Ella Knows

108K 3.2K 358
                                    

*Ella's POV*

Oh My God! Oh My God!

Rence! Kailangan kong makita si Rence! Oh My God! Kailangan ko syang makita! Bakit ko nga ba nakalimutan lahat ng nangyari?! Bakit?!

Tumakbo ako ng tumakbo sa corridor, halos magkandalito-lito na ako sa mga dinadaanan ko dahil halos hindi na ako pamilyar sa lugar. Malaki na ang pinagbago ng eskwelahan, Anim na taon na ang nakakaraan simula ng mawala lahat ng alaala ko pati ang kaanyuan ko. Natatakot ako ngayon, Takot na takot. Six years na wala akong ginawa at walang kamalay malay sa nangyayari. Six years ang itinagal para matago ang mga lihim na dapat ay matagal na nilang nalaman. Nasayang ko ang panahon na iyon at ngayong nagbalik na nga lahat sakin ang mga alaalang nawala...

Malaking problema na ang mabubunyag!

"Rence! Rence!" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ko ang mga opisina ng mga guro na kinabibilangan ni Rence.

Oh My God!! Kailangan ko ng masabi ang mga nangyari noon!

Ang lahat tungkol sa Moons Flower, Ang tungkol sa Lawa, Ang tungkol kay Alice lalong lalo na kay Vlad. Ang lahat tungkol sa nangyari noon. Baka mahuli na ako kapag hindi ko nasabi ito kay Rence o sa kung sino mang taong mapagkakatiwalaan! Baka mahuli ako. Nandidito si Sambre at isang malaking problema iyon.

"Rence!" nagmamadaling tawag ko. Sinilip ko ang bawat pintong naroon pero kahit isa wala akong makitang tao hanggang sa napunta na ako sa pinakahuling pinto. Ang pintuan patungo sa opisina ni Rence. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko buksan ang pinto at sa pagbubukas kong iyon ay nagulantang ako sa sumalubong sakin. Isang hindi inaasahang nilalang ang nakasandal ngayon sa mesa ni Rence pero wala akong Rence na nakita sa paligid.

"Akala mo hindi ko mapapansin?" sabi niya sakin. "Unang kita ko palang sa'yo nagduda na ako sa kung sino ka. Hahaha." nakakatakot na tawa niya. Bigla namang nanginig ang buo kong katawan sa narinig kong boses. "Alam mo bang. Makakasira ka sa plano ko?" malademonyong ngisi niya habang unti unti syang humahakbang papalapit sakin.

"Ella. Ella. Ella. Naaayon na ang lahat. Ba't bumalik pa?" tanong niya na syang nagpanginig sakin lalo.

"S-s-sam-bre." nauutal na sabi ko. Si Sambre sa katauhan ni Ley Hollows ang nakatayo ngayon sa harap ko at malademonyong nakangisi sakin. Nanghihina ako sa nakikita kong galit sa mata niya. Lumapit pa sya ng lumapit hanggang isang dangkal nalang ang lapit namin, mas lalo namang kumabog sa kaba ang dibdib ko at trumiple pa nang bigla niyang ilagay sa leeg ko ang kanang kamay niya. Sinasakal niya ako!

"Alam mo ba kung gaanong hirap ang nadaanan ko dahil sa inyo? Dahil sa kagagawan niyo?" nanggigigil na sabi niya habang ako naman ay halos hindi na makahinga sa pagkakasakal niya.

Rence! Asan ka?

"Nawala sakin lahat. Alam mo ba?!" sabi niya pa.

"hi-hin-di na-wa-la la-hat sa-sa-yo, ma-s pi-ni-li mo la-lang ma-wa-la a-ang la-hat ng s-sa-yo." paputol putol na sabi ko. Hirap na talaga akong huminga!

"Wala kang karapatan sabihin sakin ang tungkol sa bagay na yan. Hindi ng tulad mo." mas lalo naman niyang diniinan ang pagkakasakal sakin. "Dapat kang mamatay. Kayo ni Vlad, lahat kayo. Dapat mamatay. Una ka na." sabi niya at bigla nalang akong binalibag na para bang basurang itinatapon sa basurahan.

"Ack!" daing ko nang matama ang katawan ko sa isang box na puno ng gamit. "Ta-tama na! Sam-bre! Tama na..." sabi ko habang iniinda pa ang sakit ng buo kong katawan sa pagkakabalibag. Muli na naman niya akong pinulot at sa pagkakataong ito ay lumaban na ako. Ginamit ko ang mga dahon na gawa ng kamay ko upang mapalayo siya sakin, nagtagumpay naman ako sa balak kong yon.

Lost Academy Where stories live. Discover now