Lost Academy #94

23K 927 192
                                    

Lost Academy #94 An Image of You
Song used: Borrowed Time by Cueshe

[CAIDE]

Nawalaan ako nang panimbang nang biglang bumiyak ang sahig na tinatapakan ko. Hindi na rin ako magkamayaw sa pag-iwas sa mga nahuhulog na debris. Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari pero ang alam ko lang, as soon as possible kailangan kong makita ang batang Exle. Hindi nga ako makapaniwala na ang batang yun lang pala ang puno't dulo ng lahat ng ito. Nakasaad lahat ng iyon sa itim na journal na hawak ko. Ang journal ni Vlad.

Hindi ko alam na habang masaya akong nag-aaral dati dito sa paaralang ito, may mga ganitong bagay na palang nangyayari sa loob ng eskwelahan. Sa pagkakataong ito, hindi ko na rin alam kung ano ba dapat ang mararamdaman. I'm just someone na nagkataong nakakuha ng journal na ito, wala akong malaking parte sa mga nagaganap pero ang thought na dahil lang sa isang desisyon ay nagbago lahat ang tadhana ng bawat isa rito sa loob ng eskwelahan. The truth is really overwhelming na hanggang ngayon hindi pa rin gaanong nagsisink-in sa akin ang lahat. Mula umpisa hanggang sa kalagitnaan ng journal, it's as if lahat ng nakasulat sa journal ay parang isang fiction lang intended to stimulate your imagination. Hindi kapani-paniwala but all evidence has been laid and there's no reason for me to deny everything.

Nung marinig ko kasi ang pagsabog kanina nang kung ano man ay agad na akong lumabas sa Intel Core. Balak ko pa sanang magbasa pa sa mga nakasulat sa journal but the more I progress reading the more I feel how heartbreaking it is. Love can really conquer everything and anything but if you love too much, conquering everything also means taking too much from you.

I was really apalled that a person's love can move things to an unimaginable extent. Vlad's case was threading between life and death, isinaalang-alang niya ang buhay ng nakararami all for one person. Vlad's love is the kind that can ruin everything and in our case, it's our own timeline. At ang tanging paraan nalang para mailigtas ang mga hinaharap namin ay ang batang yon.

Sa pag-iiwas ko ay may napansin akong mga pigura sa di kalayuan.

"RED!" tawag ko kay Jared nung makita kong may bitbit siyang dalawang bata. Ang isa ron ay umiiyak na, dala siguro sa matinding takot dahil na nga sa mga nangyayari.

"CAIDE!" salubong niya sa akin nang magkaharapan na kami at tulad ko masyado na rin siyang haggard. Walang anu-ano'y tinulungan ko na siyang akayin yung isang bata na babae. Kinarga ko ito at pinipilit na pinapatahan.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Euria." simpleng saad niya na naunawaan ko na agad. If not for the journal, I would be inquiring a lot of things right now.

"Tapos na pala." nasabi ko nalang. "Red, it was all a facade. Hindi si Euria ang-" agad naman niya akong pinutol sa sasabihin ko.

"Alam ko na." sabi niya. Agad naman akong natigilan nang may maramdamang kakaiba.

"The tremors stopped." I said stating the obvious. Hindi na lumilindol but it doesn't mean na safe itong kinakatayuan namin kaya't walang pag-alinlangang lumabas kami papuntang field.

Habang papaalis kami sa paguhong parte ng eskwelahan ay pinagtuunan ko ng pansin ang batang akay ko.

"Exle." mahinang tawag ko bata.

"Kilala niyo po ako?" humihikbing tanong niya. Hindi ko naman siya sinagot sa halip ay binulungan ko na lamang siya.

"They love you so much." nakangiting sabi ko sa kanya. To the extent na kaya nilang isakripisyo ang lahat mabuhay ka lang. 'And now you are the only hope left for us.'

"Sino po?" inosenteng tanong niya sa akin habang nakayakap siya sa may leegan ko at nakasandal ang ulo niya sa isang balikat ko.

"Your parents." maikling sagot ko na ikinatahimik niya.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon