Muling Pagkikita 2

109K 3.3K 354
                                    


*Asper's POV*

He left me stunned and dumbfounded...

J-just What the heck is that?!?! Binabalik ko lang?! Ano kayang nakain non?! Napossess ba sya ulit ng kung anong lamang lupa? O baka lasing? hindi eh, mukha naman syang matino kanina pero...May matino bang nanghahalik?!

Takte, mukhang kailangan ko na talagang ipatawas si Rave!! Nagsisimula na talaga akong matakot sa inaakto niya.. brrr.

Napahawak ako sa labi ko.

*DUG *DUG *DUG *DUG

Damn! I hate you Rave!! I hate you for making me feel this!! I hate you!! >:[

I couldn't even comprehend what exactly is this feeling pero ngayon palang sinasabi ko na, kinakabahan nako para dito, para sa nararamdaman ko.

Jusko naman! Kapag nagpatuloy pa sya sa pagiging ganyan, lalayuan ko na talaga sya at hinding hindi ko na sya lalapitan!! Arrgh! Taena!

Sinabunutan ko ang sarili ko, tanga no? Bayaan na, ako lang naman ang nandito eh.

After minutes of arguing with myself, napagdesisyunan ko ng umalis, only to find myself lost. Lintek! Ang laki pala nito! Are you kidding me?! Is this even a GARDEN?!

Kung sino mang may pakana ng Garden na'to ngayon palang, wag ka ng magpakita!!

"Eenie, meanie, mini mo, saan kaya ang pipiliin ko." sabi ko. Nalilito kasi ako kung aling daan ang pipiliin ko dun ba sa kaliwa o kanan. Hindi ko kasi maalala kung saan kami dumaan kanina, i was too preoccupied para pansinin pa ang dinadaanan namin.

"Arrrgh!" It was a faint sound pero enough na para malaman kong may tao.

Sinundan ko kung saan ito, I might ask for help diba?

"Arrrgh!" naulit pa ang tunog pero ngayon mas malapit nako sa kung sino man ang dumadaing.

"Sinong nandyan?" tanong ko pa tapos may nakita akong movement sa may kabilang dako ng puno. Oh, nandyan lang pala yung gumagawa ng ingay!

Lumapit ako sa kanya at laking gulat ko kung sino iyon.

"Ikaw?" nasabi ko nalang. Remember the guy in the field? Yung mamang nagbigay sakin ng orasan? He's wearing the same mask but not the same outfit.

Dito ko lang pala sya makikita? Pagkakataon nga naman oh. >:]

Pinasadahan ko sya ng tingin, as if inspecting him kung meron bang kakaiba sa kanya, at tama nga meron nga. Nakahawak siya sa tagiliran niya na para bang may iniinda syang sakit don and let me tell you, in his current condition now, i bet hindi sya makakalakad ng tuwid, susuray to promise. Kaya for sure kakailanganin niya ng tulong.

Nagdadalawang isip pa ko kung tutulungan ko ba sya o hindi nang magsalita sya.

"T-tutulong ka ba o hindi?" Napatitig ako sa kanya ng matiim. That tone. Ang tono ng pananalita niya, it reminds me of someone i know.

I shook the thoughts out of my head and help him up. Sinabit ko sa balikat ko ang isang braso niya at inakay na sya patayo.

'It's Impossible.' I thought but then i stopped abruptly when a thought suddenly crossed my mind.

"--Teka nga!" Binalik ko sya sa pagkakaupo niya kanina, tiningnan naman niya ako ng nagtataka.

Tanga mo Asper!! Tanga tanga mo!

Ang lakas lakas ng loob mong tumulong, eh ni hindi mo nga natulungan sarili mo sa paghahanap ng tamang daan eh!

"Ah teka lang mama ha? May problema rin kasi ako eh." sabi ko sabay naglakad pabalik-balik sa harap niya. "Hindi ko kasi alam ang pasikot sikot dito, di ko rin alam kung saan kita dadalhin." stress na stress na sabi ko. Eh nag-aalala kasi ako sa kanya, pano kung maubusan sya ng dugo? Hindi ko nga alam kung gano kalalim sugat niya. It's just that... Nakakapanic sya.

Lost Academy Where stories live. Discover now