Great Wall of Rave

120K 3.3K 357
                                    

zozozozozozozozozozozozozo

*Asper's POV*

"Oh ano na ngayon? Jusko naman Asper! Samot saring gulo nalang ang napapasukan mo! Pwede ba wag mong lahatin!" panenermon ni Ashley nang magising ako. Nakayuko lang ako habang pinapatagos sa kabilang tenga ko ang sermon niya.

Nung mawalan kasi ako ng malay ay hinatid agad ako ni Clynn sa dorm room namin. Tyempo naman nung pagkaalis daw namin, eh yun din daw ang oras na nagsidatingan ang mga Late rescuers!

Nagising ang buong eskwelahan dahil dun. Ewan ko lang kung alam na nila kung sino sino ang mga sangkot sa gulo maliban nalang kina Kayle at Ashley na ngayo'y nakatayo sa harap ko. Pati pala sila Clynn at Keisler tahimik lang nakaupo dun sa may bandang gilid.

"Ano? Asper sabihin mo nga, May alam ka ba sa mga nangyayari sa'yo ngayon?" tanong ni Ashley na syang ikinatigil ko. May ideya ako sa mga nangyayari sakin pero hindi ko pa talaga lubos maintindihan.

Masyado kasing mabilis ang mga nangyayari. One second, i am happily enjoying my life to the fullest, The Next second, I got stuck in this school, and the other second I found myself being chase with some weird organization. And Now what?! They want me Dead! Great. Just Great. Yey.

Umiling ako bilang sagot kay Ashley. "Asper, hindi ka nila hahabulin kung wala kang ginawa." My head jerked up when Kayle's words processed in my mind.

"Asper, hindi ka nila hahabulin kung wala kang ginawa."

Hindi ka nila hahabulin?

Napataas naman ang kilay ko kay Kayle. "Anong ibig mong sabihin nila Kayle?" nagdududang tanong ko. I never mention na marami sila, ni hindi ko nga maalala na may sinabi ako kung ilan ang humahabol sakin. "I mean, hindi mo naman yun sasabihin kung wala kang alam tungkol sa bagay na ito diba?" sabi ko pa. Nagulat naman sya sa tinanong ko pero agad naman syang nakabawi.

"Asper. Marami nang nagtangka sa buhay mo at gumagamit sila ng iba't ibang paraan sa paghuli sa'yo hindi ba? So it is logical marami nga silang humahabol sa'yo." depensa niya. Tiningnan ko ulit sya ng nagdududang tingin saka tumango nalang. I can let her pass this time, nagdududa pa rin kasi ako sa kanya eh, ewan ko ba kung bakit.

"Clynn, Keis. Umalis na kayo dito baka may makakita pa sa inyo maparusahan pa kami." baling ko kela Keisler. Nagtanguan naman ang dalawa. Si Keisler ay bigla nalang naglaho, si Clynn naman ay tumalon sa bintana. Tss. Speaking of bintana.

>:[ Bakit kaya hindi dumating si Rave kanina?

"Asper, Magbihis ka na at mag-ayos. Makita mo lang ang itsura mo, Yuck. Para kang ginahasa." sabi ni Ashley. Naalala ko naman ang lagay ng katawan ko. Damn. Halos punit na ang suot kong pantulog at humahapdi rin yung mga sugat ko. Naramdaman ko nanaman muli ang pagod.

Wala sa sariling tinanguan ko si Ashley at dumiretso sa C.R.

Nang makapasok nako sa C.R. ay agad kong nakita sa salamin ang repleksyon ko.

Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga at matiim na tinitigan ang babaeng nasa harap ko.

Malungkot ito.

Malungkot ako.

Dahil ba sa namimiss ko ang buhay ko noon nung hindi pa ako pumapasok dito? O dahil hindi ko na maibabalik kung ano ako noon? o baka naman dahil sa hindi sumipot ang kaisa isang taong inaasahan mong darating?

Ano nga bang rason kung bakit nakaguhit ang lungkot sa pagmumukha ko?

Napatawa nalang ako ng mapait sa sarili ko.

Lost Academy Where stories live. Discover now