naman ito ng storya. POV's po ito ng ibang characters. :) I'll be posting more of this for now habang hindi ko pa naiispelling ang cp ko.

*Mr. Whiite's POV*

Matapos umalis ng dalawa ay agad akong nagtungo sa opisina ko. "Naisahan ako. Bwisit!" naiusal ko nalang habang tinitingnan ang nabukas na pinto. Hindi na pwede to, kailangan ko ng gumalaw. Namimihasa na sila at masyado ng mainit ang paligid. "Maghintay lang kayo." Muling bulong ko sa sarili ko. Nakakainis! Malakas na nahampas ko ang mesa dahilan para magsitalunan ang mga gamit na naroroon. Muli nanamang nanariwa ang nakaraan sa aking isipan.

"Papa!" nakangiting tawag sakin ng anak ko nang makita niya akong papalapit sa kanya. Agad din naman akong napangiti. Ang anak ko, dalaga na. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang syang pinanganak at ngayon labing-pitong taong gulang na sya.

"Ang ganda ganda talaga ng anak mo White, manang mana kay Felicia." nakangiting sabi ni Miguel. Naglalakad kasi kami patungo sa kinauupuan ng mga bata kasama na nga ron ang anak ko at pamangkin niya.

"Mana kamo sakin!"  pagtatama ko sa kanya. Agad naman syang natawa.

"Kung nandidito lang si Felicia, baka nabungangaan ka na non." sabi niya pa. Si Felicia nga pala ang asawa ko, namatay sya matapos niyang manganak. Nakakalungkot ngang isipin na hindi na niya nasubaybayan ang paglaki ng anak namin. Namimiss ko na sya.

"Oo nga eh. Sayang." mapait naman akong napangiti.

"White. Hindi bagay sa'yo ang magdrama." natatawang saad ni Miguel. 

"Tumigil ka na nga. Lapitan mo nalang yung pamangkin mong unggoy na mukhang pinopormahan na ang anak ko!" sabi ko sabay tulak sa kanya saka ko inurong papaatras si Vladimir papalayo sa prinsesa ko.

"Pa naman!" reklamo ng prinsesa ko.

"Pumatol ka na sa iba, wag dyan wala akong tiwala sa isang yan." Tiningnan ko ng masama si Vladimir na ngayo'y napapalunok na. Sabay naman nagtawanan ang mga kaibigan ni Vladimir lalong lalo na si Miguel na tinatapik tapik pa ang likod ni Vladimir.

"Grabe ka naman Pa, Walang ginagawang masama yung tao." nakangusong sabi ng anak ko.

"Ah basta Vladimir. Wag kang madikit dikit dito sa anak ko, malalagot ka sakin." banta ko pa sa batang Vlad. Napaatras naman sya sa bigat ng titig ko. Ang ayoko kasi sa lahat ay ang lalaking pinopormahan ang anak ko ng hindi dumadaan sakin.

"Wala ho akong ginagawa sa anak niyo." sabi ni Vlad. "Sungit talaga ng isang 'to." mahinang sabi niya na hindi ko na halos marinig.

"Ano?!" tanong ko.

"Wala po." sagot niya. Tiningnan naman niya ng masama ang mga kaibigan niya nung tumawa ng malakas. Agad naman silang natahimik.

"Tara na nga anak. May ipapakita pa ko sa'yo." aya ko sa anak ko.

"Sige po. Haha. Sige aalis na ako ah? Mukhang nagseselos sa inyo ang papa ko eh." natatawang sabi niya pa sa kanila. "Sige po Tito Miguel, Rence, Cile, Vayne, Eide and Vlad. Bye." Nakangiting paalam niya saka naman niya kinawit ang kanang kamay niya sa braso ko.

Ang mga ngiting yang yun ay hinding hindi ko mabubura sa isip ko. Yun nalang ang tanging lakas ko para ipagpatuloy pa ang buhay ko.

Ang anak ko...

Ipaghihiganti ko ang kamatayan mo... Hintayin mo lang. Balang araw, makakaganti rin ako kay Vlad para sa'yo.

"Hindi sana tayo magkakagulo ng ganito Vlad kung hindi mo lang dinamay si Manna." tiim bagang kong bulong sa sarili ko.

*Cielo's POV* 

Lalabas na sana ako ng pinto nang may biglang magbukas ng pinto mula sa labas. Agad naman akong napahinto ng makita kung sino iyon. "Headmaster." nakangiting bati ko sa kanya.

"Oh Cielo, ikaw pala." sabi niya. Nawaglit lang ang ngiti sa labi ko nang may batang sumilip sa gilid niya habang nakakapit sa likurang bahagi ng suot ni Headmaster. Napalitan ng gulat ang reaksyon ko.

"Panong-" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang batang ito...

"Lolo. Saan na po ba tayo?" tanong ng bata. "Sino po sya?" tanong niya nang mapabaling sya sa deriksyon ko.

"Alam kong marami kang tanong pero kung maaari pwede bang pumasok na muna tayo?" sabi sakin ni Headmaster. Agad naman akong umurong papatabi para makadaan sila. "Isarado mo ang pinto bilis." utos niya. Agad ko namang sinunod ang utos niya.

Lagot na. Ano bang pinaplano nila?

*Theron's POV*

"Euria. Alam kong hirap na hirap ka na pero pakiusap wag ka munang sumuko." mahinang bulong ko kay Euria habang mahimbing syang natutulog at hawak hawak ko ang kamay niya. "Ayokong mawala ka. Please." Nakikiusap ako.

"Aren't you selfish?" biglang tanong ng isang boses na nasa likuran ko.

"Jared." nanghihinang sabi ko. "Selfish na kung selfish pero ayokong mawala sya Red, di ko pa kaya. Wag ngayon." sabi ko.

"Alam mong darating din tayo sa puntong kailangan nating tanggapin kahit pa mahirap." sabi niya.

"Alam ko, alam ko. Pero may natitira pa namang pag-asa diba? Ayoko pang mawala si Euria. Hindi ngayon, hindi bukas, basta hinding hindi ko sya hahayaang mawala. Masyado pa syang bata, bakit sya pa?" Ang bigat bigat na ng pakiramdam ko. Iisipin ko palang hindi ko na yata kakayanin. Ikamamatay ko pagnawala sya sakin. Sya nalang meron ako, wala ng iba.

Mula ng makilala ko si Euria at naging protector niya ako. Pinangako ko sa sairli ko na hinding hindi ko sya papabayaan at habangbuhay na aalagaan at poprotektahan.

"Masama bang maging selfish? Na kahit ngayon lang pagbigyan ang hiling ko? Isa lang naman ng hinihiling ko. Wala ng iba. Sya lang." naluluhang sabi ko. Hindi pa kahit kailan ako umiyak sa harap ng ibang tao, ngayon lang. Para na kasing sirang plakang nagpaulit ulit sa utak ko ang bawat daing at hiyaw niya sa sakit na umaabot pa sa puntong hindi ko na sya kayang matignan. At sa bawat pagkakataong nangyayari iyon, wala man lang akong nagawa, wala akong magawa. Masakit din sakin iyon, masakit na masakit. "Naturingang protector niya ako pero wala man lang akong magawa." 

"Theron." Mahinang tawag ni Jared. "Lahat tayo dito walang magawa. Hindi lang ikaw." sabi niya at iniwan akong nakayuko at tahimik na humihiling na sana...

Sana man lang may magawa ako para sa taong mahal ko. 

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon