Lost Academy #92

22K 910 109
                                    




Lost Academy #92 Where Time Ceases

Someday will come the past will return to present and the future shall turn into an ash of havoc. An empire shall rise again in the midst of disaster and shall consume lives. Many soul shall grieve at its lost but one soul shall stand on the frontier of hope and destruction.

Parang naging statwa ang lahat ng magsimulang yumanig ang lupa. Nagsimula ito sa mahinang pagyanig hanggang sa lumakas pa ito ng lumakas. Maliban kay Asper na siya'ng dahilan ng pagyanig, halos lahat ng naroon ay hindi na magawang makatayo. Katapusan na nga ba ito ng mundo? Nagsimula ng bumukas ang lupa at may iilan ng mga estudyante ang nahulog dito. Doon lang nabalik ang ulirat ng mga kasamahan ni Asper nang magsigawan na ang mga estudyanteng hindi alam kung anong gagawin, kung saan sila kakanlong o kung saan sila tutungo.

Matapos tumama kay Asper ang napakamisteryosong ilaw na iyon ay bigla nalang din itong nawala sa sarili. Hindi na kulay itim ang mga mata nito, naging pabago bago na tulad nang nakita noon ni Estrella sa kagubatan. Hindi nga siya nagkamali, may kakaiba na nga kay Asper simula pa noon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit ganito ang nangyayari kay Asper. Parang hindi na ito yung nakilala nila. Bigla nalang din nagbago ang kulay ng buhok nito, hindi mo na talaga makitaan ng bakas ng nakaraang Asper na nakilala nila.

Kakaiba at nakakapanindig balahibo ang bilis nga mga pangyayari. Nobody expected something so out of this world like this.

"ASPER! Anong ginagawa mo?!" pasigaw na tanong ni Krema na hindi na rin halos makatayo. Hindi siya sinagot ni Asper sa halip ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad sa pinakagitna ng stage na hindi man lang naaapektuhan sa pagyanig. Alam niyang kahit anong sabihin niya ay hindi ito makakarating kay Asper dahil wala na ito sa kanyang sarili.

"Bakit ka nagkakaganyan Asper?" tanong nalamang ni Krema sa kanyang sarili. Sa halip na tumunganga ay inaalalayan nalang niya sila Nikki dahil pati na rin sila Ashley ay nabuwal na.

"Krema. A-anong nangyayari kay Asper?" tanong ni Nikki.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam." sagot niya. Sa buong buhay niya ngayon lamang siya nakasaksi ng ganito na tila ba katapusan na ng mundo.

*CRAAAAACK*

Bigla nalang nanlaki ang mata ni Krema ng may marinig siyang crack sa di kalayuan ng pwesto nila. Mabilis pa sa alas kwatro na kinabig niya sa bewang sila Ashley at Nikki dahil sa biglaang pagbuka ng lupang inuupuan nila. Muntikan na silang mahulog mabuti nalang ay nakatalon siya agad. Si Holey naman ay nakasakay na sa kanyang guardian na nakakalipad din pala.

"ESTRELLAAAA!" sigaw ni Holey ng makita niya kung saan maglalanding ang mga kaibigan niya. Hindi namalayan ni Krema na sa ginawang pagtalon niya ay mapupunta rin pala sila sa isang butas. Huli na ng maisip niya iyon ngunit doon naman nabalik sa sarili si Nikki at agad na nagpakawala ng lasong kukunekta sana sa guardian ni Holey.

"Shit!" mura ni Krema ng hindi umabot ang laso.

"AAAAAAAAAAAAAH!" Matinis na sigaw ni Ashley na nagpapanic na ang buong pagkatao nito. Dala ng sobrang kaba ni Holey at kagustuhang mailigtas niya ang mga kaibigan niya ay maagap na tinalon ni Holey ang laso. Nakuha nga niya ito ngunit sabay ng pagkahulog nila Krema ay ang unti unti niyang pagkadulas sa guardian niya. Mabuti nalamang ay nahawakan nito ang paa ni Holey dahilan upang lumambitin ang apat ere. Laking pasasalamat ni Krema na hindi sila tuluyang nahulog kung hindi ay talagang katapusan na nila.

Makakahinga na sana sila ng maluwag kung hindi lang nila narinig ang unti-unting pagkapunit ng lasong kinakapitan nila. Masyado pala silang mabigat para sa laso.

"The fuck." yun nalang ang nasabi ni Krema ng tuluyan silang mahulog kasabay ng sigaw ng dalawang babaeng hawak niya.

"AYOKO PANG MAMATAAAAAAAY! KYAAAAAH!" sigaw ni Ashley na kanina pa nagpapanic.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon