Lost Academy #83.1

61K 2.2K 449
                                    

Chapter 83.1: Sanity Second Half

"Wala. Okay bye." Tumakbo ako papalayo kay Rave para maiwasan na ang comprontasyon. Mahirap na baka isipin non ay baliw ako. Hapo-hapong napahinto ako ng makasigurado akong di na ako matanaw ni Rave. Buti nalang talaga hindi na siya sumunod.

Naglakad na ako sa direksyon patungong South Wing ng mapansing wala na doon ang mga estudyante na dati-rati ay nakikita ko pang pakalat kalat dito sa mga oras na ganito. "Hapon na ah." nagtataka man ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang classroom ko. Titingnan ko muna kung naroon pa ba siila Kayle ngunit sa pagsilip ko wala ni isang tao ang naroroon. O-okay, ang weird. Saan kaya sila ngayon?

"Oh Asper." sabi ng boses mula sa likuran ko.

"Nikki." tawag ko sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo dito? Di ka ba magte-train?" tanong niya.

"Train for what?" takang tanong ko sa kanya.

"Duh. Malapit na ang show off, busy ang lahat para doon." sabi niya.

"Binago ang schedule ng training?" takang tanong ko. She then looked at me like I have grown two heads.

"Ikaw nga ang nagmungkahi non diba? Lumapit ka kay Sir Laurence para mas pahabain pa ang oras ng training natin. Ano bang nakain mo?" tanong niya. Napatanga naman ako.

"I did?" wala sa sariling tanong ko. Nangunot naman ngayon ang noo niya.

"Seryoso Asper. Anong nangyari sa'yo ngayong araw? Nagiging makakalimutin ka na ata." natatawang sabi niya. "Tara, hinihintay na yata tayo nila." aya pa niya. Nagpadala nalang din ako ng hilahin niya ang kamay ko patungo sa isang training hall. Nagtaka naman ako ng lagpasan namin yung unang training hall.

"Bakit tayo lumagpas?" tanong ko.

"Talaga Asper?" Di makapaniwalang sabi niya. "Nakalimutan mo na ang nangyari dyan?" sabi niya. "Di na maitsura ang lugar na yan, hinihintay pa ang utos ng Headmaster para ayusin yan." Bigla namang pumasok sa isip ko ang isang alaala. Si Feur, inatake ako ni Feur kagabi and then...

"Si Clynn, si Rave pati si Razor, si Krema at yung isa pang babae. Si Keis at...at..." natatarantang sabi ko habang nakatingin ako kay Nikki. "Kagabi Nikki may nangyari!"

"H-hey. Wag mo kong pagtripan ng ganyan." Naguguluhang sabi niya. "Magkakasama tayo kagabi nila Kayle. may sakit ka ba?" sabay lagay niya ng isang kamay nya sa noo ko. Nagpalingo-lingo naman ako.

"Hindi...hindi. May nangyari talagang masama kagabi ina-" pinutol naman niya ang sasabihin ko.

"Seriously Asper. Baka kailangan mo ng magpahinga, kagabi magkakakasama tayo buong magdamag. Walang anumang nangyari, nakabantay don si Clynn pati si Keisler, ewan ko nga ba sa dalawang yun. Ayaw magsabi kung anong meron pati si Krema nilalabag na rin ang rules ng dorm natin. Mga isang linggo na silang ganon walang imik pero laging umaaligid kung di man sila yung gwapong boyfriend mo naman ang nandiyan.... blah blah.." hindi ko na maintindihan pa ang sinabi niya sa huli dahil mas nakakuha ng atensyon ko yung sinabi niyang buong gabi kaming magkakakasama at laging nakabantay sila Clynn at Keisler. Ano bang nangyayari? At teka nga sinong gwapong boyfriend ko daw?

"Nikki, ilang araw na nga lang ba bago ang show off?" tanong ko.

"Two days to go kaya nga puspusan ang pagte-training nila eh. Kaya tara na nga." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. April fools ba ngayon? Pinagtitripan nga ata ako ng mga tao ngayon. Hindi ko na namalayan na hinila na pala ako ni Nikki papasok sa ikalawang training hall. Wala ako sa sariling napatingin sa paligid. Puspusan nga ang pagsasanay nila. Ano bang nangyayari sa mundo?!

Lost Academy Where stories live. Discover now